"Tch, nasasaktan nga siya pero nakapanakit din siya. Masakit 'yung ginawa niya sa kaniya," turo ko kay Taguro. Ngunit natigilan ako nang sandaling magtama ang paningin namin bago niya muling ituon ang paningin sa hawak niyang baso.

"Wow, concerned?" sarkastikong anas na naman ni Parrot kaya ibinalik ko sa kaniya ang inis na tingin ko. "Iba na 'yan, ah? Hahaha!"

"Anong concerned? Hindi ako concerned! Honest lang ako! Tch!"

"Oo nga, kaya nga pati feelings mo ay masiyado ng honest. Hehehe!"

"What?"

"Wala!"

"H-Hoy, Parrot! 'Wag kang mag-imagine, ah?" protesta ko. "Magkaibigan nga kayo! Pareho kayong assuming!"

"Ikaw naman ay defensive. Hehehe!" pang-aalaska niya at hindi na ako tumugon pa.

'Nakakainis! Wala akong laban sa kaniya kahit kailan! Napakalakas niyang sumigaw!'

Halos ang lahat ay napapalingon sa'min sa t'wing magsasalita si Parrot. Hindi pa man siya sumisigaw ay napakalakas na ng boses niya, para siyang may mikropo sa lalamunan. Si Taguro naman ay napakawalang-kuwenta, bagay na hindi ko alam kung kailan ko makakasanayan. Hindi man lang nagbabago ang ekspresyon ng mukha niya at talagang akala mo ay nag-iisa kung umasta.

"Kaya nga natutuwa ako at ganiyan kalakas si Max, eh," anas na naman ni Parrot maya maya. "Astig ang personality niya. Psh! Ikaw nga, eh, hindi umubra," nakangising duro niya pa sa'kin tsaka nilingon si Taguro. "Nakakahinayang nga lang na sa sobrang lakas niya, nagbago siya."

"Anong nagbago?"

"Sa sobrang sakit kasi nung pinagdaanan niya, namanhid na pati ang puso niya! Hahaha! Kaso, namanhid din yata pati buong pagkatao niya. Naging tahimik--sobrang tahimik! Naging seryoso--sobrang seryoso! Tsk tsk. Haaay. Sa tingin ko ay hindi dapat ako ang nagsasabi sa'yo nito, mas maganda kung siya ang magkukwento, hehehe! Pero don't worry, okay lang 'yan sigurado ako. Kaya ikaw, imbes na magdrama ka riyan, gumawa ka ng paraan para maging ayos ka. Hindi magtatagal at mawawala rin 'yang sakit na nararamdaman mo," seryoso namang dagdag niya.

"Tch! Kung siya nga, pati personality niya ay nagbago dahil sa sakit na pinagdaan niya--hindi ganon kadali 'yon, okay?"

"Wala namang nagsabing magiging madali. Bakit mo pa pahihirapan ang sarili mo kung alam mo nang mahirap? Hindi ko sinabing magiging madali pero tulungan mo ang sarili mong mapadali ang bagay na nagpapahirap sa'yo, okay?" paliwanag niya pero hindi ko talaga nakuha.

"Paano?" interesadong tanong ko.

"Itanong mo sa kaniya," turo niya kay Taguro. "Siya ang nagsabi sa'kin niyan, eh. Hahaha!"

'Si Taguro ang nagsabi sa kaniya?'

"Anong siya ang nagsabi? Nang alin?" tanong ko.

"Na kapag may mga bagay na alam mong magiging mahirap para sa'yo, 'wag mo ng pahirapan pa ang sarili mo. Kahit na alam mong mahirap para sa'yo ang pinagdadaanan mo, tulungan mo ang sarili mong mapadali iyon. Sa ganoong paraan mo lang daw kasi mababawasan 'yung sakit na nararamdaman mo," nakangiti ngunit seryosong anas ni Parrot.

'Napakababaw ng mga salita ngunit napakalalim ng ibig sabihin para sa'kin. Tsk.'

"A-Ah," naisagot ko na lang.

"Hahaha! Ang lalim, 'di ba? Ganon siya kayabang!" biro na naman ni Parrot. "Pero maganda talaga ang meaning. Psh. Masiyadong masakit 'yang pinagdaraanan niyo at hindi ako makarelate, hehehe! Pero 'wag mong alalahanin si Taguro dahil kaya niya ang sarili niya, mas intindihin mo ang sarili mo dahil baka mabaliw ka. Hahaha!"

HE'S INTO HER Season 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon