Nagulat ako ng hatakin ako ni Cybrix para ipangharang kay Amethyst kaso ay nalagyan ng alcohol ang mata ko!






"Aray naman myst! 'yung mata ko nalagyan!" Nataranta silang lamapit saakin. Ipinaharap ako ni Cybrix sa kanya. "Pakita nga, ikaw kasi Amy, ang kulit mo sabing wag!" Panenermon nito kay Amethyst.











"Hala sorry Arj, hindi ko sadya. Saan masakit?"









"Ang kulit niyo kasi e," ngumuso ako, hindi parin nadidilat ang mata. Ang hapdi naman. Inihipan ni Cybrix ang mata ko.











"Tss." Biglang may humila saakin pero hindi ko makita kung sino dahil naluluha ang mga mata ko. Siguro ay si Cybrix 'to.








"Teka naman Cy, wala akong makita saan ba punta natin?"










Hindi ito sumagot pero parang hindi si Cy ang humihila saakin, kaamoy kasi siya ni Khaiden. "Khai ikaw ba 'yan?" Medjo um-o-okay na naman ang mata ko kaso mahapdi parin, ang dami kasing napunta sa mata ko.










"Wag kang makulet." Hala si Khai nga, omai gash! Kinikilig ako! Bakit naman niya ako hinila? Nag aalala ba siya saakin kasi nasaktan ako? Sabi na e, may gusto din siya saakin, pabebe lang siya.










"Ikaw ha, pasimple ka ha! Gusto mo lang akong ma ka holding hands e," bigla niyang binitawan ang kamay ko. Ay ano ba 'yan pikon naman.








"Bahala ka nga diyan.." akma na sana siyang babalik pero hinila ko siya. "Joke lang, tara saan mo ba ako idedate?" Kumapit ako sa may braso niya.








"Asa." Weh?









"Ayos na ba 'yang mata mo?" Huminto siya at tinignan ang mga mata ko, ako naman ay kinikilig, paasa 'to. Sabi nila masama daw umasa kasi sa dulo daw masasaktan lang naman, pero okay lang sa dulo pa naman.











Linapit ko ang mukha ko sa kanya kaso kailangan kong tumingala dahil matangkad siya. "Check mo nga kung namumula pa,"











Pinagpantay niya ang tingin namin kaya nagkaroon ako ng chance na titigan siya, ang kinis ng mukha niya parang walang pores ano kaya skin care niya? Napatingin ako sa cheeks niya parang ang sarap pisilin, kaso baka magalit siya pag pinisil ko 'yun.









Hindi ko alam kung bakit nagkusang gumalaw ang katawan ko at kiniss ko bigla ang pisngi niya. Bigla siyang napadiretso ng tayo habang nanlalaki ang mata, nagulat ata dahil hinalikan ko siya sa pisngi.









Huhu! Wrong move, ang tangengot ko! Bakit ko ba iyon ginawa, wah! Na temp kasi ako sa cheeks niya mukhang ang lambot lambot.









Lumapit ako sa kanya, "Hala sorry Khai nagukat din ako! Sorry sorry!" Pumikit ako, kinakabahan talaga ako, bakit ko ba kasi 'yun ginawa. Baka mamaya nabastos ko siya, ay hindi nabastos ko pala talaga siya.











Sure ako galit na naman siya saakin, hindi ko talaga gets bakit ko ginawa iyon. Dumilat ako ng hindi siya mag salita, nakatingin lang siya saakin ng blangko ang mukha, galit ba siya? Bakit ganyan siya makatingin?









"You always surprise me," umiiling na sabi niya tapos ay hinila na naman ako papuntang comfort room ng girls.










Solitude Whilst With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon