Chapter 11

15 5 0
                                    

Riley's Pov

"Hoy! Kanina ka pa tulala d'yan" Kibo sa'kin ng pinsan ko habang nilalagay ang mga stocks na binili namin sa Puregold, dahil sabado naman ngayon ay napagdesisyunan namin na mamili ng grocery dahil paubos na ulit ang stocks namin. 

"Sampalin mo nga ako" Utos ko naman dito, nilapag nito ang container na hawak nya at lumapit nga sa'kin, sasampalin nya pa lang sana ako pero buti na lang naiwas ko agad ang mukha ko.

"Gagawin mo talaga ha" Saad ko.

"Aba oo, madali akong kausap. Ano bang ikinatutulala mo d'yan?" Tanong naman nito sa'kin at nagpatuloy na sa pag-aayos ng pinamili namin.

Maski ako ay naguguluhan na din sa nararamdaman ko, nagsimula ito noong pinanood kong maglaro ng basketball si Stan. Bigla na lang bumagal ang paggalaw ni Stan sa paningin at bumili ang tibok ng puso ko. 

"Pano ba malalaman pag may gusto ka isang tao Couz?" Tanong ko sa kanya na ipinagtaka nito.

"Ano ka bata? Hindi yan crush gaga, ang tawag d'yan Love" Sagot naman nito.

"Tsk, pano nga" Kunwaring inis na tanong ko.

"Kinakabahan ka kapag malapit sya sa'yo, gusto mo lagi syang makita, makausap or what. Mga ganun bakit?" Sagot nito sa'kin. 

"Ay hindi baka kabag lang toh oo, tulungan na kita d'yan" Sambit ko atsaka luampit sa kanya at nagsimula nang tumulong sa kanya.

"Suuuuus!!! Kabag daw, kung kay Stan yan ay nako hindi na ko magtataka at hindi din ako tututol" Panunukso nito.

"Pano mo nalaman?" Tanong ko.

"Ang alin?" Tanong nito pabalik. Umiling ako at pinagpatuloy ang paglalagay ng snacks sa pantry. 

"Alam mo kasi couz, napapansin ko kasi na nagiging malapit na kayo ni Stan. Minsan pa nga ay nagbabardagulan na kayo eh, ay correction. Hindi lang pala ako, lahat kami actually hehe. Kaya hindi na ko magtataka kung isang araw eh isa sa inyo ang umamin bigla" Saad ng pinsan ko. 

"Ewan ko ba, baka humanga lang ako sa galing nyang maglaro. Wag kang mag-imagine d'yan. Alam mo naman na ayoko muna di'ba" Sambit ko.

"Gaga, sabi nga sa kanta 'Kapag tumibok ang puso, wala ka ng magagawa kundi sundin ito'" Pagkanta pa nito. 

Huminga na lang ako ng malalim at nagpatuloy sa pag-aayos. Kahit na patuloy pa din ang pinsan ko sa panunukso sa'kin kay Stan ay pinilit kong wag itong intindihin. Pero talagang nakapamapaglaro ng tadhana dahil heto ang Buzzbee ngayon sa harapan ko.

"Surprise" sambit nila nang buksan ko ang pinto.

"Anong meron?" Naguguluhang tanong ko, ngumit lang sila at isa isang pumasok at dumiretso sa sala at prenteng nagsi-upo doon. Sakto naman na bumaba si Giselle galing CR.

"Ay taray, may mga bwisita" Sambit nito habang nababa ng hagdan. Sinara ko naman ang pinto at umupo din sa single couch.

"Kayong dalawa lang dito?" Tanong ni Austin habang nililibot ang tingin sa kabuuan ng bahay.

"Obvious naman di'ba Austin" Pangbabara naman ni Pinsan ko sa lalake at sumiksik din sa tabi ko. 

"Bakit nga kayo napadpad dito? Pano nyo nalaman bahay namin?" Sunod sunod na tanong ng pinsan ko.

'Ayan tama yan, magtanong ka muna hindi yung nambabara ka kaagad'

"Nabobored kami eh, alam naman ni Stan ang bahay n'yo kaya naisipan namin na bumisita" Sagot ni Jaxson. 

"Alam mo ang bahay namin?" Tanong ko mismo kay Stan, nakangiti itong lumingon sa'kin at marahang tumango. 

'Yung puso ko na naman'

The Day We Met (BoyBand Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon