By Chance - III

13 3 0
                                    

Kinabukasan, late nagising si Wright dahil magdamag siyang nagdiwang sa nangyari kahapon. First time niya kasing makasaksi na may bumili ng libro niya. Puyat din si Kathylyn dahil inuna niya ang pagbabasa kaysa matulog.

Hindi nila plinano ngunit tadhana na ulit ang gumawa ng paraan para magkasabay sila sa crosswalk. Halos maglaban ang eyebags nila nang magkasalubong ang kanilang mga mata. Walang kumurap. Walang ngumiti. Walang bumawi ng tingin. Bumitaw lang sila sa titigan nang marinig ang dalawang pito mula sa traffic enforcer na sumesenyas na pala ng go para sa sa mga tatawid.

Sabay nilang tinahak ang daan papuntang campus. Parehong sinita ng guard dahil late. Gayunpaman, hindi pa rin sila nag-abalang magpansinan. Mga walang pake.

Pagdating ng lunch time, muli silang nagtagpo sa entrance ng McDid – isang fast food restaurant. Pareho mang gutom wala silang nagawa kundi ang mas habaan ang pasensya laban sa mahabang pila.

Nasa unahang parte si Wright ngunit nang pinapapasok na siya ng security guard, bigla niyang hinila mula si likod si Kathylyn, as he claimed her na kasama niya ito.

"Ba't mo 'yon ginawa?" tanong ni Kathylyn habang nilalandas nila ang counter.

"Don't mention it," tugon naman ni Wright at saka nagsimulang mag-order ng pagkain. Nang makuha ang order, iniwan niya ang pekeng kasama at saka naghanap ng pwesto sa second-floor ng restaurant.

Mayamaya pa'y bigla na lamang may lumapag ng pagkain sa harap niya. "Sinusundan mo ba ako?"

Ngumisi si Wright. "Sorry, Miss, pero ikaw 'tong sumusunod sa akin."

Napatigil si Kathylyn. Umikot ang mata niya at saka naghanap ng bakanteng table para lumipat. Una niyang nilipat ang kaniyang pagkain sa bakanteng table na halos katabi lang ng table ni Wright. Sunod niya namang hinakot ang bag at ang mga libro niya, nang biglang mahulog ang librong kabibili niya lang kahapon sa bookstore.

Pinulot iyon ni Wright na agad namang inagaw ni Kathylyn.

Pasekretong napangisi si Wright at napakibit-balikat sunod.

Hindi na nila inintindi pa ang isa't-isa.

Nang matapos kumain, naisipan ni Wright na tumambay muna ng ilang minuto para magpalipas oras, tutal wala rin naman silang klase sa hapon. Sa kabilang banda, napagdesisyunan din ni Kathylyn na ipagpatuloy ang pagbabasa ng pabulang pinagpuyatan niya kagabi.

Hanggang sa hindi ni Wright napigilan ang sarili na tapunan ng tingin ang babaeng ngayon ay nakangiti habang tutok sa pagbabasa ng libro niya. Namalayan niya na lamang na naglalakad na siya papunta sa harap ni Kathylyn. Walang paalam siyang umupo sa harap ng babae atsaka maingat na hinablot ang libro dito. "Anong meron sa pabulang 'to?"

"Animals, duh?"

Muling naglaban ang tingin nila.

Unang umiwas ng tingin si Kathylyn. "Fine. It's about the left-out cat. Catherine name niya. Sa dinami-dami ng alaga sa farm, siya lang ang nag-iisang pusa. She was trying to fit in with the circle of dogs, which she thought were her friends, pero hindi. They're bullies, and they love bullying Catherine. Hanggang sa may dumating na bagong aso sa farm, and this new dog named Gerald told her that he wanted to be her friend. Sumaya si Catherine kasi finally may gusto nang makipagkaibigan sa kaniya. Ramdam niya naman na sincere si Gerald kaya naman ibinigay niya ang tiwala niya. They were happy at first pero biglang may nagbago." Biglang pumiyok ang boses ni Kathylyn dahilan para tubuan ng pag-aalala si Wright.

"He ghosted her. Dumating na lang 'yong araw na nakita ni Cat na sa iba na masaya si Gerald." Humugot siya nang malalim na hininga. "Nasa confrontation part na ako ng story, at nakakatawa talaga 'tong parte kasi nagkamali si Catherine sa pag-confront. She thought it was Gerald, pero kamukha lang pala ni Gerald, at hindi talaga 'yon si Gerald. She just confronted another cat na mukhang aso, ewan din sa author nito ang lakas ng sapak at imagination." Natawa si Kathylyn na ikinangiti naman ni Wright.

Ngunit nawala rin agad ang ngiti ni Wright nang mapansing nagiging iyak na ang tawa ng babaeng kaharap.

By Chance & By Any Chance? [COMPLETED]Where stories live. Discover now