Chapter 2

16.8K 327 20
                                    

"MOMMY~" napatingin ako sa pinanggalingan ng boses.

"Mommy, you here na. I miss you, mommy."

"Hey Nicky, stop running, baka mahulog ka sa hagdan."

Napangiti ako bigla ng makita ko ang mga anak ko na pababa ng hagdan. Parang kung may ano sa dibdib ko nang makita ko ang dalawa kong anak.

My twins.

"Careful, baby. Baka mahulog ka." may pag-aalalang saway ko sa kanya. Natatakot ako baka kung anong mangyari sa kanya.

Pero parang wala siyang narinig sa saway ko. Basta dire-diretso lang siyang tumakbo patungo sa akin at sinunglaban ako ng yakap. Sobrang higpit na yakap.

"Mommy, namiss kita." bigla naman siyang napanguso. How cute my baby Nicky. She looks like me.

Hinalikan naman niya ako sa pisngi. Ganun din ang anak kong lalaki. I miss them both.

"I miss you, mom." maikli nyang bati sa akin at umupo sa tabi ko.

"I miss you, my babies." nakangiti kong sagot at humalik ako sa kanilang noo.

Bumalik naman ako sa pagkakaupo. Umupo naman ang anak kong si Nicky sa hita ko.. Kaya napangiti na lang ako ng bigla na lang niya akong niyakap. Parang ayaw niya akong pakayalan.

"Mukhang miss na miss ako ng baby ko a."

Bigla naman siyang nag-angat ng tingin sa akin at binigyan niya ako nang malawak na ngiti. Habang nakikita ko sila, hindi ko mapigilan na mapangiti.

"Yes po, namiss kita. I miss you so so so much, mommy." malambing nyang sabi. At bigla na naman niya akong niyakap.

Niyakap ko na lang din siya.

"Your clingy, Nicky. Can you see, kagagaling lang ni mommy sa office." masungit na saway ng nakakatanda niyang kapatid sa kaniya.

Ito talagang anak kong lalaki, ang sungit sungit. Kagaya niya lang ang ama niya, noong una...... Aish. Kung ano ano na namang pumapasok sa isipan ko. Agad kung winaksi sa isip ko ang bagay na iyon.

Kaya alam nilang magtagalog dahil tinuruan ko silang dalawa. Nakakatawa nga e dahil mabilis silang natuto.

"Hmp. Your inggit lang kasi. Why ba kasi na hindi ka yumakap to mommy. Para hindi ka mainggit." pang aasar naman ng anak kong babae sa kuya niya.

Narinig ko naman na natawa sina papa at mama. Pero hindi ko na lang iyon pinansin. Nakangiti lang akong nakatingin sa dalawang Bulilit na nag-aasaran sa tabi ko.

Silang dalawa ang naging buhay ko. Nagpapasalamat ako sa diyos dahil binigyan ako ng mga anak na gagwapo at ang gaganda. Sa edad na 9 at magte-ten na next next month. Ang lalaki na nila. Mas lalo na itong anak kong lalaki, halos malapit na kaming magkasingtangkad. Maliit lang kasi akong tao. Mga 5'5 o 5'6 lang kasi ako.. Hindi mo talaga inaakala na 9 niya pa lang. Mga 5'1 o 5'2.

Baka nagmana siya sa ama niya. Sa pagka-kaalala ko ay isang malaking tao at may malalaking katawan ang lalaking iyon. Hindi talaga nakakapagtaka. Syet! Naalala ko na naman ang katawan na iyon. Parang nagsitayuhan ang balahibo ko sa katawan.

Pero ang anak kong babae, parang nagmana sa akin. Medyo hindi katangkaran pero alam kong may ilalaki pa siya.

"Tama na iyan mga anak. Diba ang sabi ko sa inyo na ang dapat ang magkapatid hindi nag-aaway kundi nagmamahalan." pagsa-saway at pagpapa-alala ko sa kanilang dalawa.

Nakita ko naman na humaba ang nguso ng anak kong babae. At si Nico naman napabuntong hininga na lang sya. Alam ko naman na hindi niya kanyang saktan o sigawan na kakambal niya. Mahal na mahal nila ang isa't-isa. Kahit lagi silang nag-aasaran, parte iyon nang lambingan nila.

Hiding His Twins (COMPLETED)Where stories live. Discover now