"Shit!Patay mukha ko nito."

Kumaripas nang takbo si Helman nang tumayo na si Zara.

Nagpipigil nang tawa si Razzer na naroon."Kita mo mukha ni Belarus,Baby?Ang epic.Pffft.."

"Huwag kang tumakbo,bakla!"

"Tomboy!"

"Sinubukan mo talaga ako,Belarus!"

Hinubad ni Zara ang suot na sapatos tsaka ibinato sa direksyon ni Helman di kalayuan.

Ngumisi naman si Helman at bahagyang yumuko.

Nanlaki na lang ang singkit na mga mata ni Razzer nang hindi sa direksyon nito naglanding ang sapatos kundi sa direksyon ni Maxella na napadaan.

Kung hindi pa malakas Ang pakiramdam ni Maxella ay baka matamaan siya.

Kahit na sumakit ang kanyang kamay dahil buong araw siyang nagpipinta ay nasalo niya parin ang bagay na naglanding sa kanyang direksyon.

Napakurap-kurap na lang sila nang humarap sa kanila ang walang emosyon na mukha ni Maxella.Subalit magkasalubong ang kilay.

"Hehehe.Hermosa,nandyan ka pala."

Napakamot na lang sa batok si Helman.

...

MAXELLA POV

"Hehehe.Hermosa,nandyan ka pala."

Napakamot na lang sa batok si Helman.

"Kanina pa." I said with the hint of sarcasm.Tsaka itinapon ko sa kanyang direksyon ang sapatos. "Catch." Nasalo niya naman ito.

"Sa susunod na magbabatuhan kayo,sisiguraduhin niyong walang madadamay na tao. Naiintindihan nyo?" Madiin na bigkas ko.

"It's Zara's fault,Hermosa.Palagi niya nalang akong inaabuso."
Napasimangot na ani ni Helman.

"Inaabuso your ass,pervert! At anong kasalanan ko ha,aber?"

Nabaling ang aking tingin sa babaeng nakasuot na racerback at sweatpants nang umangal ito."It's not my fault."

"You must be Azekelle's wife."

Walang emosyon na tinapunan ko nang tingin ang tatlong nasa gilid.Ngumiti sa akin ang babaeng may malaanghel na mukha na katabi ni Razzer habang ang babaeng kamukha naman ni Razzer ay sinusuri ak0. "Azekelle know how to pick a woman."

Kumunot ang noo ko.

"Yow lady miss.Wait..ngayon lang kita nakita simula kaninang umaga.Asan ka pala?" Nagtatakang tanong ni Razzer.

"Napagod ako." Walang gana ko silang tiningnan isa isa.

Nagtataka ako nang nanlaki ang mga mata ni Razzer at Helman na nagtinginan.

"Napagod?"

Sabay pa nilang sabi.

Napapastikuhan ko silang tiningnan.

"Napagod ako sa pagpipinta kaya tinatamad akong lumabas sa kwarto." Simpleng ani ko.

Napaiwas nang tingin si Helman at napahilot sa sentido.

"Ahhh hahaha akala ko ano na.." Bulong ni Razzer.

Nagtataka rin ang babaeng may hawak na telepono. "Anong ano na,kuya?"

"Wala.Wala."

Mahina siyang hinampas nang babaeng katabi niya.

"Alam ko ang nasa isip mo,Razzer."

"Ouch,baby.Nagtatanong lang naman ako." Nguso niya.

Akmang tatalikod ako upang tumuloy sa kusina nang tinawag ako ni Helman.

"Opps,Hermosa.Ipakilala ko pa pala muna sayo ang mga babaeng narito."

...

THIRD POV

NAGLALAKAD si Maxella sa malawak na hallway.Patungo sa kanyang silid.Naglalaro sa kanyang isip ang mga senaryo na nais niyang ipinta.Diretso lang ang kanyang tingin at hindi nag abalang tumingin.

Anim na silid ang madaanan niya bago siya makarating sa silid na kanyang ginagamit.

Nakuha nang kanyang atensyon ang isang silid na nakabukas.Tutuloy na sana siya nang marinig ang baritono na boses.

"Don't question my fvking decision,Felicia.You have no idea what inside my mind and what exactly my plan so fvking watch your word."

Napabuntong-hininga si Felicia habang si Wyx naman na naroon ay natahimik.

"Isa lang ang rason na nasa isip ko,Azekelle.Kung bakit pinakasalan mo ang anak na Alfonso nayon.So tell me that you will not going to used her against them."

"Felicia." May pagbabanta sa boses ni Wyx.

Nagtiim ang bagang ni Azekelle at tumalim ang mga mata na tumingin kay Felicia.

"Don't you dare ruin my plans,Felicia."

Bumaling ang tingin ni Felicia sa pinto nang may nahagip siyang pigura na nakatayo sa pinto.

Mabibigat ang hakbang ni Maxella na bumalik sa sala upang kunin ang susi na nakasabit sa ref.

Kuyom ang kanyang kamao at parang piniga ang kanyang puso.

"Yow , Lady Miss." Bati ni Razzer na kakagaling lang dahil bumili ito nang alak.Napansin nito ang dalang susi niya at ang pagsuot niya nang coat.

"Where are you going?"

"Sa impyerno.Wanna come?"

Hindi niya ito tinapunan nang pansin.

Napakunot ang noo ni Razzer nang pabagsak na isinara ni Maxella ang pinto nang front-door.

"Hoy gago.Ba't ang tagal mo? Mabigat ba yang alak na binili mo?" Bungad ni Helman.

"Wag kang magreklamo,impyerno.Umaasa ka nga lang sa libre,nagrereklamo ka pa.Sandali,alam mo ba kung saan yon pupunta?"

"Sino?"

"Ang asawa ni Boss."

"Si Hermosa?Bakit lumabas ba siya?"

"Ul*l! Kaya nga ako nagtanong.Badmode ata yon, sinagot niya ako sa impyerno daw siya pupunta."

"Gabi na ah.Shit!Razzer ba't hindi mo sinundan? Patay tayo kay boss nito."

Samantala,mabilis ang pagpapatakbo ni Maxella at walang pakialam sa mga bumusinang sasakyan.

"Why people used me to get what they wanted?"

Parang may isang bomba na sumabog sa kaloob-looban niya sa tanong na iyon.

Bakit hindi ko man lang naisip ang kahihinatnan nang arranged marriage? Sh*t.Sh*t.Ang tanga-tanga ko.Kingina.

Iyon ang nasa isip ni Maxella.

Ano ba ang meron sa kanya?
Bakit lahat nang nakapaligid sa kanya ay ginagamit siya bilang instrumento pagkatapos ay itapon na parang walang kwenta?

Ang gusto lang naman niya ay maramdaman niya na may nagmamahal sa kanya.Yong totoong pagmamahal na inaasam niya.

Pumikit siya nang mariin at sa pagdilat nang kanyang mga mata ay isang likido ang tumulo sa kanyang mga mata.Sa kauna-unahang pagkakataon.Isang luha ang lumandas sa kanyang pisngi.

Iba't ibang emosyon ang hindi maipaliwanag.Pero tanging isang emosyon lang ang kanyang mawari.

"Why am I hurting?

***

MARRYING THE RUTHLESS MAFIA BOSSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon