"Wala naman. I don't even care about you, anyway," anito bago siya tinalikuran ngunit naging maagap ang dalaga.

Humarang siya sa harap ng lalaki at tumingala upang salubungin ang paningin nito.

"What do you think of me, Doc?" she asked seductively. Hindi na niya maintindihan ang kaniyang sarili kung bakit ganoon na lamang ang epekto sa kaniya ng lalaki.

Ano ngayon kung wala itong pakialam sa kaniya? Hindi siya ganito, madalas ay wala naman siyang pakialam sa sasabihin o sa tingin sa kaniya ng mga tao pero bakit kagabi ay nag-aksaya pa siya ng oras para lang tingnan ang mga comment sa viral video niya?

Nagiging desperada na ba siya para lang maipamukha sa Doctor na ito na maganda siya at pinapantasiya ng karamihan?

"You? Hmm.. Let me see. A young brat daughter of the CEO which happen to become a doctor because of her family name?" pang-iinsulto nito sa kaniya dahilan para eksaherada siyang mapanganga sa harapan nito.

"Excuse me? Are you telling me that I don't deserve to be a Doctor?"

"Ikaw ang nagsabi niyan, hindi ako."

"See the viral video? It went viral because I saved someone's life! I did my job as a doctor!"

"So you called yourself a doctor because of that video?" tanong nito na nagtunog pang-iinsulto sa pandinig niya.

"Yes!"

"You can't call yourself a doctor if you think of it as a job, a pure job." sabi nito at iniwan siya roon na hindi makapagsalita.

"Anong ibig niyang sabihin doʼn? Being a doctor is a job, anong mali roʼn?" bulong niya.

"Being a doctor is not just a job, brat. It was a passion, you should give at least half of your heart for this, to do your work everyday. You should take good care and love your patients. And that explains that being a doctor is not just a job, but a passion." Napalingon siya sa nagsalita at nakita ang kuya Levin niya.

"Kanina ka pa riyaan?" kinakabahang tanong niya sa kapatid. Baka kasi narinig nito o nasaksihan ang tagpo kanina sa pagitan nila ng masungit at supladong Doctor na si Trevour.

"Not too long. What happened? What's between you and that young doctor?" magkasunod na tanong nito matapos sagutin ang kaniyang tanong.

She cleared her throat. "Nothing, it's just that... He's kinda pain in my ass. You know, he keeps hitting on me—"

"He does?!" hindi makapaniwalang tanong nito.

"O-Of course, Kuya! Bakit naman ako gagawa ng kuwento?"

"Wala akong sinabing ganiyan, kapatid. Nahuhuli ka sa sarili mong bibig."

"Kuya!"

"You like that doctor, huh?" Ngumisi ito sa kaniya.

"Of course not!"

"Good then, don't fall for him," seryosong sabi nito at ginulo ang kaniyang buhok.

"Kuyaaaa! Argh!" sigaw niya ngunit tumawa lang itoʼt nagtuloy-tuloy na sa paglalakad.

Hirap na hirap pa naman siyang ayusin ang mahaba niyang buhok tapos ginulo lang ng magaling niyang kapatid.

Sa mga oras na iyon tuloy ay naisipan niyang paputulan ang mahal niyang buhok. Napailing na lamang siya at inayos ang sarili para sa trabaho.

"Tip toe, tip toe...

One step, two steps, three steps..

Tok! Tok! Tok!

Someone knocks behind the door. Three kids gasps and covered their mouths."

"W-Who's that?" the eldest asked.

"I am the big bad wolf and I will eat the kid who will not take their medicines!"

"Aaaaaaaah..." bigla ay reklamo ng mga batang pasyente dahilan para hindi na maituloy pa ni Everette ang gawa-gawang kuwento niya para lamang mapainom ng gamot ang mga bata.

"Why??" painosenteng tanong niya.

"You're just making a story. Mom said wolfs are good!" nakangusong sabi ng cute at matabang batang lalaki.

"No, my brother said that wolfs are carnivores so they eat people!" the little girl insists.

"I agree, they eat bad people!"

"Calm there, kids. Whether they are good or not, you should take your medicines or else you'll not able to see your home and school friends again. Gusto niyo ba ʼyon?" tanong niya sa mga bata.

"Ayaw po . . . ." sabay-sabay na sagot ng mga bata habang umiiling.

Napangiti siya. "Very good! Dahil diyan ay may treats kayo sa akin after taking your meds, what do you think of it?" pang-uuto pa niya sa mga ito.

"Gusto po namin 'yon!" sabay-sabay na naman na sagot ng mga ito katulad ng nakasanayan.

"Abby, can I talk to you first?" Hinarap niya ang bata na ngayon ay tila nahulaan na kung ano ang pag-uusapan nila. Napansin din ni Everette kanina na tahimik ito at hindi sumasabay sa pagsagot ng mga kapuwa bata.

Tumango ang bata at inabot ang kamay sa nakalahad niyang palad.

Inilayo niya ang bata sa iba pa at lumuhod sa harap nito upang magpantay ang kanilang mga paningin.

"Your sister told me that you're faking your medicines," kalmado at may halong lambing na sabi niya sa bata.

Napalabi ito at ilang segundo lang ay humihikbi na. "I . . . I want my mom, Doctora Ganda!" pag-amin nito sa pagitan ng mga hikbi.

"And you think that faking your medicines will make her come here with you?" tanong niya na sinagot nito ng tatlong tango habang nakalabi pa rin.

"She's always busy, Doctora, naisip ko po na baka kapag hindi ko ininom ang mga gamot ko ay manghina ako lalo at m-mamatay—"

"Sssh  . . . don't say that, love. Don't say that . . . I'll talk to your mom, okay?"

Muli itong tumango. Pinunasan naman ni Everette ang mga luha nito at pilit pinakalma.

"Are you okay now?" tanong niya rito matapos painumin ng tubig.

"I'm better na po, Doctora Ganda," nakangiting sagot nito. Napangiti rin tuloy siya at hinaplos ang buhok ng bata.

Then suddenly, someone cleared his throat.

Mula sa bata ay nag-angat ng paningin ang dalaga at bumungad sa kaniya ang isang napakaguwapong nilalang.

AOT: Captivating His Manacled Heart (Completed) Où les histoires vivent. Découvrez maintenant