Chapter 6

1.1K 20 3
                                    

Ni hao ^__^

Una sa lahat eh gusto ko pong pasalamatan ang mga taong (readers) na nag add nitong likha ko sa mga Reading Lists nila..

Next eh yung mga nag follow po sa akin. Since last update ko eh i've got new 5 followers (Wag na nating i mention kung sino)

At sa mga silent readers po dyan! Wag pong kalimutan na mag vote at mag comment pag katapos pong basahin ang bawat chapter ng akdang ito :))

Sana po eh lampasan pa po natin yung counts ng votes na chapter 5 :)

Wag ding kalimutang mag comment ha!

Mahal ko kau :-* mwahhh!

Sya eto na! Happy reading..

------------------------------------------------------------------------------------------->

Tama nga ba ang narinig ko? Si Kuya Kevin eh nagseselos kay Cleo. Tinignan ko ang maamo nyang mukha. Kita ko dito na nahihiya sya sa kanyang mga sinabi. Namumula pa ang kanyang pisngi at halata ito dahil sa puti ng kanyang balat.

Ang cute nyang tignan ng mga sandaling yon. Parang kinikiliti ang puso ko sa tinuran nya.

"ano kamo? Nagseselos ka?" paglilinaw ko sa sinabi nya.

"oo." ang matipid nitong sagot sabay tingin sa akin. Nag pang abot ang aming mga mata ang it feels... Very awkward..

agad kong inilihis ang aking tingin..

Katahimikan..

"bakit naman?" at sa wakas eh nakuha ko na ding magsalita.

"kasi.. di ako sanay... di ako sanay na makita kang masaya sa piling ng iba." sya.

Para naman akong nasamid sa sinabi nya.

"Ano?" paglilinaw ko dito

"i mean na naiinggit ako kasi may ibang tao na mas nag papasaya sayo kaysa sa akin tapos ayon, di mo na ako napansin kaya medyo nagtatampo ako." pagpapaliwanag nya.

Akala ko naman kung ano na. Hmmfpp!

"naku kuya! para kang bata! isip bata!" ako.

"Di ka lang napansin saglit eh nagtatampo kana agad!"  dagdag ko pa dito.

"kaya nga sorry na eh" maamong pagsabi nito sa akin.

""Hmmfp! Eh paano na yan pag may boyfriend na ako, Ano ng mangyayari nyan. Eh di lagi ka na lang magtatampo at magseselos tapos lage tayong mag aaway" pag eeksplika ko sa kanya.

"eh ibang usapang naman na pag ganun. Kaya sorry na po.. pati dun sa huli kong sinabi. Nadala lang ako ng aking emosyon.  Bati na tayo :) " sinserong sabi nya.

Nainlove kay textmateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon