Chapter 22

10.9K 254 35
                                    

"I don't know where to start. Hindi madaling sabihin sa kaniya ang lahat, pagsinabi ko agad baka iiwan niya ako, she might hate me. Alam niyo naman na ngayon lang ako nakalapit sa kaniya."

Mahaba niyang sagot. Biglang lumakas ang kaba ko dahil sa mga naririnig ko mula sa kanila.

'sino ba ang tinutukoy nila? Ako ba? Ako ba ang tinutukoy nila?' kinakabahan kong tanong sa isipan ko.

"Pero huwag mo na dapat pang patagalin pa ang paglilihim mo, couz. Sige ka, baka sa huli ang pagsisisi."

"Naalala niyo pa? Para syang asong ulol na nakasunod sa kanya noon. Kahit nasa malayo na nga siya, may time ka parin na puntahan siya. Minsan nasasabi ko na lang na paano ko ba naging pinsan ang siraulong ito? Tsk."

"He was able to wait almost eleven years. Para lang sa taong mahal niya. Akalain niyo, hindi siya tumingin o naki pag-date sa iba't-ibang babae."

"I really admire our cousin. Aba nagbigay pa ng remembrance sa babae. Inanakan ba naman para hindi na makuha ng iba. Ang bata bata pa noon 'yung babae agad na niyang binuntis. Tsk! Tsk! Tsk!"

"Ikaw ba naman ang ma-love at first sight. Minsan lang magmahal ang pinsan nating ito, kaya hindi niya pinalampas pa."

"Ang bait talaga ni Nich, Bigyan niya yung babae ng pera para may magastos sila. You remember back then, he was the one who find a heart donor from her father."

"You know what, Sinubukan ko naman na alisin siya sa sistema ko pero wala e, para akong nababaliw dahil hindi ko siya nakikita. I want to see her every day.."

"Huwag mong sabihin na obssess ka sa kanya. Iba na 'yan couz."

"Maybe. I'm obsessed with her."

"Paano yan couz, hindi mo ba muna sasabihin sa kanya ang totoo na matagal mo na siyang kilala?"

"Hindi ko alam kung kailan ako maglalakas loob na sabihin."

"So, kailan mo siya papakasalan? Mag-propose ka na agad, wala ka namang asawa. Dapat ikasal na kayo, may kambal na nga kayong dalawa e."

"Tignan mo ang gago, isang gabi lang naka-dalawa na. Psh."

"Hahaha! Sharp shooter!"

"Dapat agad mo siyang pakasalan. Huwag mong sayangin ang tulong namin sa'yo noon. Kinidnap pa namin siya para lang sa'yo."

"Yeah! Yeah! Tsk. Don't worry, darating din kami diyan. Pagnagkataon, hindi ko na siya papakawalan pa. Ikukulong ko siya sa piling ko para hindi na siya makalayo pa sa akin nang tuluyan."

"H'wag kang mag-alala, couz, kung kailan mo ng tulong nandito lang kami para sa'yo. Nasa likod mo lang kami."

*BLAAAAAAAAGGHHH*

Nabitawan ko ang hawak hawak kong baso.

"Shit!"

"Fvck!"

"Damn it! Mukhang may nakarinig sa usapan natin a."

"Mga g*go! Ang iingay niyo kasi."

Narinig ko naman ang mga kalabag ng mga sapatos nilang pupunta sa pwesto ko. Hindi ako umalis sa pwesto ko. Hindi ako makagalaw. Parang tumigil ang oras. Nakatitig lang ako sa pinto. Hindi ko namalayan na nanginginig na pala ang mga kamay ko. Hanggang naramdaman ko na may mainit na pumatak sa pisngi ko. Pero hindi ko parin 'yun pinansin.

Hiding His Twins (COMPLETED)Where stories live. Discover now