CHAPTER-13 INDENIAL 2.0

6.4K 204 11
                                    

AKI

Nandito ako ngayon sa tapat ng malaking gate at malaking mansion ang gara ng bahay ni ma'am pwede ng ipanlaban sa world class.

Hindi ko alam ang gagawin kung pipindotin ba ang doorbell o babalik sa kotse, wala pa akong tulog at kakauwi ko lang galing trabaho, gusto ko man matulog pagka-uwi ay itong si ma'am naman ay panira ng bakasyon ko. Siya na nga itong sobra kung maka-utos sa akin kagabi sa bar siya pa ang may ganang magalit.

Dahil dala na rin ng kaba ay pinindot ko na lang ang kanilang doorbell dahil five minutes na lang mag 10 a.m na at mahirap mabugahan ng malamig na apoy.

"Ikaw po ba si Miss Aki?" nagulat naman ako sa tanong ng guard ng bumukas ang gate.

"Ako nga po" naiilang na sagot ko.

Nilakihan niya naman ang gate at pinasok ako, mas lalo lang ako namangha dahil sa sobrang gara ng kanilang garden, ay si ma'am mahilig sa bulaklak at parang mamahalin pa ang ibang yon sa sobrang ganda. Inilibot ko pa ang paningin ko at nakita ko naman ang kanilang garahe na nakasara.

Sa sobrang yaman niya ay pwede na siya kumuha ng isang dosenang katulong, baka aabutin pa ako ng dalawang araw kaka-ikot sa bahay na to.

"You're here" napaigtad ako dahil sa boses na iyon na nanggagaling sa aking likod.

Humarap naman ako at ganon na lang ang gulat ko ng makita ko ang kanyang mata.

"Anong nangyare jan?" takang tanong ko.

"Tsk nothing"

"Hanggang dito sa mansion mo ma'am galit kapa rin?"

"Who told you that?"

"Ma'am wala tayo sa school nadudugo na ilong ko kaka-english mo"

Bumuntong hininga pa ito bago humikab. "Anong nangyare jan sa mata mo ma'am?" tanong ko ulit.

"Wala"

"Ang pangit mo" wika ko, inis naman itong tumingin sa akin at akmang sisinghalan ako ng tumunog ang kanyang cellphone.

Tinignan niya muna ako ng malamig bago sagutin ang tumatawag sa kanya.

"Hello?"

Tumalikod na lamang ako at agad na inilibot ang paningin ulit sa kabuuan ng kanyang garden.

Bukod pala sa masungit si ma'am ay maalaga rin ito sa halaman. Nasa kanya na ang lahat wala na akong masabi pa, reyna rin siya ng katarayan at malayong-malayo ang ugali niya kay Miss Orquez, buti pa si River ang swerte sa kanyang Professor samantalang itong taong gusto ko ay masiyadong paasa.

"Tapos kana maglibot?" napatingin ako kay Miss Mateo na naglalakad palapit sa akin. Huminto naman ito sa harap ko.

Napalunok pa ako ng ilang beses dahil naka-roba lang ito.

"O-oo"

"Follow me" saad niya at nauna ng maglakad.

Habang naglalakad sa papasok sa kanyang bahay este mansion ay mas lalo lang ako namamangha dahil sa mga malalaking window nito lalo na pagkapasok mo ay may crystal lamp sa ibabaw.

"Ang laki naman ng bahay niyo ma'am pwede na kayo kumuha ng katulong" wika ko sa kanya habang nakasunod lang sa kanyang likod kung saan ay tila ba pupunta iyon sa kusina.

"Of course, stupid" saad nito sa malamig na tinig.

Humikab muna ako dahil pakiramdam ko ay makakatulog ako ano mang-oras

"Ano ba kasi lilinisin ko ma'am, para naman maka-uwi na ako"

"Lahat" napatigil naman ako sa paglalakad at pinoproseso pa sa utak ko ang kanyang sinabi.

SIN AND MISTAKE (GXG)(COMPLETED)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora