Chapter 3

14 0 0
                                    

"Ano na?"

"Ayoko, ikaw na lang."

"Lalaki nga ang kailangan!"

"Edi si Jonas ang kunin n'yo! 'Yon naman ang magaling. Kung nabola n'ya nga si Hera-" naitikom ko ang aking bibig nang hampasin n'ya ako sa hita. Ayo'kong sumigaw dahil may teacher sa harapan. Bumangon na lamang ako sa pagkakahiga ko sa sahig at tiningnan s'ya ng diretso sa mata.

Hindi ko naman naiwasang mapangisi ng kaunti, magkasing tangkad na kami. Ilang buwan na lang mas matangkad na ako sa kan'ya.

Bunalik na s'ya sa pagdodoodle sa notebook n'ya, "Ikaw ang favorite ng mga teacher natin. So obviously, may extra points."

"Hindi ako magaling magmemorize."

"May point. Pero magaling kang umarte at mag improv."

"Mas malakas ang hatak ng escort ng Fortitude."

Naalala ko pa, pinopormahan no'ng lalaking 'yon si Hera no'ng grade 7 kami. Ito namang pinsan ko, crush s'ya, kaya kilig na kilig, ginawa pa ng assignment.

Doon ko napagtanto na hindi mo laging mamahalin ang itinuturing mong kapatid. Minsan, masarap silang alugin sa leeg.

Mabalik tayo sa kay Donya Victorina.

"Si-"

May kumalampag sa pisara "Manahimik muna kayo, may magsasalita!" saglit na nag-usap ang "messenger" at si Ma'am Magmanlac, "Volleyball players! Practice daw!"

"Pakiupdate na lang ako mamayang uwian kung may pinagawa o may early notice para sa ipapagawa." wika n'ya habang tinatali n'ya ng mahigpit angkulot n'yang buhok.

"Geh." inilaygay ko ang itim na towel sa mukha ko para umidlip sandali.

Free time naman ngayon at walang paki si ma'am kung nong gawin namin basta wag kaming mag-ingay ng sobra. Pwede pa ngang pumunta sa canteen.

Pwedeng matulog sa reading corner dahil may sapin na abc ng baby, mga throw pillow at pati kumot.

"Mata ne."

"Sayonara." sagot ko.

"Sama ng ugali nito," kasabay ng mga salitang 'yon ang mahina nyang pagsipa sa tuhod ko.

Napangiti naman ako dahil sa reaksyon n'ya.

"Ayokong maglagay ng kolorete at magpiluka..."

"Para sa grades, Aaron."

Bakit ba kasi ang competitive mas'yado ng mga adviser? Ilang beses ba pwedeng itapon ang kahihiyan, parang nalampasan ko na ang limit.

Tinalasan ko ang pandinig ko nang marinig ko ang pagaayos ni ma'am sa pagkakapantay-panty ng mga dadalhin n'ya, "Class, aalis na ako. Maglinis kayo bago dumating si Ma'am Rosario."

"Opo," sagot ng klase.

Hindi naman ako cleaner ngayon kaya hindi ako gagalaw.

"Good afternoon, ma'am Rory!"

"Prudence, wala tayong klase ngayon dahil nangunguna kayo sa discussion. Unfair naman sa ibang section kung advance kayo. Mag-aral na lang kayo sa subject na may quiz kayo o kaya pumunta sa open field tutal P. E. Class naman ngayon. Ibalik n'yo lang sa lugar ang mga equipment."

"Ma'am!"

"Bakit?"

"May gagawin po ba kayo?"

"Wala na."

"Sali kayo sa'min, mag-uuno kami."

"Sige ba!"

Si ma'am Rory ang pinakachill na teacher namin. Hindi naman kami nahirapang sakyan ang trip n'ya dahil 21 years old lang s'ya. Di inabutan ng k-12.

A Few Steps CloserWhere stories live. Discover now