Mula sa bukana ay pumasok ang lalaking ni humigit kumulang nasa anim na talampakan ang taas. Nakasuot ito ng itim na damit na pinatungan ng isang itim na leather jacket. Nakasabit sa kanyang baywang ang mga susing narinig naming kumakalansing kani-kanina lamang.

Magulo ang ayos ng kanyang buhok na para bang kay lakas ng hangin mula sa labas, at mula rito ay kita ko ang kinang mula sa suot niyang hikaw sa kanyang kanang tainga.

"Javier, what took you so long? Saan ka naman ulit pumunta ngayon?" malamyos na tanong ng magandang ginang na tumayo upang salubungin ang bagong dating.

Ngunit hindi ito pinansin ng lalaki. Iniwas niya ang katawan at naglakad papalapit sa lalaking nakaupo sa kabisera at yumukod upang magmano.

May katandaan man ang lalaking nakaupo ay namangha ako sa nakitang kahawigan at napagtantong mag-ama ang dalawa. Ang galing! Para silang pinagbiyak na bunga.

Tinanggap naman ito ng matanda bago iminuwestra ang hapag. "Umupo ka na at kumain." sabay tapik sa balikat nito.

Tumango ang lalaking tinatawag na Javier at bahagyang yinuko ang ulo sa ibang mga bisitang sinuklian din siya ng tango. Dinaanan niya ang dalawa pang mga babae at yumukod upang parehas na bigyan ito ng kapwa halik sa pisngi.

Ang ginang na kaninang nakatayo ay napahiyang nagyukod ng ulo at muling bumalik sa kanyang upuan. Nakita ko ang pagbuntong hininga ng padre de pamilya at kanyang paghimas sa braso ng asawa.

Nagkatinginan ang dalawa at parehong naggawad ng maliliit na ngiti ng pag-unawa bago sabay na ibinaling ang tingin sa lalaking ngayo'y naka-upo sa kabilang dulo ng hapag, katabi ng lalaking may abuhing buhok.

"Yo, 'insan!" pagbati ni Ryder sa katapat at isinipa ang paa sa ilalim ng lamesa. Matigas at walang emosyon lamang itong tiningnan ng lalaki at sumandok na ng kakainin.

"Pfft." napatakip ng bibig ang lalaking si Ro at malokong tiningnan ang kambal na ngayo'y nakasimangot dahil sa hindi pagpansin sa kanya ni Javier.

Bumalik ang tingin ko sa lalaking kahit kumakain ay napakatigas parin ng ekspresyon. Salubong ang kanyang mga kilay at kapag ngumunguya ay kita ko ang talim ng hugis ng kayang panga na sa malapitan ay kita ang maliliit na balbas.

"You could've at least let her welcome you." mahinang saad ng katabi niyang lalaki na hindi nakatakas sa'king pandinig. Nanatili itong nakatutok sa pagkain.

Hindi niya ito pinansin at inabot ang baso ng tubig para uminom. Sa tagal kong pagtitig ay napaigtad ako sa gulat sa hindi inaasahang pagtagpo ng aming mga mata.

Kumalabog ng malakas ang aking dibdib sa walang kaemo-emosyong mga matang nakatingin sa akin mula sa ilalaim ng kanyang mahahabang mga pilikmata. Dali-dali kong iniwas ang aking tingin at yumuko upang tanawin ang itim na sandals na nakita ko kanina sa loob ng cabinet.

Ang kintab naman nito. Hindi naman siguro mapaghahalataan kapag ito ang gagawin kong pasalubong para kay Nanay? Parehas lang naman kami ng sukat sa paa.

"Jav hijo, have you thought about the offer I told you?" biglang pagtanong ng isa sa mga babaeng nasa hapag. "She's great at her field. Oh! And you're at the same age as hers, I'm sure she'll help you well." dagdag niya at napatango.

Lahat ay nakaabang sa isasagot ng lalaki ngunit parang wala itong narinig at patuloy lamang sa pagkain. Isiniko siya ng katabi at iminuwestra ang ginang ngunit walang emosyon lamang niya itong tiningnan at yumuko upang kumain ulit.

Aguy! Ang bastos naman ng lalaking ito. Kung ako aakto ng ganyan sa harap ng nanay, siguradong may lilipad na tsinelas patungong direksyon ko ng wala sa oras. Kahit tango o iling nalang sana hindi pa niya magawa.

Nang walang nakuhang sagot ay hiyang tumikhim ang ginang at yumuko na lamang upang ipagpatuloy ang pagkain.

Hindi ko maintindihan kung bakit kinukunsinti nila ito? Hindi ba dapat pinapangaralanan ito ng mga nakatatanda? Ang hirap naman pala ng buhay mayaman.

"Hijo, your tita mentioned this to us and I think it's a great start." pagsagip ng ginang na hindi pinansin ni Javier kanina. Hinawakan niya ang braso ng babaeng katabi at nakangiting binalingan si Javier.

"Reconsider her offer. Ayaw naming umabot sa punto na lumala ang kalagayan mo kung may paraan naman upang mas maaga itong solusyonan. It's been a year already. Think about it, hmm? Izan—" naputol ang kanyang pagsasalita sa malakas na kalansing ng kutsara't tinidor ni Javier.

Gulat na napatigil ang lahat sa pagkain dahil sa padabog na pagtayo ng lalaki at walang pasabing naglakad paalis sa hapag. Sinundan namin ito ng tingin hanggang sa tumigil siya sa likod ng upuan ng ginang.

Galit. Kahit sa layo ng aking kinatatayuan ay naaninag ko ang kakaibang emosyong dala ng kanyang mga mata na ngayo'y nakatutuok sa babae.

Walang kahit na anong salita, walang nagbago sa kanyang ekspresyon, ngunit ipinapahiwatig ng kanyang mga mata ang lahat. Nagsitayuan ang mga buhok sa balat ko at kahit hindi ko maintindihan ang kanilang pinag-uusapan ay ramdam ko ang kabog ng takot sa aking dibdib.

Naputol ang kanilang titigan ng bumaling ang lalaki sa kabisera. Bumalik ang kanyang walang kaemosyong mga mata at tipid na tumango rito bago tuluyang nilisan ang silid.

Kumawala sa bibig ko ang hangin na hindi ko namalayang pinipigilan ko kanina dahil sa namuong tensyon. Mukhang hindi lang ako ang nakaramdam no'n sapagkat dinig ko rin ang sunod-sunod na pagkawala rin nila ng pinipigil na hininga.

Nagpakawala ng mahinang sipol si Ryden na agad na siniko naman ng kakambal. Nginisihan lamang niya ito at uminom sa kanyang tubig. Kita ko naman ang lalaking nasa kabisera, na napagtanto kong ang tatay ng lalaking bastos, na mariing napapikit at napamasahe sa kanyang sintido.

Dinaluhan naman ito ng kanyang asawa at hinimas ang braso na tila ba pinapakalma ito. "P-pagod lang siguro kaya wala sa mood. Hayaan mo at kakausapin ko nalang ulit." malumanay at nakangiting saad niya.

Bumaling siya sa mga bisita at mapag-umanhin na ngumiti.

Muli ay nagpakawala ako ng malalaim na hinga upang matanggal ang bigat na nararamdaman. Ano ba iyan? Para akong nanonood ng soap opera. Dalang-dala ako sa mga emosyon.

Binalingan ko ulit ang halaman sa aking katabi at kasaba'y noon ang muling pagkalam ng aking sikmura. 

Ayos sana kung may popcorn kanina. Tsk!



When The Eyes SpeakWhere stories live. Discover now