1

11 0 0
                                    

Arj's POV [Avery Jae Chan]






Wow ang bango naman ng dumaan na iyon! Hinanap ko ang dumaan sa gilid ko at nakitang si Khaiden, 'yung crush ko pala ang dumaan. Ang bango bango talaga niya kahit kailan.









Sinundan ko siya sa upuan niya na katabi ko din naman siya. "Good morning Khai!" Nag palumbaba ako at nginitian siya ng matamis.












Tumango lang siya tsaka nag kalikot sa cellphone niya, snobber talaga pero ayos lang mas gusto ko 'yun hindi easy to get. Hehe!









"Alam mo ba Khai, akala ko sa ihi lang ako kinikilig." Kinagat ko ang labi ko para pigilan ang paglabas ng tawa ko.








Nangunot ang noo niya tsaka ako takang tinignan, hinihintay ang susunod na sasabihin ko. "Sa urine pala.." oo alam ko korni pero ang cute cute niya e.








"Tss.." sagot lang niya, hindi ata na gets. Minsan talaga naiisip ko gayumahin ko nalang kaya ito? One year  na akong papansin dito pero hindi parin niya ako pinapansin, ewan ko ba kung manhid siya o malabo lang ang mata.









"Alam mo kasi, crush nga kita kaya dapat ligawan mo ko!" Nag crossarms ako, para naman siyang nasamid sa narinig.









"Why would I do that? You're not my type." Ouch! Aray! Nag jojoke lang ih! Oo na hindi mo na ako type, pero syempre dahil ikaw si Khai kahit na saktan mo ako, ikaw parin ang gusto ko. Masokista kasi ako, charot!









Ngumuso nalang ako at hindi na siya sinagot, pinagmasdan ko nalang siya. Ang gwapo niya kasi tapos matalino pa tsaka paramg model, kaya nga ang daming nag ka-crush sa kanya dito sa school. Pero ang alam ko wala pa siyang girlfriend may naging ex siya pero matagal na 'yun.










Napatingin ako sa relos ko, malapit na magstart ang class namin pero wala parin si Amethyst tsaka si Cybrix. Nasaan na kaya ang babae na iyon? Second grading palang tinatamad na agad mag aral, sabagay wala kasi siyang inspiration unlike me, katabi ko lang naman ngayon, Hehe!










"Stop drooling already, Arj." Nakasimangot siya na humarap saakin, pinagtaasan ko lang siya ng kilay at nginitian. "Bakit naiilang ka?"









Nagsalubong ang mga kilay niyang humarap nalang sa blackboard, hindi pa din kasi dumadating mga mga tropa niya. "Joke lang, naboboring kasi ako ang tagal dumating ni Amethyst tsaka ni Cybrix."











Tumango siya at nag phone na naman, ano ba naman 'to ang Killjoy! Hindi ko man lang makausap ng maayos laging naiirita, nagtataka naman ako kasi maganda naman ako pero bakit parang lagi siya saaking iwas, hindi kaya insecure siya sa ganda ko? Sabagay sino ba naman hindi? Chos!










"Arj!" May nagtakip ng mata ko, "Cy, ang higpit naman!" Hinampas ko ang kamay niya.








Puro tawa lang ni Amethyst ang narinig ko, tinanggal naman ang kamay sa mata ko. "Cy ka diyan!" Masungit na sabi ni Cybrix. Si Amethyst pala ang nagtakip ng mata ko, grabe ang higpit pa naman no'n.











"Ang tagal niyo dumating, nag date ba kayo?" Pinagtaasan ko sila ng kilay. Natawa ako ng maglayo silang dalawa at umaktong diring diri pa. Ang arte ha?







"Eww naman, so gross!" Kumuha pa si Amethyst ng alcohol at inisprayan si Cybrix. "Wow, mas kadiri ka! Wag mo nga ko sprayan!"











Solitude Whilst With YouWhere stories live. Discover now