Gabi gaganapin iyon.

Sa totoo lang in-add ko talaga ang babae ng pinsan ko si haya. Sinabi naman talaga sa'kin ni Zoey kung anong pangalan ng babae dahil naging interesado ako. Maganda ito at member ng pangkat dance troupe taga mindoro ito.

Cute siya at matangkad.

Mabilis kong pinatay ang data, pumasok na ako sa bathroom para maglinis. Pagkatapos nag advance study na ako. Habang nagrereview ako doon naman pumasok si Zoey nakatutok siya sa cellphone niya nanonood ata. Bumaling muna siya sa'kin bago sa cellphone niya.

Humiga siya sa kama.

Ang sarap talaga ng buhay ng babaeng ito, walang ginagawa kun'di cellphone lamang minsan may kachat minsan wala. Bihira ko na siyang nakikita na may kachat.

Nagseryoso na ako sa pagbabasa pati ba naman buhay ng pinsan ko pinapakalman ko haystt.

Nagising ako dahil sa sikat ng araw na tumama sa'kin. Napatingin ako sa orasan it's 8 o'clock in the morning. Sa tuwing walang pasok hindi ako nag a-alarm clock. Linggo at ngayong araw pupunta ulit ako kila Aiden.

Tumayo ako at pumasok na sa bathroom para maligo.

Ilang minutong nakalipas natapos na ako sa morning rituals ko. Bumaba ako at bumungad sa'kin ang dalawa. Si Duke permanenteng nakaupo sa sofa habang nanonood ng tv.

Ang pinsan ko namang isa ay nakain.

"Alis na ako." Paalam ko sa dalawa kaya napabaling sila sa'kin.

"Sige umalis kana huwag ka ng bumalik." Sambit ni Zoey.

Sinamaan ko siya ng tingin.

"Baka gusto mong ipatalsik kita dito at papuntahin si se-"

Zoey cut me off. "Stop it, Yimnia. You may now leave."

"Wow, huh?" Nakataas kilay na ani ko.

Ngumisi siya at nagpeace sign para siyang may ari ng bahay na ito.

Tumango ako at nagpaalam na din kay Manang. Pagdating ko kila Aiden.

"Hija, si Aiden ba? Tulog pa gisingin mo muna." Sabi ni Manang.

"Po?"

"Gisingin mo, hija. May ginagawa kasi ako. Hindi naman nakalock ang pinto nun. Hindi siya sanay na nakalock ang pinto ng kwarto niya." Sagot ni Manang.

No choice ako kaya naman tumango na lamang ako. "Sige po."

Umakyat ako sa hagdan papunta sa kwarto ni Aiden nagtanong pa ako sa isang yaya na naglinis ay itinuro niya ang kwarto ni Aiden.

Ang ganda talaga ng bahay nila.

Binuksan ko ang pinto, hindi nga ito nakalock tiningnan ko lahat ng paligid ng kwarto ni Aiden. May mga banda na grupo ang nakadikit sa kwarto niya.

Mahilig siya sa banda.

Napatingin ako sa isang frames siya ang gitna at parehas nasa gilid ang aking pinsan at si, Naomi. Buti pa sila may picture na kasama si Aiden. napatingin ako sa gitara ni Aiden hinaplos ko ito. Pumunta naman ako sa study table niya.

Malinis ito. Hindi ko na binuksan ang notebook niya dahil hindi ko naman gamit iyon.

Hindi nagtagal napatingin na din ako sa mukha ni, Aiden na mahimbing na natutulog. Dahan-dahan akong lumapit sa kanya, umupo ako sa kaniyang kama buti na lamang hindi niya naramdaman.

Hinaplos ko ang kaniyang buhok, napangiti ako. Ang amo ng mukha ng lalakeng mahal ko. Kung hindi ko lamang siya ni-reject baka mga ilang taon siyang mangulit sa'kin. Hindi pa ako handang umamin sa kanya noon pero ngayon hindi na ako natatakot umamin naghahanap lamang ako ng tiyempo.

Trials Of FateWhere stories live. Discover now