Chapter 5

16 5 0
                                    

Riley's Pov

"Couz, kinakabahan ako" Saad ko kay Giselle habang nasa labas kami ng Music Room at hinihintay ang Cue na pwede na kong pumasok. 

"Gagita, dami dami mo ng natugtugan ngayon ka pa kinabahan" Sambit nito sa'kin.

"Ibang klase na kasi toh" Saad ko pa.

"Panigurado akong mas nakadagdag ng kaba yung nangyare kanina HAHAHAHA, Couz kung nakita mo lang mukha mo kanina nung kinausap ka ni Stan HAHAHAH" Natatawang saad ni Giselle, marahan ko syang hinampas.

"Hindi nakakatulong Couz" Iritang saad ko. 

"Riley" Lumingon ako nang tawagin ako ni Lane at sinabing pumasok na ko sa Music Room. Sobra sobrang kaba ang nararamdaman ko nang pumasok ako sa loob at bumungad sakin ang tatlong lalake, sa gitna nito ay si Stan. 

'Sh*t, that look is scary as hell'

Saad ko sa sarili ko nang masalubong ko ang tingin ni Stan. Ngayon ko lang sya nakitaan ng ganitong aura. 

"Hi, Riley right?" Seryosong saad nung nasa kanan ni Stan. Nakacivillian lang ito hindi katulad nung isa na nakaformal attire pa. Sa dulong bahagi nang music room ay nandoon sila Lane, silang tatlo ay nginitian ako at nagthumbs up pa si Lane 

"I am Manager Rye, the Public Figure handler of BuzzBee" Nakangiting sambit ni Manager Rye. 

"I am President Ting, The current President of Rubie Entertainment" Literal na napanganga ako nang magsalita ang lalakeng nakasuot ng Formal Attire. 

'Shocks! Makakahinga pa sana ako ng maluwag kung sya yung second manager pero PRESIDENT!?' 

"Do I need to introduce myself?" Malamig na tanong sa'kin ni Stan.

Umiling na lang ako bilang kasagutan.

"Hija, pakigamit ang boses mo" Nakangiting sambit ni Manager Rye.

"Ay sorry po, kinakabahan lang po" Nakangiti kong sagot. 

"You may start" Utos ni Stan. Huminga muna ako ng malalim bago kuhanin ang gitara sa tabi ko. Nagsimula na kong magstrum ng gitara pagkaupo ko.

'Wish I could be the one

The one who could give you love

The kind of a love you really need' 

Hindi ko inalis ang tingin ko sa gitara dahil baka magkamali ako ng chords. 

'Wish I could say to you

That I'll always stay with you

But baby, that's not me'

Inalis ko ang tingin ko sa gitara at nilipat ito sa dulong bahagi ng music room kung saan naroon sila Lane, nakatayo na din doon si Giselle na nakangiti habang pinapanood ako. Hangga't maaari ay ayokong tumingin sa mga taong nasa harap ko, lalo na kay Stan.

'Oh, I could say that I'll be all you need

But that would be a lie

I know I'd only hurt you, I know I'd only make you cry

I'm not the one you're needing

I love you, goodbye'

Nang matapos ko ang isang kanta ay saka lang ako tumingin sa tatlo. Kahit nakatapos na ko ng isang kanta ay hindi pa din mawala-wala ang kaba sa dibdib ko.

"Ang ganda ng boses mo, yun lang ang masasabi ko" Nakangiting saad ni Manager Rye, sumang-ayon naman sa kanya si President Ting. 

"Riley, familiar ka kay Kitchie?" Tanong ni Manager Rye.

The Day We Met (BoyBand Series #1)Where stories live. Discover now