TAOZ:32

82 3 0
                                    

Shelly Pov.

Umupo ako sa sahig at tumingin kay Adriana. Niyaya ko siya na Makipag usap saakin. Lumabas ako at sinarhan ang pinto. Wala namang zombies sa paligid at may tiwala naman ako kay Adriana. May space sa pagitan namin.

"Siguro alam mo naman kung bakit kitang gustong maka usap diba?" Ani ko. Tumango siya at inosenteng nakatingin saakin. "... Hindi namin ginagawa to dahil ayaw namin sayo ha. Pinipigilan lang namin na may mapahamak pa."

"Alam ko po iyon, Ate" Tiningnan ko siya nang maiigi lalo na ang mga mata niya.

"Wala kabang nararamdaman na iba ngayon? Pwede mong sabihin sakin" Ramdam ko na hindi siya Komportable saakin. Saaming lahat na andito ay kay Olivia talaga siya komportable.

Tumayo ako at umupo na medjo malapit sa kanya. Tiningnan ko siya sa mata at ngumiti.

"A-Ano po ang ginagawa mo?" Ani niya.

"It's okay.. Don't worry Adriana. Tell me if komportable kanang makipag usap sakin ha. Maghihintay ako" Tumingin siya saakin at ngumiti.

"Okay na Ate, Pwede na tayong mag usap.."

"Good" i smiled. "... Ano ang nararamdaman mo o kakaibang nangyayari sayo nang naging infected ka?" Kinuha ko ang maliit ma notebook sa bulsa ko at ballpen.

"Naaalala mo pa ba noong nakita mo ako noong madaling araw?"

"Oo, Doon ako nagsimula na maghinala na may kakaiba sayo."

"That time, pakiramdam ko gutom na gutom ako. Pero ayaw ko kayong saktan kaya lumabas ako. Inisip ko na mas mabuti na ang mga patay nalang sa Hallway ang kainin ko pero hindi ko talaga kaya. Parang nasusuka ako sa tuwing sinusubukan ko na kainin ang isang infected."

"So, Hindi kayo kumakain nang kapwa niyong infected." Sinulat ko iyon sa Notebook ko.

"Tsaka, nawalan ako nang panlasa Ate...

"Talaga?"

"Yung mga biscuit na kinakain natin ay parang walang lasa saakin. Uhmm tsaka... siguro napapansin niyo rin na malakas ako. Malakas rin ang pandinig ko kaya ako pumasok sa loob kasi narinig ko ang zombie na nasa loob."

Sinara ko ang Notebook at tumingin sa kanya.

"Adriana, gusto mo bang pumasok sa loob?" Napatingin siya saakin na parang nagulat.

"Po?"

"Hindi lang ako lumabas dito para tanungin ang tungkol sa pagiging infected mo. Napag usapan rin kasi namin sa loob na papasukin ka kasi kaya mo rin namang pigilan ang sarili mo. Nakasama ka nga namin sa School nang ilang araw hindi mo naman kami sinaktan. Tsaka, Kahit papaano Tao ka parin kagaya namin."

"Pumayag po ba sila?"

"Yes, Tinanong rin namin sina Ate Mari at Kuya Carl at pumayag naman sila."

Tumayo ako at Inilahad ang kamay ko. Ngumiti siya at tinanggap iyon. Magkahawak kamay kaming pumasok sa Loob at sinalubong kami nina Olivia.

.

.

.

Olivia Pov.

Ngumiti ako at Niyakap si Adriana. Nagulat ako nang kinausap kami kanina ni Shelly na papasukin si Adriana. Noon kasi ramdam ko na parang ayaw niya kay adriana, Tapos ngayon nagmamalasakit pala siya sa kaniya. 

Sabay sabay kaming kumain ngayon. Kaya narin naman daw ni Kuya Carl maglakad kaya sumama na siyang kumain samin. Sinabi saamin ni Shelly ang tungkol sa pagkawala nang panlasa niya. Sabi niya ay susubukan niya paring kumain.

Pagkatapos naming kumain ay niligpit ko na ang pinagkainan namin at naghanda para maghugas nang pinggan. Nag presenta si Adriana na tumulong at pumayag naman ako. Magkatabi kami ngayon na nakatayo sa harap nang lababo. Ako ang magsasabon at siya naman ang magbabanlaw at maglalagay para patuyuin.

"Ate, pwede ba akong magtanong?" Ani niya.

"Sure, Ano ba iyon?"

"Bakit ka po mabait sakin? Simula noong nagkasama tayo palaging maganda ang trato mo sakin" ani niya. Napangiti naman ako sa tanong niya.

"Dalawa lang kami ni kuya na magkapatid. Lagi ko talaga sinasabi kay Mama noon na gusto ko nang kapatid na Babae. Kaya lang mahihirapan na si Mama sa Panganganak dahil nagkaproblema nang ipinanganak ako. Naramdaman ko sayo na magkaroon ng kapatid na Babae." Nilingon ko siya at ngumiti.

Hindi narin naman siya nagsalita kaya tinapos nalang namin ang ginagawa namin. Pagkatapos naming maghugas ng pinagkainan ay Bumalik na kami kina Shelly. Umupo kami sa bakanteng upuan. Kinwento samin ni Adriana ang lahat nang nangyari sa kanya.

"Nasa Classroom po ako nang nagsimula ang outbreak. May nakapasok na infected sa Classroom namin at unang kinagat ang Teacher na nagtuturo sa amin sa oras na iyon. Dahil sa Gulat at Takot ay Lumabas kami ng Room. May nakasalubong ako na Infected at kinagat ako sa Braso. Hindi ko pa alam noon na through Bite makukuha ang Virus. Tumakbo ako at nagtago sa isang room at doon niyo ako nakita. Natatakot ako na sabihin sa inyo baka kasi paalisin niyo ako kaya tinago ko nalang."

"Sa totoo lang, kung sinabi mo nga saamin noon na infected kana ay palalabasin ka talaga namin. Lalo na at hindi pa kami gaano ka familiar sa nangyayari." Ani naman ni Mike. Siniko siya Shelly kaya napahawak siya sa tiyan niya.

"Pero, mabuti narin na okay ka ngayon. I really hope na mawala na ang virus sa katawan mo." Ani naman ni Nika.

Nawala narin ang ilang saamin ni Adriana at nakakasabay na sa tawanan namin. Medyo nag aalala lang ako kasi hindi parin bumabalik sina Kuya. Asan na kaya sila ngayon? Nakita naba nila ang Laboratory?

The Attack of Z (Completed✔)Where stories live. Discover now