Napabuga naman ako ng hangin saka napatingin kay Allen na ibinabalik ang ilang biscuit at malalambot na kakukuha lang namin. Gusto ko sana siyang pahintuin kaya lang wala naman akong choice dahil kakapusin din kami sa budget.

Nasa kalagitnaan siya ng pagbabalik nang magpaalam ako sa kaniya saglit para kumuha ng mga gulay gulay. Busy ako sa paghahanap ng kamatis nang may makabangga akong babae. Agad akong napa-diresto ng tayo saka bahagyang yumuko. "Pasesya na ho."

Hindi naman siya umimik kaya inangat ko ang ulo ko't baka nagagalit na pala siya. Kagaling kasi, Alliah eh. Naturingan na't may dalawang mata tapos hindi marunong tumingin sa dinaraanan.

Medyo nagtaka ako sa pamilyar na mukha ng medyo matandang babae. Para kasing ang pamilyar niya na hindi eh. Yumuko na lang ulit ako. "Sorry po ulit."

Akmang mauuna na akong maglakad dahil nagsisimula na akong mailang sa seryosong titig ng ginang nang umimik na ito. "W-Wait... Do you happen to be... Alliah Mae?" Kahit nagtataka ay tumango na lang ako. "Is... Is your mother... Deanne Acenas?"

Ilang beses akong napakurap saka muling tumango. "Sino po kayo?"

Para namang biglang lumiwanag ang mukha ng ginang saka ngumiti. "OMG. Where is she? Is she with you?" Palinga-linga pa ang ulo nito na para bang may hinahanap saka ibinalik ang tingin sa akin. "Oh, right. Silly me. I'm Evelyn Klein. I'm your mom's best friend since elementary." Iniabot niya pa ang kamay niya kaya naman bilang respeto ay tinanggap ko iyon saka nakipagkamay sa kaniya. "Anyways, where's your mom? Oh! And your younger brother, Dax Allen." Tila ba'y excited ang babae na hindi ko malaman kung paano ko ipapaliwanag sa kaniyang matagal nang wala sina Mama.

Huminga muna ako nang malalim. "Ahm... Kasi po—"

"Ate, napagkasya ko na," rinig kong sabi ni Allen na nasa likuran ko. Narinig ko rin ang paghinto ng cart na tulak-tulak nito bago siya muling nagsalita. "Ahm... Ate?"

Nilingon ko naman siya saka sinenyasang 'wag magsalita pa. Hindi ko pa rin kasi malaman kung paanong sasabihin iyon sa ginang eh mukha namang close talaga sila ni Mama.

"OMG!" I heard the woman squeal. "You are Dax Allen, right? Right?" Ang taas ng energy ng babae na akala mo ay magtatatalon na anytime. Mukha namang tumango si Allen kasi muling nagsalita si Miss Evelyn. "OMG! You're so handsome! You even got your mother's eyes. So adorable—Oh, wait, speaking of. Where's your mom and dad?"

Muli akong huminga nang malalim saka napabuga ng hangin at tiningnan siya diretso sa mga mata. "Ahm... W-Wala na po sila Mama at Papa."

Nakita ko namang bahagya siyang natigilan at dahan-dahang nawala ang ngiting nasa labi niya. "W-Wait, dear... What... What do you mean?"

Pilit kong inalis ang pakiramdam ng pagkabara sa lalamunan ko. "N-Namatay po sina Mama at Papa... N-Naaksidente po sila."

Parang nawalan ng buhay ang mukha ng ginang. Ibang-iba sa itsura niya kanina. "Since... when?"

Hindi ko napigilan ang pagbaba ng ulo ko. "Three months ago po." Pinilit kong patibayin ang sarili ko. Nasa likuran ko lang si Allen, hindi niya pwedeng makita na nanghihina ako.

~~~

"Does it mean that you've been living on your own these past three months?" tanong ng ginang. Kasalukuyan kaming nasa loob ng restaurant at niyaya niya kami ni Allen pagkatapos mag-grocery. At kahit ilang pagtanggi ang ginawa naming magkapatid ay binayaran niya rin ang groceries namin kanina.

Si Allen naman ang sumagot ngayon. "Opo. Sa bahay pa rin naman po namin kami nakatira tapos sa malapit na university naman po kami nag-aaral." Sabay subo ng kanin. Halatang gustong-gusto ang pagkain. Jusme.

"And your tuition fees?" Humarap naman sa akin si Tita Evelyn. Kanina pa niya rin kami sinasabihang tawagin siyang ganoon.

Nilunok ko muna ang pagkain sa bibig ko saka sumagot. "Bale pareho po kami ni Allen na may scholarship po. Pareho rin pong one hundred percent, kasama na po ang miscellanous fee po kaya sobrang laking bawas sa gastusin po."

Napatango naman siya at mukhang proud. "Ah... Both of you inherited your parents' smart minds." Uminom muna ito saka muling nagtanong. "How about your bills?"

Napakamot naman ako ng pisngi saka pasimpleng ngumiti. "Pareho po kami ni Allen na may part time na pinapasukan. Hindi rin naman po kami ganoon kagastos na magkapatid kaya lmedyo konti lang po talaga ang kailangan naming bayaran." Nagpapalaki lang talaga 'yung utang—naman kasi ng mga loan shark na 'yun eh. Hindi man lang makaintindi ng, Hindi pa nga ho makakaipon kasi wala naman kaming permanenteng trabaho ni Allen at pareho kaming estudyante.

"So any other worries other than those which seemed like you've already figured out how to solve?" Mukha na talaga ngayong nabuhayan ang ginang at masigla na ulit kahit papaano. Nandoon pa rin yung pagka-proud na ekspresyon sa mukha niya na para namang ikinalambot ng puso ko. Paniguradong ganoon din ang itsura nila Mama at Papa ngayon sa amin ni Allen.

Sasabihin ko na sanang wala nang biglang magsalita si Allen. "Nakakahiya man po pero may naging utang po kasi sila Mama na medyo nahihirapan po kaming bayaran ni Ate. Tapos hinahabol naman po kami nung mga inutangan at narinig ko po silang pinagbabantaan na ang buhay namin po." Nanlalaki ang mga matang napatingin ako kay Allen. Kahit kailan ay wala siyang nabanggit sa akin tungkol sa pagtangka ng buhay. At isa pa ay sinabi niya pa rin sa iba ang problemang amin lang dapat.

"Wait, is that true‽" Pasimple ko namang pinandilatan si Allen na agad yumuko at nagpatuloy sa pagkain. "Alliah, tell me. And be honest. Is that true? You're being threatened‽"

Napabuga naman ako ng hangin. Kagaling naman kasi, Allen! "O-Opo."

Agad pinaypayan ng ginang ang sarili niya. Ilang saglit pa itong natahimik na animo'y nag-iisip nang malalim hanggang hinarap niya ako nang may seryoso at nag-aalalang ekspresyon. "Then come to my house. I'm still the godmother of the both of you and as your godmother, I am and should be your second parent. I should be taking care of you during this times, and since I've been gone for years, it's only proper for me to take responsibility now."

Mukha siyang determinadong-determinado na kahit gusto kong tumanggi ay hindi ko makuhang umiling. Para sa akin kasi ay responsibilidad ko na ito—problema na namin ito kaya dapat ay kami lang ang involved. Pero mukha namang hindi magpapapigil si Tita Evelyn at mukhang close na close talaga sila ni Mama.

"I hope that it'll be okay for the both of you." Tiningnan naman niya si Allen na nakatitig na lang sa ginang at tila ba'y gulat na gulat. "And it's a good thing for me too, you know? Since Ericson will finally meet you again, Dax. I know you'll keep him company."

Napakunot naman ng noo si Allen. "S-Sino po si Ericson?"

Medyo lumambot naman ang mukha ni Tita. "Right, you were still kids back then. And like I've said, it has been years. You might have not remembered him." Ngumiti muli ang ginang. "Ericson is my son, and just like me and your mom, you two were best friends."

15 What Ifs [COMPLETED]Kde žijí příběhy. Začni objevovat