Chapter 19

10.8K 228 10
                                    

Mas lalo kong niyakap ang unang yakap yakap ko. Nagtaka pa ako ng maramdaman ko na medyo matigas ang yakap kong unan. Pero dahil inaanktok pa ako. Hindi ko na lang yun pinansin.

'Bakit ang bango ng unan ko? Kakaiba ngayon ang amoy. Bakit amoy ng lalaki? Hindi naman panlalaki ang pabango ng unan ko ha?' nakakunot ang noo na tanong sa aking isipan.

*CLICK*

"Hihihi!"

"Shh! Don't make any noise, baby. Mommy still sleeping."

"Oops! Sorry daddy. Ang sweet nyong dalawa eh. Bagay po kayo? Yiee!"

'Nananaginip ba ako? Bakit may naririnig akong mahinang tawa?'

Kaya nagpasyahan kong magmulat ng mata. Kahit medyo inaantok pa ako. Gustong gusto ko  naman pa sana na yakapin magdamag ang unan ko. Hindi ko parin tinatanggal ang pagyayakap sa unan ko. Paminsan-minsan pa ay inaamoy ko. Medyo naadik ako sa amoy. Ewan ko ba, hindi naman ako ganito dati sa unan ko.

Dahan dahan kong minulat ang mata ko. Medyo hindi pa naka adjust ang paningin ko medyo malabo pa. Kaya hindi ko maaninag ang tao sa paligid.

Nang maka-adjust na ang tingin ko. Kitang kita ko na ang paligid.

Tumingin ako sa paligid. Nakita ko si Nicky at Nico sa paanan ng kama habang may hawak hawak na cellphone parang kumukuha ng picture.

Hindi ko naman yun pinansin. Dati rati naman silang pumupunta dito sa kwarto ko at kinukuhanan ako ng picture. Kaya hindi ako nagtataka na nandito sila.

"Good morning mga anak." Nakangiting bati ko.

Nakita ko naman na lumawak ang ngiti nila. Parang may iba ngayon sa kanilang mga ngiti. Parang may panunukso. Pero hindi ko yun pinansin.

"Good morning din mommy." sabay bati nila sa akin.

"Good morning too, fiancé. How's your sleep?"

Para akong nabuhusan ng malamig nang maramdaman kong may mainit na hininga na maraming ko sa bandang leeg ko.

Parang tumigil ang pagtibok ng puso ko.

'sh*t!' mura ko sa isipan ko. 'sana panaginip na lang ito. Plaese gisingin niyo na ako.'

Dahan dahan akong napa-angat ng tingin. Hanggang sa masilayan ko ang mukha ng taong nagsalita. Nakita ko na ang lawak lawak ng ngiti niya. Mukhang gustong gusto niya ang pwesto naming dalawa.

Kanina lang tulog na tulog ang nalalaytay sa katawan ko. Ngayon gising na gising na. Parang gusto ko na lang sumabog.

Wala sa sariling napatingin ako sa pwesto naming dalawa. Nanlalaki at napanganga na lang ako. Lahat ng dugo ko sa katawan napunta lahat sa mukha ko.

Ganito ba naman ang pwesto namin. Siya na nakasandal sa headboard habang ang lawak ng ngiti sa akin. Kitang kita ko ang pagningning ng mata niya habang nakatingin sa akin.

Habang ako nakahiga sa dibdib niya habang nakayakap sa kaniyang beywang. Siksik na siksik ako kaniya.

'P-p-parang....p-para kaming sweet na sweet na mag-asawa..... Shet. Kinikilig ako. Haha. Gusto kong magtalon talon.....Ok, kalma lang heart baka mamaya maatake ka wala sa oras.' malanding pahayag ko sa aking isipan.

*CLICK*

Kaya naman pala ang init ng pakiramdam ko. Tapos pakiramdam ko ay nakayakap din ang unan sa akin. Dahil naramdaman ko na may nakahawak sa baywang ko.

Shet! Hindi ako naramdaman ng kahit inis o galit dahil sa pwesto naming dalawa. Nangingibabaw ang kilig na nararamdaman ko ngayon.  Parang akong naiihi ngayon. Para akong teenager na gustong-gusto na nagtatalon sa kilig dahil nakatabi nila ang crush nila. Ganun ang nararamdaman ko ngayon.

Hiding His Twins (COMPLETED)Where stories live. Discover now