Chapter 2 - Kapatawaran

1.3K 22 4
                                    

Hello po! Ang sarap po pala sa pakiramdam pag may tumatangkilik pala sa ginawa mo :)

i promise po na gagalingan ko pa ang pag sususlat. Nalilito nga po ako kung ano na ang magandang sususnod.. Kasi kung ano lang ang pumasok sa isip ko eh sulat agad.. haha wala ng review review kaya po minsan eh may mga typo error.. Sensya na po :)

Mga ilang reads na rin pala.. hehehe.. thanks much sa mga nag babasa.. Sya eto na po.. hindi ko na patatagalin.. ^_^

----------------------------------------------------------------------------------

Hindi ko alam kung saan ako patungo. Gulong gulo ang isipan ko. Mga diskusyunang ako rin mismo ang gumagawa. Patuloy lang ako sa paglalakad. Di ko namalayan na dinala na pala ako ng maga sarili kong mga paa sa gitna ng kalsada.

"Beeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeppppppppp!!!!!!!!" isang malakas na busina ng sasakyan ang aking narinig bago nagdilim ang aking pananaw.

------------------------->

Dahan dahan kong iminulat ang aking mga mata. Puti, ang unang kulay kong napagmasdan. Bigla kong naalaa ang nangyari kanina. Ang pagtataksil sa akin ni Fred, ang paglalakad ng mabilis na walang kasiguraduhan kung saan patungo at ang malaks na busina ng isang sasakyan na BUMANGGA SA AKIN.

Naramdaman ko na lang na may kung anong tumulo galing sa aking mga mata, luha. Hindi ko na nakayanan at ako'y nagsimula ng mag iiyak.

Pinunasan ko ang aking mga luha gamit ang aking kanang kamay. Ako'y natigilan sa ginagawa. Nakita kong may nakakabit na dextrose sa aking kamay. Nasa hospital pala ako. Kaya pala parang ang bigat ng aking pakiramdam. Pinilit kong tumayo ngunit ako'y bigo. Ang sakit ng mga paa ko, hindi ko ito masyadong maigalaw. Tinignan ko ito at laking gulat ko na nakbenda pala ito. Ako'y napaluha sa nakita. Biglang kumirot ang ulo ko at nakaramdam ng konting hilo may sugat din pala ako dito maging ang aking siko at braso ay nagtamo din.

Awang awa ako sa aking nakita. Sinisisi ko si Fred sa nangyari. Kung hindi dahil sa kataksilan nya ay hindi sana manyayari sa akin to. Galit na galit ako sa kanya. Isinusumpa ko sya. Gusto ko syang balatan ng buhay at pagulungin sa asin. gusto ko syang patayin..

"Freeeeeeeeedd!!! Bakiiiiiiiiittt??!!!!"

pagsisisgaw ko. Hindi ko na kayang pigilin ang sakit na nadarama. Mahal ko sya, minamahal ko sya, ngunit dahil sa nagawa nya ay hindi ko alam kung kaya ko pa rin syang mahalin.

Nakita kong bumukas ang pinto. May taong pumasok ngunit wala akong pakialam sa kanya. Gusto kong magwala. Ngunit akoy hilong hilo at nanghihina.

"Josh!! Josh!!" Sabi ng ginang na kaboses ng aking mama. Tinignan ko lang ito ng mabuti at tama nga, si mama.

Agad akong yumakap dito at sinuklian naman nya. Lalo lang akong napaiyak. Para akong batang inagawan ng lollipop at nagsusumbong sa kanyang mama. At yun na lang ang huli kong natandaan. Nakatulog pala ulit ako.

"mama.." sabi ko ng ako'y magising. Agad naman syang lumapit sa akin at hinalikan ako sa noo.

"Kamusta kana anak? May masakit ba sa iyo?" ang alala nyang tanong ngunit kitang kita mo sa kanyang mga mata ang galak at saya dahil siguro akoy may malay na.

Nainlove kay textmateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon