Chapter 1

20.5K 350 14
                                    

Nakatanaw lang ako sa malaking salamin sa harapan ko. Tinatanaw ang nag sisitaasang  mga building. Nakatanaw lang ako sa labas kung may problema ako o kung gusto ko lang magtingin tingin. Nakikita ko ang iba't-ibang mga na naka paskil sa bawat buildings. Mga mukha nang mga models o mga sikat na artista dito sa america. Ang ganda gandang tignan dahil suot suot nila ang mga gawa ko. Pero iyung iba hindi ko mga gawa.

Yes, isa na akong sikat na fashion designer dito sa america. Hindi ako makapaniwalang nakamit ko na din ang pangarap kong maging designer. Hindi lang ako isang clothes designer, isa din akong gown designer.

Sa akin pumupunta ang mga nagpapagawa ng mga gown. Hindi naman sa pinagyayabang ha. Magaganda naman kasi ang mga gawa ko.

Hindi ko inaakalang magiging ginito ako ngayon. Isa lang ito noon na pangarap ko. Tapos ngayon hindi ko inaakalang isa na akong owner ng isang kompanya. May mangilan ngila na din akong naitayo na mga branches. Pero karamihan ay sa bansang nag mulan ko. May ibang nagma-manage sa iba. Hindi naman ganun karami pero proud na proud ako sa sarili ko dahil kahit anong mga problema ang dumating noon, nakaya kong nilagpasan.

Salamat sa diyos dahil hindi niya ako pinabayaan.

Mga ibat-ibang mga ilaw ang nakikita ko sa labas. Ang gandang pagmasdan. Itong kinatatayuan ko ngayon, sariling company ko ito. Maraming pagsubok na dinanas ko bago ko nakuha ito.

Napabuntong hininga naman ako. May biglang pumasok sa isipan ko pero agad ko din itong winaksi. Ayaw ko muna ang nag-isip kung ano ano ngayon.

Agad akong tumalikod sa bintana at bumalik sa lamesa ko. Ipinagpatuloy ko ang pagdede-sign ng mga damit. Tatapusin ko muna ito bago umuwi sa bahay.

Dumaan ang ilang oras. Kung hindi pa pumasok ang sekretarya ko dito sa loob. Hindi ko namamalayan na gabi na pala.

"Ma'am, hindi pa ba kayo uuwi?" tanong ng sekretarya ko sa akin.

Kaya napabaling ako sa kanya ng tingin at nginitian lang sya. Isang pilipino ang sekretarya ko dito.

"Tatapusin ko lang ito, Diana, uuwi din ako." nakangiting sagot ko.

"Sige po ma'am, mauna na po ako sa inyo. Ingat po mamaya sa pag-uwi." nakangiti niyang pagpapaalam sa akin.

"Sige, ingat ka din sa daan, Diana."

"Sige, ma'am. Bye po."

Kinawayan ko na lang sya bago binalik ang tingin sa ginagawa ko. Dumaan ang ilang minuto, agad kong niligpit ang mga gamit ko.

Nang matapos ko lahat, agad akong lumabas sa opisina ko. Pero bago yun, linock ko muna. Mahirap na.

Matapos kong ilock ang opisina, agad akong pumasok ng elevator. Nang makapasok ako, agad kong pinindot ang ground floor.

Nang nakalabas ako, agad akong pumunta sa nakaparada kong sasakyan.

༺࿇༺


Nakarating ako sa bahay namin. Agad akong pumasok sa loob. Nadatnan ko doon sina mama at papa na nonood ng tV.

"Oh nandito ka na pala, anak. Kamusta ang araw mo?" bungad na bati at tanong ni mama sa akin.

Humalik muna ako sa pisngi at nagmano sa kanila bago umupo sa upuan sa pang-isahang tao.

"Okay naman po ang araw ko mama, wala namang problema sa opisina." simpleng sagot sa kanya.

Agad naman silang bumalik sa pagkakaupo kanina.

"Mukhang pagod na pagod ka, anak ha?" nag-aalalang tanong sa akin si papa.

Hiding His Twins (COMPLETED)Where stories live. Discover now