Umpisa

9 0 0
                                    


Minsan magulo. Minsan tahimik. 

Hindi mo masasabi kung kailan magbabago.

Ang tanging permanente lang ay ang pagbabago.

Kung tutuusin, ganito naman ang buhay. 

Bigla na lang may climax kahit wala pa ngang development ang istorya.

Kusang lumiliko ang mga pangyayari kahit na deretso naman ang umpisa.

Ang mundong tahimik biglang guguluhin ng mga nakabibinging ingay.

Kahit malalim na ang gabi ay parang nasa gitna ka ng araw. Mainit.

Wala namang saysay itong mga sinasabi ko. Sadyang marami lang tumatakbo sa isip.

Kailangang isulat para manahimik.

Kung gusto mong mabaliw, basahin mo. 

Pero simula pa lang sinabihan na kita. 

Wala namang saysay itong istorya.


You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 21, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

RepleksyonWhere stories live. Discover now