“Ehhhh?? Tara na! Para kahit papano ma-enjoy mo naman pagiging teenager mo!”

“Bess naman…”

 

“Tara na!! Walang mangyayaring masama. Sa amin ‘tong bar na ‘to at kilala tayo dito at may mga bouncer na nakakalat sa bar kaya safe tayo tska nandito naman kami ah!”

“Per---“

Bigla nya akong hinila papuntang dance floor, hindi na ako nag-papigil, wala namang sinabi sina Mommy na bawal sumayaw sa bar tska kasama ko naman sina Cielo kaya harmless ako  at safe na safe

“BESS!!!” sigaw nung tatlo pang mga loka na hawak hawak ang mga drinks nila.

“Ang w’wild nyo mga Bess!” sabi ko

“Hahaha! Ganyan talaga Bess! Time natin ‘to para magsaya kaya sulitin natin!!” Tracy

“Hahaha! Oo nga! Buti nga pati si Qim nakijoin” Sofie

Bigla nalang napahinto sa pagsasayaw si Qim.

“O Bess bakit?” tanong ko. Tumigil na rin ako sa pag-sasayaw pati na rin sina Tracy

“JHJKGZNMKJHNM…”

 

“Ano?! Masyadong maingay!!” Tracy

“AJYGNJYRSG FNGMHKR EYSGFBNGHTGS”

 

“ANO??!! LAKASAN MO BESS!” Sofie

“ANG SABI KO MAY SASABIHIN AKO SAINYO!!!” nagulat kaming tatlo except si Cielo. First time kasi namin syang sumigaw ng ganun.

“Sorry. I didn’t mean to shout.” Qim apologized

“It’s okay. Ano ba yung sikreto mo Bess?” tanong ko

Campus Nerd To Campus Princess (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon