chapter 1- Ang Multo ng kahapon

2K 32 11
                                    

Pasensya n po kung masyadong maiksi ang unang bahagi.. hehe..

Eto po next eh chapter 1 na. Bali panimula pa lang po yung una..

---------------------------------------------

Nanigas ako na parang tuod sa aking kinatatayuan. Hindi ko sukat akalain na makikita ko  dito sa sarili kong pamamahay ang taong kinasusuklaman ko. Ang dahilan kung bakit muntik na akong mamatay.

Tinignan ko lang sya ng matulis para ipaalam sa kanya na galit parin ako sa kasalanan nyang nagawa. Mata sa mata.

Makikita mo sa kanyang mata ang pagmamakaawa na kausapin ko sya..

“Josh” ang panimula nya.

“gusto ko lang sa…” hindi ko na pinatapos ang sasabihin nya..

“get out” ang malamig kong sagot.

“pls. im begging you, just give me 5 minutes.”  Pagmamakaawa nya.

“Just leave Fred” tangi kong tugon.

Nagulat na lang ako sa sumunod na pangyayari. Lumuhod sya sa aking harapan at mahigpit na niyakap ang aking tuhod. Tumingin ako sa kanyang mga mata. Desperado na talaga sya. Sa loob ng Apat n Buwan na hindi ko sya kinausap, pinansin, iniiwasan, pinapatayan ng tawag at hindi nirereplayan ang kanyang mga text. Nag lakas loob na syang puntahan ako dito sa aming bahay, kahit alam nyang galit sa kanya ang aking mga magulang dahil sa kanyang nagawa. Nakakaawa sya, sadsad na sa lupa ang pride nya. Dahil dun ay lumambot ng konti ang aking puso at napag pasyahan ko na pagbigyan syang Limang minuto na kausapin ako.

“ok” at nagsimula na akong maglakad patungo sa aking silid at agaran naman syang sumunod sa akin. Mas mabuting dito na lang kami mag usap para hindi na rin sya makita ni mama. Asan nga ba si mama? Ahh. Siguro nasa kapitbahay na naman yun at nakalimutang isara ang pinto kaya nakapasok ang mokong na to.

“now talk.” Panimula ko at naramdaman ko ang pamumuo ng luha sa aking mga mata ngunit pinipigilan ko itong mahulog para ipakita sa kanya na matatag ako simula ng magtaksil sya sa akin.

Nanariwa ulit sa aking alaala ang lahat ng nangyari Apat na Buwan na ang nakakaraan.

Napagpasyahan ko na surpresahin si fred o si Alfredo Flores na aking nobyo/bf na puntahan ito sa kanyang boarding house at magkaroon ng konting salu-salo doon mismo. Yup, bakla po ako. Bata pa lang ako ay alam ko ng may kakaiba sa akin. Malamya, mahinhin at hindi ko hilig ang mga larong panlalake sa halip ay mas natutuwa pa akong maglaro ng mga panlarong babae. Aminado naman ako at laking pasasalamat ko na tanggap ako ng aking pamilya. Suportado nila ako sa bawat desisyon na aking pinipili sa kadahilanan na ring may tiwala sila sa akin.

Nagkakilala kami ni Fred sa text. Alam nyang gay ako. Ewan ko lang ung ano sya. Hindi naman sa pagbubuhat ng sarili kong bangko ay may ipagmamayabang naman ako. Maputi, may pagkasingkit ang aking mga mata, 5’6 ang height at katamtaman lang ang katawan. Hindi naman kasi ako nag gygym eh at never kong gagawin yun.

Napagdesisyonan naming dalawa na magkita.

Gwapo naman si Fred. May pag ka built in ang kanyang katawan at ang lakas ng kanyang sex appeal. Nakakatuwa nga at nung araw na din nay un ay naging kami na. Hindi na ako nagpakipot, para saan pa at dun din naman ang punta namin. Haha. Ako na malandi!

Nalaman kong parehas din pala kami ng school na pinapasukan kaya araw araw ay madalas kaming magkasama. Isinasama ko rin sya sa aming bahay kaya kilala at kasundo na rin sya nang aking mga magulang. Lumipas ang mga araw at napag pasyahan kong aminin na sa aking mga amgulang ang relasyon naming ni Fred. Ayaw ni Fred at gusto lamang manatili itong sikreto. Ngunit naging mapilit ako. At di kalaunan ay pumayag na rin sya sa aking gusto.

Gulat, yan ang  unang reaksyon ni papa ngunit kabaliktaran naman ang kay mama. Hindi naman sila tutol sa aming pag mamahalan subalit pinagsabihan din kami ni papa na makakabuti na kami lang muna ang makakaalam para na rin sa amin kapakanan.

Akala ko magiging masaya na sa amin ang lahat. Ika-6th monthsary na nanim ng araw nayun. At napag pasyahan kong surpresahin sya. Bumili ako ng softdrinks at hawak hawak sa aking dalawang kamay ang cake na aking pinag ipunan na may nakasulat na “Happy 6th Monthsary”.

Habang tinatahak ko ang daan patungo sa kanyang Bhaus ay samut saring mga katanungan ang naglalaro sa aking isipan. “Ano kaya ang magiging reaksyon nya? Magtatatalon kaya sya sa tuwa?”

Ang lakas kong maka Good Vibes ng araw na yun.

At last! Nasa tapat na din ako ng pinto ng kwarto nya. Sigurado ako na tulog pa sya ng mga oras na yun. May duplicate key ako ng kanyang kwarto dahil binigyan nya ako. Full of excitement ang aking nadarama habang dahan dahan kong pinipihit ang doorknob ng kanyang pintuan.

Binuksan ko ito ng kaunti at nagulat ako sa aking nakita. Parang gumuho ang mundo ko. Nakita ko si fred hubo’t hubad na nakahiga sa kanyang kama at may katabing babae na hindi ko kilala. Para akong pinagsakluban ng langit at lupa. Nabitawan ko ang cake na aking hawak hawak.  Dali dali akong tumalikod at sumandal sa pader. Dun ako humagulhol. Iyak ako ng iyak. Wla na akong naramdan kundi galit sa puso ko.

“hanggang kelan nya pa ako niloloko?” yan ang unang tanong sa isip ko. Halos bente minutos din akong umiiyak. Tumigil ako. Napag isipan kong hindi nya deserve ang mga luha ko. Tama na. Pilit kong tinatagan ang aking kalooban at napag desisyunan na pumasok sa kanyang silid at hintayin syang magising.

“bahala  na!” sabay bitiw ng isang malalim ng buntong hininga

Pinulot ko ang cake na nahulog sa sahig at dahang dahan pumasok sa kanyang silid. Inilapag ko ito sa maliit nyang lamesita.  Kumuha ako ng dalawang baso at binuksan ang softdrinks na aking dala. Ininum ko ito na parang walang bukas.

Para akong tanga habang nakatitig lang sa kanila at hinihintay silang magising.

Sa wakas nagising narin ang mga tampalasan.

Nanlaki ang mata ng dalawa ng makita akong nakaupo sa may tapat nila habang umiinom. Dali daling nagtakip ng kumot ang dalawa para takpan ang kanilang maseselang bahagi ng katawan.

Isang huwad na ngiti ang aking pinakita sa kanila.

“So, How’s ur sex? Was it great?” sarkastiko kong sabi.

“Josh let me explain!” sabi ni fred na halatang guilty sa tono ng kanyang pananalita. Ang babae naman ay hindi makatingin sa akin ng diretso, Siguro dahil na rin sa kahihiyan at lagay nya ngayon.

“sino ka?! Anung ginagawa mu ditto sa kwarto ng nobyo ko?! Sabi ng makating higad.

Sa halip na sagutin ko sya sa kanyang katanungan ay dinampot ko ang cake na aking dala dala at sinabing..

“happy 6th monthsary fred! What a nice surprise!” sabay bato ng cake sa dalawa.

“magsama kayong dalawa sa impyerno.” Akmang lalabas na ako sa kwarto ng may humablot sa aking mga kamay. Pag lingon ko si fred ito.

“josh! Pls. let me explain” sabi nya.

Isang malutong lang na sampal ang aking pinakawalan.

“ anung kasinungalingan na naman ang sasabihin mu! Kitang kita na ng dalawa kong mga mata ang ebidensya. Wala ka ng lusot Fred!  Bullshit! Magsama kayong dalawa!” galit kong sabi.

At dali dali akong nagtatakbo palabas ng kanyang silid ng hindi alam kung saan ako pupunta. Bahala na..

Hindi ko namalayan na nasa gitna na pala ako ng kalsada.

At isang malakas na busina ng sasakyan ang aking narinig bago nagdilim ang aking pananaw..

Itutuloy----

Nagustuhan nyo po ba?

O.A ba?

Hmmfp.. comment kung may hindi nagustuhan..

Pavote na din guys at pa fan 

I swear na gagandahan at pag iigihan ko pa ang susunod na chapter..

Happy reading.

Godbless J

Nainlove kay textmateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon