Chapter 8 - Hide and Seek

Start from the beginning
                                        

"Darling, one of our princesses is having a suitor." Nakangiting sabi ni daddy na nakaakbay kay mommy nang puntahan nila kami sa kitchen na magkakapatid.

"How's work, daddy? Buti nakaabot ka po... sabi kasi ni mommy may meeting ka pa nung umalis siya sa office kanina."

"Tiring yet fulfilling." Sabi ni daddy sa akin tapos gamit ang isa pa niyang braso ay inakbayan rin ako.

"But, this day, I will surely not let this pass. You'll be the first princess na magpapakilala ng manliligaw. Paano 'yung dalawang ate mo, mauunahan pa ata ni Summer bago magpakilala ng manliligaw sa amin ng mommy niyo." Nakangiti pa ring sabi ni daddy at sandaling binalingan ng tingin sila Winter at Autumn.

"No time." Malamig na sabi ni Winter

"Not my priority." Mabilis ring sagot ni Autumn.

"Hayaan mo na muna sila, may ipapakilala rin sila sa atin, darling."

Kasabay ng pagbuntong-hininga ni daddy ay tumunog ang doorbell.

"Oh my! Collin's here na!" Bulalas ko at agad-agad na tumakbo na sa labas ng bahay para pagbuksan si Collin.



"Disappointed?" salubong sa akin ni Louis nang buksan ko ang gate.

Akala ko pa naman si Collin na.

"Anong ginagawa mo dito?"

"Si tito ang nag-imbita sa akin. Ipapakilala mo na daw si Collin?"

"Oo. Akala ko nga siya na 'yung dumating. Ikaw lang pala..." Nakasimangot na sabi ko

Pagak siyang napatawa at ginawa na naman ang paborito niyang gawing paggulo sa buhok ko kapag nakasimangot ako.

Nagsimula na kaming maglakad pabalik ng bahay pero hindi ko pa man natutulak pabukas ang pinto, may nag-doorbell ulit.

"Sure na 'to! Siya na talaga! Mauna ka na sa loob."Excited na excited na sabi ko at pinagtulakan ko pa si Louis papasok ng bahay namin


"So, what do you do for a living?" Nangsisindak na tanong ni daddy kay Collin habang nasa kalagitnaan na kami ng dinner.

"Are you serious with our sister...?"

"O, fling-fling lang?" dagdag pa ni Autumn sa tanong kanina ni Winter

"Darling.. Winter.. Autumn.." malumanay na saway sa kanila ni mommy

I apologetically looked at Collin na ginantihan lang ako ng matipid na ngiti.

"I'm managing our small poultry business in Bulacan, sir." Collin respectfully said

Then, sila Winter at Autumn naman ang binalingan niya, "I'm very serious with Spring."

Natahimik ang hapag kainan namin pagkatapos sagutin ni Collin ang mga tanong nila.

Ni walang gumagalaw sa mga kubyertos na hawak namin at nagkakatinginan lang kami.

"Kain na po ulit tayo?" Si Louis ang naglakas loob na basagin ang awkward silence

"Kuya, puro ka talaga pagkain." Kantyaw ni Summer

Ilang minuto lang din ang lumipas at natapos na rin kaming magdinner at pag-iinterrogate nila kay Collin.



"Uy, okay ka lang?" Nahihiyang tanong ko kay Collin

"Oo naman. Ang saya nga ng pamilya mo. They're all protective of you. Kaya nga kanina, I admit na natakot talaga ako."

"Sorry ah? This is the first time kasi talagang may nagpakilalang lalaki sa pamilya namin. Kaya ganun ang reaksyon nila."

"Si Louis?" Diretchong tanong niya habang nakatingin kay Louis na nakikipaglaro na naman ng board games kay Summer

Nandito kami ngayon sa garden kasi mas presko ang hangin dito kesa sa loob ng bahay. Nagkwekwentuhan sila daddy at mommy sa may kubo na akala mo nagdadate na teenagers.

Sila Winter at Autumn naman may pinapanood na video sa tablet. Probably, some videos na related sa fashion.

"Ahh.. Iba naman nung pinakilala ko si Louis eh. He's just a friend. Kaya walang hassle nung pinakilala ko siya dati. Unlike ngayon..."

Tinignan niya ako na parang gusto niyang tapusin ko man kung ano ang gusto kong sabihin nang walang pag-aalinlangan.

"Ngayon na, I'm sure na you're not just going to be a friend to me. But, something more than that."

Pinakatitigan naman niya ako. Parang may kung anong humihilang kakaibang enerhiya sa amin. Hanggang sa namalayan ko na lang na naglapat na pala ang mga labi namin. His lips were warm and sweet at the same time.

Unti-unti nang pumikit ang mga talukap ng mata ko para mas madama ko kung anong kakaiba at bagong feelings ang nararamdaman ko ngayon.

Hinagkan niya ang magkabilang pisngi ko gamit ang mga kamay niya. Kaya mas lalo akong nakaramdam ng kakaibang emosyon na hindi ako pamilyar.


"Boom! Talo ka na!" rinig kong biglang sigaw ni Summer kaya dali-dali akong lumayo kay Collin.

Napatingin na lang ako kanila Summer at Louis.

"Nandaya ka eh!" Ganting sabi naman ni Louis

"That was sweet." Collin said trying to get my attention away from Summer and Louis.

Nahihiyang ngumiti na lang ako sa kanya at napapaiwas ng tingin sa kanya.

First kiss ko 'yun! I shrieked inwardly.

3RD PERSON'S POV

Isang gabi sa isang kilalang resto bar sa Makati, may dalawang tao ang masinsinang nag-uusap habang umiinom ng alak.

"What do you need this for?" Usisa ng isang naka all black corporate attire sa taong kaharap nito.

"It's none of your business. I'll pay you whatever amount you need. Just give me the information I need." Seryosong sagot sa kanya ng pangalawa

"Oh, come on! For old time's sake?" pagpupumilit pa rin ng nauna pero hindi pa rin nagpatinag ang kausap at inisang lagok ang isang baso ng alak bago tumayo sa upuan para umalis.

A/N: Comments are highly appreciated. Thanks! :) 

Hello, SpringWhere stories live. Discover now