"Ang galing! Bumalik na ulit ang utak mo hahaha."

"Alam mo dude, matalino ka naman eh... slow nga lang hahhaha."

Simimangot siya ng tawanan namin, "Ang sakit yong magsalita." emotional pa nitong hinawakan ang dibdib at umaktong parang nasasaktan.

Ganito kami mag bonding, kahit mga siraulo kami masaya naman.

"Tsk," napatigil kami sa tawanarn ng biglang tumayo si leader, "Oh leader, saan ko pupunta?" tanong ko, sinulyapan lang ako nito saglit bago umakyat sa kwarto niya.

Ang headquarters kasi namin ay may 2nd and 3rd floor, meron kaming tig-iisang kwarto dito. At kapag ayaw namin umuwi sa kanya kanya naming bahay ay dito kami natutulog. Hindi naman kami hahanapin o papagalitan ng mga magulang namin dahil alam na nila ang tungkol sa HQ (headquarters) nato. Malaki naman ang lugar dito, pwede pa nga dito kami magpractice bukas kaso nandito din halos lahat ng mga armas namin baka makita ni yuki at paghinalaan kami.

"Hindi pa ba kayo kakani? Gutom nak---" reklamo ni zero pero hindi na tuloy, "Umamin ka nga, meron ka bang alagang dragon diyan sa tyan mo hah?" putol ni kyle sa sasabihin sana nito.

"Bahala kayo basta kakain ako,"

"Hindi tayo nakapagluto ng hapunan, anong kakainin mo?"
ani ni steve but zero just smirk and later on we heard the doorbell's rang. Nagkatinginan kaming lahat, "Meron ba kayong pinapapunta rito?" nakakunot noong tanong ni christopher.

"Meron lang akong inutos sa tauhan natin, baka sila na yun hahaha." tumatawa nitong sabi tsaka umalis para puntahan yong sinasabi niya.

"Ano naman kaya ang inutos non," nagkibit-balikat lang ako, maya-maya ay bumalik saya na may dalang napakaraming pagkain na nakalagay sa plastic bag tsaka niya nilapad sa maliit na mesang nasaharap namin at umupo sa tabi ko.

"Oh sa'n naman galing yan?"

"Sabi ko sa inyo eh, nag-utos ako ng tauhan para bumuli ng pagkain hahaha."

"Oyy pahingi,"
sabi ni ash tsaka nilantakan ang mga pagkain kaya kumain na rin kami, baka ubusin pa ng dalawang to eh. "Hindi ba kakain si leader?" tanong ko at sinulyapan pa ang hagdan.

"Sus di ka pa nasanay, kapag nakapasok na yun sa kwarto niya ayaw nanon magpaisturbo 'kaya kumain ka nalang." pinagtuonan ko nalang ng pansin ang pagkain ko ganun din sila, paminsan-minsan ay nagkukwentuhan kami o di kaya ay magbibiruan hanggang sa merong maaasar.

Pagkatapos kumain ay isa-isa naming iniligpit ang mga kalat. "Ahhhh busog na ako," sabi ni zero habang hinihimas ang tyan niya.

"Pano'ng hindi ka mabubusog eh halos ubusin muna nga lahat ng pagkain eh!" sabi ni ash, "Gutom ako eh, tsaka ako naman ang nagpabili ng pagkain na yon kaya wa'g kayong magreklamo. Pasalamat pa nga kayo dahil nakakain pa kayo, amp!"

"Edi salamat sa ayuda, busog na busog nga kami eh." sarkastikong turan nito. Ito'ng dalawa'ng to pag pagkain na ang pinag-uusapan dapat pantay talaga sila ng nakain dahil kong hindi ay mag-aaway sila, para mga bata. Buti di ako nahawa sa kanila, kunti lang hahaha.

"Matulog na nga lang kayo, maaga pa tayo bukas." ani ni ivan tsaka tumayo, He was about to step on the stairs when zero stopped him.

"Teka lang!"

"Bakit?"

"Marami bang pagkain kila yuki?"
he ask directly, "Pucha ka pre!" sabi ni kirito at binatukan si zero.

"Aray! Ano ba?" reklamo nito tsaka hinimas ang ulo niyang nabatukan.

"Kakakain mo lang, pagkain na naman nasaisip mo."

"Bakit ba, isip ko naman to 'Hindi sayo!"

"Bahala kayo sa mga buhay niyo, mga sakit kayo sa ulo."
sabi ni ivan at tuluyan ng umakyat sa taas.

"Tulog na rin ako." tipid na wika ni peyton.

*Yawwnn*

"Inaantok na rin ako, una na 'ko sa inyo sa taas. Good night." sabi ko, "Sige, mamaya pa kami." tumango lang ako at iniwan sila dun sa sala.

Pagkapasok ko sa kwarto ko ay ginawa ko na ang aking night routine, at syempre ang skincare ko. Kahit lalaki ako inaalagaan ko pa rin ang mukha ko, mahirap na baka masira ang baby face kong mukha. Sabi ng mommy ko mahal daw niya ako kasi mabait at cute daw ako kaya aalagaan ko ang mukha ko hehehe.

Kong sila leader gwapo, cool, at good-looking, 'ako naman ay cute.

Sa totoo lang makinis naman ang mukha ko, pero isang araw kasi nakita ko si tyler na merong inilalagay sa mukha 'eh na curious ako kaya tinanong ko siya kong ano at para saan yong nilalagay niya sa mukha niya.

Sabi niya naman skincare daw yun para manatiling makinis ang mukha niya kasi marami fan girls na nagkakandarapa sa angkin niyang kagwapuhan. Kaya nag try din ako hindi para sa fan girls ko kundi para maging masaya si mommy pag nakita niya ang cute kong mukha hehehe.

"Tapos na, hayy ang fresh sa pakiramdam."

Humiga na 'ko sa kama at tinitigan ang kisame, sana maging masaya ang araw namin bukas.

"Mabait kaya ang parents ni yuki? Siguro, mabait naman si yuki baka sa parents niya siya nagmana."

Hindi ko na inisip pa yun at ipinikit ang mga mata, ilang sandali lang ay nilamon na 'ko ng kadiliman.



Yuki's POV:

"Mommy."
agaw pansin ko sa kanya, andito kasi kaming tatlo nila daddy at mommy sa sala nanonood ng TV, kakatapos lang namin kumain kaya napag-isipan namin na manood ng movie bago matulog. "Yes, sweety?"

"Meron po kasi kami'ng activity sa monday at bukas po dito sana kami magpapractice if it is ok with you and daddy?" nagpuppy eyes pa ako para effective, siglit niya pang sinulyapan si daddy na nasa kabilang side ko lang nakaupo 'bali pina-gigitnaan nila ako.

Tumingin rin ako kay daddy tsaka nag puppy eyes ulit, bumuntong hininga siya bago tumango kaya napangiti ako. "Yey! Thank you daddy." masaya kong sabi at kiniss siya sa pisnge. Mahina siyang natawa tsaka niya ako ginantihan ng halik sa noo.

"Ano bang activity niyo?" tanong ni mommy, kaya nilingon ko siya.

"Kakanta kami by a group at pag nagawa daw namin yun bibigyan kami ni prof ng tig-100 points. Kaya magpapractice kami para dun."

"That's good princess, pinagbubutihan mo talaga ang pag-aaral mo."
nakangiting puri ni dad, "Oo naman po daddy hehehe."

"Siya nga po pala mommy di 'ko pa nabanggit sayo."

"Ang ano, sweety?"

"Classmate po kami ni Ivan, mommy."

"Ivan?"
naguguluhan niyang tanong, "Yes mom, yon pong naging best friend ko noon na anak ng kaibigan niyo po." paliwanag ko.

"The son of Forteza?" dad formally said, "Yes dad, siya nga."

"It's been 2 years nong huling kita ko sa kanya at sa mga magulang niya, pumunta sila ng ibang bansa diba?" sabi ni mom, "Yes mom, at kasama din siya bukas na pupunta dito."

"Oh, that's great!" saad niyang nakangiti, "Btw ilan'g kaklase mo ba ang pupunta dito sweety 'para makapaghanda ako ng foods niyo bukas?"

"Ahh eh actually po mommy lahat po ng mga kaklase ko ang pupunta po dito hehehe."

"Bakit princess sila ba lahat ang ka-grupo mo?"
tanong ni dad.

"Hindi po dad, seventeen lang po kasi kami sa section namin and our professor group us into two groups pero yong other group kasi wala sila'ng mapagpraktisan mommy kaya dito nalang din sila. May dalawa'ng music room naman po tayo eh hehehe." dad pated my head, "Ikaw talaga princess," tumawa lang ako sa kanya.

"Btw dad, kami po pala ni kuya gino ang susundo sa kanila bukas ng umaga." sabi ko, "It's fine with us as long as mag-ingat ka, okay?" nakangiting tumango ako bilang sagot.

"Oh sige na, matulog ka na dahil maaga pa kayo bukas diba." sabi naman ni mom, "Sige mommy, daddy. Matutulog na po ako, good night." sabi ko saka ko sila hinalikan sa magkabilang pisngi.

"Good night our princess." sabay nilang sabi at sabay din nila akong hinalikan sa pisngi, so I giggled.

Umakyat na 'ko sa kwarto ko tsaka ginawa ang night routine bago matulog.


~KINABUKASAN~

Katulad nga ng sabi ko kagabi ay maaga akong gumising, tapos na 'kong maligo at nagsuot lang ako ng simple white korean off shoulder dress above the knee and pair of white flat sandals. Mom bought it for me when they were in Korea, and I love it! It's kinda cute tho.

Inilugay ko lang ang buhok ko tsaka ko napagdesisyunang bumaba na para kumain.

Pababa ako ng hagdan ng makasalubong ko si nanay linda, "Good morning po nay!" masigla kong bati sa kanya.

"Magandang umaga rin sayo iha. Ang manda mo ngayon ah." aniyang nakangiti, "Ngayon lang ba nay?"

"Nako maganda ka naman araw-araw, mas gumanda ka nga lang ngayon hahaha."
biro niyang sabi, "Ikaw talaga nay palabiro ka pa rin hahaha."

"Di ako nagbibiro iha, oh siya sige bumaba ka na at naroon na ang mga magulang mo at sila gino sa kusina." sabi niya. Sinasabay talaga naming sa pagkain ang mga katulong namin dito, hindi na kasi sila naiiba samin.

"Kayo po ba nay, hindi ba kayo kakain?"

"Nako iha tapos na 'ko kaya kumain ka na rin dun, may gagawin lang ako."
nakangiting sabi niya. "Sige po nay." sabi ko tsaka siya tinalikuran at pumunta sa kusina.

Nakita ko naman silang kumakain kasabay pa ang iba naming katulong.

"Good morning po sa inyong lahat," bati ko sa kanila

"Good morning princess." dad.

"Good morning iha / yuki." sabay na bati rin ng mga katulong namin. Yuki rin ang tawag nila sakin, ayaw ko kasing tinatawag nila akong ma'am. Mas matanda kasi sila sakin eh.

"Good morning sweety, maupo ka na rito at kumain para masundo niyo na ang mga kaklase mo." sabi ni mom, sumunod naman ako at nagsimula na rin'g kumain.


*FAST FORWARD*

Kasalukuyan naming tinatahak ang daan papuntang paaralan, van yong gimamit namin na sasakyan para kasya kaming lahat.

Ilang minuto lang natanaw ko na sila na naghihintay sa labas ng gate ng school. Inilabas ko ang ulo at kanan kong kamay tsaka kumaway sa kanila, nakita naman ako ni bryan kaya tumayo siya mula sa pagkakaupo sa malaking bato tsaka masayang kumaway pabalik.

"Hello, Yuki!" sigaw niya kaya naagaw niya ang atensyon ng iba na may sari-sariling mundo. Sabay silang napatingin sa direksyon ko.

Inihinto na ni kuya gino ang sasakyan kaya lumabas na 'ko, nilapitan ko sila.

"Hello, good morning!"
masigla kong bati sa kanila pero walang nagsalita at titig na titig sila sakin, may iba pang nakanganga. "May dumi ba sa mukha ko?" nakakunot noo tanong ko, natauhan naman sila.

"G-good *ahem* morning yuki," Ivan greet and he even cleared his throat. okay, weird. Isinawalang bahala ko nalang iyon at ngumiti.

"Good morning yuki!" sabay nilang bati maliban pa rin sa tatlo, "Ang ganda mo ngayon yuki ah." puri ni tyler kaya nginitian ko siya.

"Thank you!"

"So ano, tara na? Van yong dinala namin ni kuya gino para kasya tayo."

"Ohh sige, halina kayo mga bro."

Nauna na silang naglakad papuntang kotse, binuksan naman sila ni kuya gino ng pinto. Nag-agawan pa nga sila ng upuan eh hahaha.

Tumatawa lang ako habang nakatingin sa kanila ng may naramdaman akong nakatingin sakin mula sa likuran kaya napahinto ako sa pagtawa at nilingon kong sino 'yon.

And I saw brylle intently looking at me. Biglang nagtama ang paningin namin at may kong ano akong naramdaman sa t'yan ko... kumain naman ako kanina ah.

Ilang segundo kaming nagkatitigan at dahil hindi ko kayang tingnan ng deriyso ang malamig niya mga mata ay ako na mismo ang unang nag-iwas ng tingin.

Iniyuko ko ng bahagya ang aking ulo tsaka rin bahagyang hinawakan ang dibdib ko. Bakit ang lakas ng tibok ng puso ko, hindi naman ako tumakbo.

Ano bang nangyayari sakin... wahh 'di kaya may sakit ako?! Hala hindi pwede 'yon huhuhu.

"Hoy yuki, brylle... Halina kayo!" tawag ni tyler, nilingon ko ulit si brylle pero hindi na siya nakatingin sakin. Kaya naman ay nauna na akong naglakad at sumakay ulit sa passenger seat, pumasok na rin si brylle sa likod katabi ni peyton.

Kaya naman pinaandar na ni kuya gino ang sasakyan, paminsan-minsan ay sinusulyapan ko sila sa likod na nagkukwentuhan o 'di kaya ay nagkakatuwaan. Nakikisali din naman kami ni kuya gino sa katuwaan nila.

Hanggang sa makarating na kami sa bahay, 30 minutes lang kasi ang layo ng bahay namin sa school.

"Andito na tayo." sabi ko at nagsilabasan na kami, naiwan si kuya gino dahil ipaparada pa daw niya yong kotse.

"Halina kayo, sumunod kayo sakin." ani ko kaya sumunod sila sakin.

"Mom, dad. Nandito na po kami," tawag ko sa kanila ng makapasok na kami.

"Mom, dad!" na saan na sila, sure naman akong wala silang work ngayon eh dahil sabado ngayon.

"Umupo muna kayo diyan, tapos na ba kayong magbreakfast? Anong gusto niyo kainin or inumin? Juice?" sunod-sunod kong tanong, "Ahh tapos na kaming kumain yuki tsaka busog pa naman kami eh, pero cake nal-- Aray!" 'di natapos ni bryan yong sasabihin niya ng sikuhin siya ni kiyoshi.

"Bakit ba, ang sakit non hah!" reklamo nito, "Mahiya ka naman bro, hindi mo 'to bahay!" sumimangot naman si bryan.

"No, it's ok." pigil ko.

"See? She's the one who insisted." ngiting panalo niyang saad, "So si bryan lang ba ang kakain ng cake?" tanong ko.

"Ako din!" taas kamay na ani ni zero, "Sure, sila lang ba?" tanong ko ulit, pero wala ng sumagot. "Oh sige, bibigyan ko nalang kayo ng juice ta's silang dalawa juice with cake." nakangiti kong sabi.

"Ayos na yun samin," sabi ni ivan. "Sige, yaya can you please get some cake and juice for them?" magalang kong utos sa katulong namin. "Sige yuki." nakangiting sabi nito.

"Ahh wait po, nakita niyo po ba kong nasa'n sila mommy at daddy?" tanong ko, "Andun yong mommy mo sa kusina at yong daddy mo naman nasa kwarto nila may inaasikaso lang."

"Pwede po ba pakitawag kay mommy?"

"Sige iha tatawagin ko lang mommy mo ta's ihahanda ko na yong cake at juice."

"Thank you yaya!"

"Walang ano man."
nakangiti nitong turan tsaka umalis at pumuntang kusina.

"Lahat ba talaga ng mga katulong niyo dito ka-close mo?" biglang tanong ni chris kaya napatingin ako sa kanya. "Oo, di naman kasi sila naiiba samin. Itinuturi pa rin namin sila bilang parte ng pamilya namin." nakangiti ko sagot.

"Ang bait naman ng pamilya mo." ani ni owen, "Mabait talaga sila tita." sabi naman ni ivan.

"Sweety!"

"Oh sila na ba yan?"
tanong niya.

"Yes mommy, I would like you to meet my classmates slash friends." sabay naman silang tumayo.

"It's nice to meet you, boys."

"It's nice to meet you too ma'am."
sabay din nilang sabi, nagpractice ba sila.

"Hahaha just call me tita oliv, masyado na kasing pormal ang ma'am." natutuwang ani ni mom, tumango naman sila.

"Ang g-gwapo niyo naman."

"It's run to our bloods tita hahhaha."
sabi ni ivan, "Oh ikaw na ba yan ivan iho?"

"The one and only tita." pilyong sabi ni ivan, "Ang langkad mo na, kamusta naman ang mommy mo? It's been a years since we saw each other." sabi ni mom tsaka niyakap si ivan, niyahap naman siya pabalik ni ivan.

"Nako ayos naman siya tita, sabi niya nga rin ay bibisitahin ka niya eh."

"Sure every time pwede siyang pumunta dito."
sabi ni mom tsaka binaling sila brylle, "So can you introduce yourselves?" nakangiting turan niya.

"I'm Bryan."

"I'm Owen."

"I'm Tyler."

"Christopher po, chris for short."
ngumiti si mom sa kanya.

"I'm Peyton."

"My name is Ashton and ash for short."

"I'm Cloud."

"Kyle here."

"Zack po at your service."

"Ako po si James

"Handsome Zero here."

"Brylle."

"Charles po."

"I'm Kisyoshi and this is my twin Steve."
biglang nangunot ang noo ni mom ng pagpakilala sila steven. "Is there a problem mom?" tanong ko.

"Your faces are familiar to me, would you mind telling me who's your parents?" sabi ni mom na hindi pinansin ang tanong ko.

"Kenneth and Summer Nakahara po tita." hindi ko maintindihan kong bakit bigla nalang nanigas si mom sa isinagot nila.

"N-na-k-kahara?" nauutal nitong tanong nakina-kunot ng noo nila yoshi at para naman matutumba si mom sa kinatatayuan niya kaya agad ko siyang nilapit. "Mommy!"

"Nakahara?!" bigla akong natigilan sa baritunong boses na 'yon, it's from my dad and that sounds creep me out.

Ano bang nagyayari sa kanila?!


~~~~~~~~~

Ano kaya ang meron sa nakahara at bakit nagkaganon ang parents ni yuki? Hmmm malalaman natin yan sa susunod, alam kong excited kayo ganon rin ako hahaha



So ito muna sa ngayon mga mahal kong readers. ENJOY READING!!

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 15, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Only Girl in Section Yakuza (ONGOING)Where stories live. Discover now