By Chance - II

17 3 1
                                    

Napabuga siya ng hangin sabay tawa. "Bwisit na tadhana 'to." Umikot ang mata niya at hinarap ang lalaki. "Ikaw na gago ka, bakit hindi mo hinintay na mahinog feelings ko? Ano na?!"

Wala siyang nakuhang tugon mula sa lalaking kinakausap.

"Hindi ko maintindihan eh, bakit pumasok-pasok ka pa sa mundo ko kung lilipat ka lang naman pala ng ibang mundo?" Sa sandaling iyon, 'di niya na pinigilan ang pagpatak ng luha mula sa kaliwa niyang mata.

Napansin niya ang pag-angat ng ulo ni George. Nanatili itong walang kibo.

"Gusto mo akong kausapin? Ano ngayon? Napipi ka na ba?"

Mukhang naumay na sa ingay niya ang lalaki kaya naman sinalubong na nito ang mata niya. "I-I'm sorry, Miss?"

"Ay gagi!" 'Gayon na lamang ang hiyang yumakap sa buo niyang pagkatao nang mapagtantong maling tao ang pinagmumura niya kanina pa. Nagkamali siya. Pareho nga ang hairstyle at aura ni George at ng lalaking kaharap niya ngayon ngunit malinaw na mas maganda ang singkit nitong mata kumpara sa George na 'yon na may matang tulad sa tarsier.

Walang pagdadalawang isip na nag-ala-Naruto siya sa pagtakbo para suungin ang malakas na ulan at mababaw na baha.

"Hey! You left something," pigil nito sa kaniya.

Hindi na siya lumingon dahil para sa kaniya, wala na siyang mukhang maihaharap pa sa estrangherong iyon.

SAMANTALA, hindi nakatulog sa pag-iisip si Wright – ang lalaking naiwan sa waiting shed kasama ang selpon ng babaeng mukhang may malaking galit sa kaniya. Ito kasi ang unang beses na nakausap niya ang babaeng madalas niyang nakakasalubong sa tuwing dadaan siya sa hallway malapit sa CR.

Wala naman siyang problema maliban na lamang nang dumating ang araw na bigla silang magkabanggaan. Hindi niya alam kung bakit pagkatapos niyang pulutin ang ballpen niya, bigla na lamang siyang nagkaroon ng matinding inspirasyon na magsulat ng kwentong patungkol sa pag-ibig.

Inaamin niyang matagal na niyang tinalikuran ang pagsusulat pero dahil sa hindi magkamayaw ang kaniyang imahinasyon, hindi niya pa rin napipigilan ang sariling magtala sa kaniyang pocket notebook ng mga ideyang pumapasok sa isipan niya.

KINABUKASAN, habang nakaupo sa magkaharap na couch sa library, nagkasalubong ang kanilang mga mata hanggang sa nauwi na nga sa titigan.

Si Wright ang unang umiwas ng tingin para kunin sa sariling bag ang selpon ni Kathylyn nang maisauli ito.

Wala siyang natanggap na thank you o kaya naman ay sorry galing kay Kathylyn, at walang kaso 'yong dahil di rin naman siya umaasa.

Ang galing, parehong deadma sa nangyari kagabi. Kinalimutan na agad?

Nang araw ding 'yon lamang nila napagtantong magkaklase pala sila sa English subject nang sabay silang ma-late sa klase. Sakto pa namang may pa-surprise quiz ang kanilang subject teacher, tuloy pareho silang nagmadaling umupo sa dalawang bakanteng upuang natitira sa likuran.

Walang nagawa si Kathylyn kundi tanggapin papel na inabot ni Wright. Hindi siya nag-thank you pa, kusa rin naman kasing binigay ni Wright, hindi niya naman hiningi.

Walang bagong nangyari. Normal na araw lang ang araw na 'yon kay Kathylyn at Wright. Pumasok sila at umuwi, and the little new things that have happened – sulyapan at titigan moments, seatmate hours, and the likes, were not considered special to them. As in, parang nagging patalastas lang sa student life nila.

Every moment they spent together as classmates was treated like a television commercial, until one afternoon when they happened to go to the same bookstore. Without any warning, Wright's world has been shaken. Sa dinami-dami kasi ng libro sa shelf, magkaparehong libro pa ang inabot ng kamay nila. Wright was left in shock nang 'di magparaya at inagaw pa nga ni Kathylyn sa kaniya ang libro.

Well, for Kathylyn, 'pag gusto niya ang isang bagay handa talaga siyang angkinin iyon kahit may nauna pa sa kaniya.

Wright was still speechless. Oo tahimik talaga siya, pero iba ang sitwasyon ngayon dahil ang librong inagaw sa kaniya ni Kathylyn, 'yon ang unang librong na-self publish niya. It is a novel in which he used animals, specifically cats and dogs, to carry out the story and its lessons.

Bakit naman makikipag-agawan ang isang grown-up woman ng isang librong pambata – ang tanging tanong na bumubulabog sa isipan niya.

By Chance & By Any Chance? [COMPLETED]Where stories live. Discover now