2

8 0 0
                                    

Arj's POV

Kagat kagat ko ang labi ko habang sinasabayan si Khai na mag lakad, "Akalain mo 'yun, Wala ka ding dalang book. Baka destiny talaga tayo?" Pinagtaas baba-an ko siya ng kilay, sandali siyang tumingin saakin at ngumiwi. Kinilig lang 'yan Arj!

Tumawa lang ako ng hindi siya mag salita. "Saan tayo tatambay niyan?"

"Uuwi na ako," pagkasabi niya no'n ay lumiko siya papunta sa may gate, seryoso ba siya? Uuwi na talaga? Papalabasin naman kaya kami ng may ari ng school na ito? Sa guard, haha!


Sinundan ko lang siya sa paglalakad ng kausapin niya ang guard, lumingon sila pareho saakin, "Tara na, akala ko ba nag lbm ka?"


Pinanlakihan ko siya ng mga mata, ano daw? Nag lbm? Ginawa pa akong dahilan para makalabas putek! Pilit akong ngumiti sa guard at hinimas ang tiyan ko.

"Ah, oo bilisan natin, parang kumukulo na naman." Jusko po! Ano ba 'to nakakahiya, bakit naman kasi ako Ang dinahilan niya at lbm pa talaga ha?!

Nang makaharap ko si Khai ay tinakpan niya ng kamay Ang bibig niya para itago ang pag ngisi niya dahil sa pagpipigil ng tawa. Lumabas na kami at naglakad, kinawayan pa nga kami ng guard.

"Siraulo ka!" Mahina kong kinurot ang tagiliran niya kaya humalakhak siya, tuwang tuwa. Nakakainis! Nakakhiya kaya 'yung sinabi niya! Huhu!

"Bakit naman dinamay mo pa ako! Tsaka lbm? Seryoso ka ba! Putek! Huhu! Nakakahiya!"

"Wag ka na mag reklamo, nakalabas ka na nga." Nakangisi parin siya saakin. Pumunta ako sa harapan niya at saka nag crossarms tsaka siya sinamaan ng tingin, napahinto siya dahil doon at nagtatakang tumingin saakin.

"I hate you Lian Khaiden!" Tinalikuran ko siya at nagmartsa. Narinig ko pang tumatawa siyang tinatawag ako pero hindi ko siya pinansin, bahala ka diyan sa buhay mo! Hmp!

.

Nagulat ako ng hatakin niya ako sa braso at iharap sa kanya, "Paano tayo magkakasundo niyan e sa konting bagay napipikon ka na?"

"Edi wag magkasundo!" Inirapan ko siya.

Nag chuckle naman siya at tinaasan ako ng kilay, "Okay, sayang ililibre pa naman sana kita ng ice cramble sa may central." Bulong niya pero halatang pinaparinig saakin.

Huminto ako at hinarap siya, "Weh? Ililibre mo ko?" Nginitian ko siya ng malaki at kumapit sa braso niya, "Tara na, ano pang hinihintay mo diyan! Hindi ka naman nagsasabi na manlilibre ka pala!" Hinatak ko siya.

Narinig ko ang mahina niyang pagtawa pero nagpahatak naman siya saakin. "Kakasabi mo lang na hate mo 'ko diba? Bakit ko naman ililibre ang taong ayaw saakin?"

Binitawan ko siya at nginitian ng matamis na matamis, "May sinabi ba akong ganon? Wala akong matandaan, I like you kaya!"

Bigla akong natulala ng makitang ngumiti siya saakin habang nakatingin ng diretso sa mga mata ko, ang gwapo naman! Dagdag pogi points pa 'yung dalawa niyang dimples na lumabas.

Bigla niyang kinurot ang ilong ko tapos ay hinila na ako doon kay manong na nag bebenta ng ice cramble.

"Dalawa pong 20 pesos," inabot ni Khai ang bayad.  "Kuya pwede pong padagdagan po 'yung gatas?" Tumango naman si Kuyang tindero at dinamihan nga ang powdered milk.


Naglakad lakad lang kami ni Khai hanggang sa may sakayan ng jeep, "Akala ko hindi ka kumakain nito," sumubo ako at kumagat sa stick-o dinalawa na kasi ni kuya ang stick-o namin dahil paubos naman na daw ang benta niya, sabagay kanina pa kasi nag uwian ang mga elementary students.

Solitude Whilst With YouWhere stories live. Discover now