Chapter 1

24 1 0
                                    

June 5 2017.

Unang araw ng pasok ko bilang isang junior high school student.

Doon ko din s'ya unang nasilayan...

At nagkakamali ka, hindi ako na-love at first sight.

Sa totoo lang, galit ako sa kan'ya dahil kinuha n'ya sa'kin ang best friend ko, si Hera.

===

"Bilisan mo, Aaron! Malelate na tayo!"

"Saglit lang!" nagmadali akong isuot ang sapatos habang isinasara ang bag ko.

Wala namang sintas 'yon kaya ayos lang. Ang pinoproblema ko ay ang pagkakabotones ng damit ko.

"Aaroooon. Malelate na tayo sa flag ceremony," nababalisa na talaga si Hera.

"Eto na!" sigaw ko, hindi sinasadyang  napalakas ang sara ng pinto at kunin sa pader ang nakasabit na necktie.

"Hera! Aaron! Kunin n'yo na 'tong lunch bags n'yo!" tawag ni mama Olivia. Bihis na din s'ya para sa trabaho.

"Opo!" maingay ang naging pagbaba n'ya sa hagdan. "Aaron, Sa tricycle mo na ayusin yang polo mo!"

"Oo! Yung necktie mo suotin mo na," paalala ko sa kanya.

Patakbo kaming lumabas ng bahay ni Hera.

May humintong tricycle sa harap namin. Alam na siguro ng driver kung saan kami ihahatid, naka-uniform naman kami.

Pagkadaan sa ikat'long kanto, huminto kami saglit.

Akalalain mo nga naman, marami pala talagang nalelate kapag high school na?

Mabilis din kaming nakadating sa school sa oras na...

Naiwan ko yung relo ko!

"Magkano po, kuya?" tanong no'ng babae sa driver.

"syiete, ineng."

Ano yung syiete?

Pinakatingnan ko kung magkano 'yong binigay nung babae bago ako dumukot ng pera. Seven pesos 'yong inabot n'ya, kaya kumuha ako ng ten pesos sa bulsa ko. Kumuha din si Hera ng pambayad.

Pumasok kaming tatlo sa gate na malapit na atang isara ng lady guard.

Dumaan muna kami sa covered court para makapunta sa classroom ng grade 7, ang grade namin ni Hera.

Napansin ko din na kasama pa din namin 'yong babaeng kasabay namin kanina sa tricycle.

Baka bago din s'ya dito?

Nang makarating kami sa classroom doon ko nakumpirma na kagrade nga namin s'ya.

"Ah," naramdaman ko ang pagkulbit sa akin ng kung sino, "yung polo mo, hindi mayos."

"Ah, thank you," nginitian ko 'yong lalaki at inayos muna saglit ang polo kong nagusot na.

Pagkatingin ko kung nasa'n na si Hera, katabi at kausap n'ya na yung babaeng kasabay namin, at hindi ko na s'ya matatabihan dahil pader na 'yong nasa gilid nya. Doon na lang ako umupo sa tabi no'ng babae.

"Hera," tawag ko sa kan'ya.

"Bakit?"

"Yung lunch bag ko?"

"Ito, oh," ibinigay n'ya lang yun sa'kin at bumalik na s'ya sa pakikipag-usap sa babaeng 'yon.

Nadedma ako.

"Sinong bias mo?"

"Si So Haaaaaa!"

"Ahhhh!" nangingisay pa ang sila habang magkahawak ang mga kamay. "Buti na lang hindi tayo magkapareho!"

Ang ingay naman nito.

"Hi, ate, anong name mo?" tanong ko sa kan'ya ng may matamis na ngiti.

"Rafaeya. Pero okay na sa Fae," naging hugis arko ang malalaki n'yang mata sa pangiti n'ya. Halatang natutuwa s'ya sa usapan nila lalo pa't may pula na sa mga pisngi n'ya, senyales na sobrang banat na ng labi n'ya. "Ikaw, kuya?"

"Mas bata si Aaron sa'yo, eleven lang s'ya," singit ni Hera.

"Ah, kakatwelve ko lang din naman." sinulyapan n'ya ako at nginitian muli, lumabas na naman ang ngipin n'yang hindi naman gano'n kapantay. "Hi, Aaron, nice to meet you"

I can't say the same for you, Fae.

Ngumiti na lamang ako at nanahimik dahil hindi ko gustong magsinungaling.

"Good morning class!" dumating na ang teacher na nagsisilbing advicer namin noong school year na 'yon, inaanak s'ya ni tita.

That was two years ago... Pero hindi pa din napapawi ang inis ko sa kan'ya.

May humawak sa aking balikat, dahilan upang matigil ang pananalamisim ko.

At kung mamalasin ka nga naman, sa paglingon ko ay ang mukha pa rin n'ya ang makikita ko.

"Good morning, Aaron." muli kong nakita ang ngipin n'yang may braces na, hindi gaya dati.

Pakiramdam ko ay may kailangan na naman s'ya sa'kin.

"Bakit?" binitawan ko ang lapis at sinundan s'ya ng tingin habang umuupo sa katabi kong silya.

Yumuko s'ya ng kaunti at tumingin sa akin nang magkadaop ang dalawang palad at base sa posisyon ng kilay n'ya, nakasimangot ang bruha. "Pakopya 'ko sa AP."

"Bakit?" ulit ko sa aking tanong.

"Ehhhh," kinamot n'ya ang batok n'ya, "May practice kasi kami kahapon. Bagsak na ako noong makadating sa bahay."

"Hindi ka nag-alarm ng mas maaga?"

"Bili na, Aaron," she touched my forearm and shook it, "Maawa ka sa'kin. Itatapon mo na lang ba ang two years of friendship natin?"

Anong two years of friendship ang sinasabi nito?

"Pumunta ka na lang sa computer room."

"Matatagalan pa 'yon. Hindi sapat ang break time para magresearch. Sa'yo instant na, siguradong perfect pa!"

"Kaya nga ayaw kitang pakopyahin. Ako lang dapat ang perfect."

"Imamali ko naman 'yong iba. Bili na?"

Ayan na naman s'ya sa mga pacute n'ya. Akala n'ya ba madadala n'ya ako sa pangitingiti at malakwago n'yang mata?

"Bahala ka sa buhay mo."

"Bili naaa," biglang nag-iba ang ekspresyon n'ya. "Alam ko na! Gagawan ko ng paraan para makasama ka sa'min next time! Kakausapin ko si tita."

"Isama n'yo ako, ha?" paglilinaw ko.

"Oo, ako ang bahala sa'yo. Alam mo namang mahal na mahal ako ni tita," Ang sabihin mo, hindi pa s'ya komportableng humindi sa'yo. "Akin na 'yong notebook." Iniabot ko sa kan'ya ang AP notebook ko. "Thank you! Isa ka talagang maaasahan kaibigan!"

May habit s'yang mangyakap patalikod ng ibang tao. Hanggang ngayon hindi ko pa din maatim na dumadapo ang pisngi ng "kaibigan" kong 'to sa'kin.

Ewan ko kung paano natotolerate ng iba 'to.

"Grabe ka naman makapunas, nagface wash naman ako!"

"Malay ko ba kung mahawa ako sa virus mo."

"Lagnat lang 'to 'no!"

"Ibalik mo agad ang notebook ko."

Binigyan n'ya na naman ako ng half-moon smile n'ya habang nakatabi sa mukha n'ya ang notebook ko. "Thank you ulit!"

Feeling endorser, baliko naman ang ngipin.

May nalalaman pang pakagat sa labi.

"Sige, punta na ako sa upuan ko."

"Umuwi ka na kaya? Namumutla ka na namumula. Para kang zombie na nilagyan ng blush."

"Ang daming patest tapos aabsent ako?"

Sabagay... Ginagawa pa naman ni ma'am Rosalie na zero ang score kapag absent at walang note. Maaga pa naman umalis ang tito n'ya.

A Few Steps CloserWhere stories live. Discover now