Special Chapter

11.7K 264 29
                                    

"I now pronounce you husband and wife. You may now kiss the bride." Anunsyo ng father.

Bumaling naman ako kay Nicholas ng tingin. At sabay kaming ngumiti. Itinaas niya ang aking Belo, ipinikit ko naman ang mga mata ko. Hanggang naramdaman ko ang labi niyang dumampi sa ibabaw ng labi ko. Agad ko naman ginantihan ang halik niya.

Napamulat ako nang mata ng matanggal na ang pagkakalapat ng labi namin. Nagtama ang paningin naming dalawa.

"Finally masasabi ko na akin kana talaga. Sa wakas nakamit ko na din ang pinakahihintay ko. I love you so much, wife." Buong puso niyang pahayag sa akin. At pinagdikit ang noo naming dalawa.

Hindi ko namalayan na may tumutulo na palang luha sa mata. Sunod sunod na nagsibagsakan ang mga luha ko.

Halo halong emosyon ang nararamdaman ko sa araw na ito. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko.

Hindi ko ina-akala na maranasan ko ganitong saya. Saya na nararamdaman ko sa iisang tao na mahal na mahal ko.

Hanggang ngayon hindi parin ako makapamiwala na ikinasal na talaga ako sa kaniya. Ang mga pinangarap kong kasal, natupad. Sobra sobra pa.

Wala na akong hihilingin pa kundi ang makasama ang mga taong mahal ko. Sobra sobra ang binigay nang diyos sa akin.

"Thank you. Thank you for everything, Nicholas. Akala ko hindi na ko maranasan ang h'wag ikasal sa taong mahal ko. Noon pangarap ko na lang na sana ikasal ako sa taong mahal ko at mahal ako. Ang hindi ako makapamiwala ay 'yung mahal na pala namin ang isa't isa kahit una pala kaming nagkita. Akalain mo yun. Ikaw Nicholas, ang lalaking kauna unahan kong minahal at mamahalin pa ng habang buhay. Mahal na mahal din kita, Nicholas." Buong puso kong wika sa kaniya.

Hinawakan ko ang magkabilang pisngi niya at pinunasan ang luhang tumutulo sa kaniyang pisngi.

Hindi namin inalis ang tinginan namin sa isa't isa. Parang nag-uusap kami gamit ang mga mata namin.

"Congratulations newlywed!" Naalis ang tinginan namin nang marinig namin ang mga bati nila.

Sabay kaming tumingin sa kanila at binigyan nang masayang ngiti. Nagpasalamat naman kami sa kanila.

Nagsipwesto naman kami para sa picture taking. Lahat nang kamag-anak namin kompleto. Nandito din ang magulang at kapatid ni Nicholas. Hindi ako makapaniwala na meron pala siyang kapatid na kambal. Babae at lalaki din. Kaya hindi nakapagtataka kung bakit kambal din ang anak naming dalawa.

Nandito din ang magulang ko at si Patrick. Pati rin sina Alice.

Andaming mga bisita ang pumunta sa kasal namin ni Nicholas. Hindi na dapat akong magulat pa.

"Congratulations mommy, daddy!" Nakangiting bati nang dalawa naming anak.

Agad naman namin silang sinalubong nang mahigpit na yakap.

"Thank you, my babies."

"We love you po, mommy, daddy."

Naluluha naman akong ngumiti sa kanila. 'Mahal na mahal ko din kayo mga anak.'

"We love you too, mga anak."

>>>>>

"Ilan ang gusto mong anak, Nicholas?" Tanong ko.

Ramdam ko ang pagkapula ng magkabilang pisngi ko dahil sa tanong ko sa kaniya.

Nandito kami sa isang malaking yacht. Regalo isa sa mga pinsan niya. Honeymoon namin ngayon, dito gaganapin. Hehe!

Hiding His Twins (COMPLETED)Where stories live. Discover now