By Chance - I

26 3 1
                                    

Madilim na sa labas. Tanging sa ilaw na lamang ng poste si Kath umaasa ng gabay sa paglalakad.

Isang pilit na tawa kasabay ng malalim na buntong hininga ang lumbas sa bibig niya. Sa isip-isip niya'y sana online class na lang ulit, mas lalo kasi siyang na-drain nang magsimula na ang limited face-to-face classes.

Kasi naman, sinong 'di mauumay? Math subject, ginawang last period sa hapon?

Sinong 'di malulutang?

Sinong 'di ma-t-trigger ang migraine?

Sumigaw, ngayong gabi! Hallelujah!

Pero ang pinakamasaklap na tanong sa lahat, bakit sa dinami-dami ng pwedeng maging seatmate, bakit si ano pa? Worth it bang sabihin ang pangalan ng gagong 'yon?

Grrrrr!

Mahigpit siyang napakapit sa shoulder straps ng backpack na suot habang inaalala ang mga kahapon nila. Maayos naman kasi last year. Kahit pa hirap mag-adjust sa una dahil online learning, na-survive naman dahil hawak ni Kath ang oras niya. Lalo pa pagdating sa attendance, kayang-kaya niyang magkunwaring present kahit na ang totoo'y tulog pa talaga siya.

Mag-a-alarm lang siya ng alas-otso sa umaga. Papasok sa google meet ng half-past eight tapos tutulugan niya ulit. Gano'n ka basic. Kaso may umepal. May biglang umeksena sa buhay niyang sobrang okay na.

Nag-vibrate ang phone niya.

George Makapalmukha wants to send you a message.

"Hi, Kathylyn!" basa niya sa message request ng isang unfamiliar fb user.

"Hello?" reply niya naman.

"Nasa court ang buong team. May game kami ngayon."

"Pake ko?"

"Ako nga pala si Player 08, magiging player ng buhay mo," walang connect na tugon nito.

Hindi 'yon pick-up line, banta 'yon! Playboy talaga 'yan – babala ng utak niya sa kaniyang puso kaya naman minabuti niya na lang na hindi na lamang iyon pansinin. Ngunit kahit panay ignore na ang ginagawa niya, hindi niya pa rin maiwasang i-seen ang bawat kumain ka na, good morning, good evening, at good night nito sa kaniya.

Ilang buwan pa ang nakalipas at gano'n pa rin. Wala pa ring sawa sa pag-c-chat si George.

Hanggang sa 'di niya na mapigilan ang sariling mag-reply. "Ano bang kailangan mo? Just make it to the point."

Halos limang minuto siyang naghintay sa reply ng lalaki. Akala niya nga'y siya naman ang i-s-seen zone nito.

Nag-vibrate ang phone niya. "Kaibigan. Gusto kita maging kaibigan, Kath."

Sumilip ang munting ngiti sa labi niya nang mabasa ang reply ni George. Noon kasi siya palagi ang naghahanap ng kasama. Siya 'yong tipong tutupiin ang sarili para lang maipagkasya ang sarili sa circle of friends na gusto niyang sabayan.

Maraming beses na siyang isinuka ng mga akala niyang kaibigan, kaya naman sobra talaga siyang natuwa dahil ito ang unang beses na may gustong kumaibigan sa kaniya.

Nagtuloy-tuloy pa ng ilang buwan ang kanilang usapan hanggang sa mas naging close pa nga sila...hanggang sa nagpapalitan na sila ng mga problema sa buhay...hanggang sa may nahahalata na siya...

"May gusto ka ba sa akin?"

Wala pang sampung segundo nang makuha niya ang reply ni George. "Noon pa. Ikaw ba?"

Napakagat ng labi si Kath at pinakiramdaman ang sarili. "May nararamdaman ako, pero hilaw pa."

'Yon ang pinakahuling mensahe sa chat box nila hanggang sa tuluyan na ngang natabunan ang chat head ni George nang mga gc para sa mga subjects nila sa school.

Ang hindi alam ni Kath, madudurog siya sa malalaman pakalipas ng isang linggo. Balik face-to-face classes na pero imbes na matuwa, 'di niya sukat akalain na malulunod pala siya sa mga paano at bakit niya.

Madalas nagpapalitan sila ng tingin sa gitna ng klase ngunit hindi si Kath ang tipo ng babaeng ipapakita na apektado siya. Sa tuwing magtatagpo ang tingin nila, hindi si Kath ang unang iiwas ng tingin, siya pa nga itong hahalukipkip at magtataas ng isang kilay.

Marunong din siyang magbingi-bingihan kapag tinatawag siya ni George. Ngunit sadyang makapal ang isang 'to, ayaw siyang tigilan. "Kath. I'm sorry. Usap tayo?" message nito sa kaniya.

Blinock niya ang lalaki. Wala, self-care tawag do'n.

Ngunit kinabukasan, hindi niya inaasahang haharangin pala siya nito sa hallway.

"Kathylyn, 'wag mo naman akong iwasan."

Sinalubong niya ang nagsusumamong tingin ng lalaki. "Sino ba unang umiwas? Sino bang hindi nag-reply? Ako ba?"

Napayuko si George. "I'm sorry. Ang sakit mo naman kasing mang-reject."

Natawa siya sabay buga ng hangin. "Ang sabihin mo, hindi ka marunong maghintay."

Natahimik si George at nanatiling tikom ang bibig.

"Oh siya. Good luck sa inyo ni Gwyn. Karmahin ka sana," huling sumpa niya bago iwan ito.

Nanghihina ang tuhod na tinungo niya ang CR ng mga babae. Sa kaniyang daan ay may iilan pa siyang nabangga dahil sa panlalabo ng kaniyang mata dulot ng luhang nangingilid na.

Hindi niya sinasadya pero hindi na siya nakahingi pa ng paumanhin sa taong nagsihulugan ang dalang notebook at ballpen. Aminadong kasalanan niya kung bakit iyon nabitawan ng lalaki ngunit nagpapasalamat siya dahil hindi man lamang ito nag-abala pang magreklamo o sigawan siya.

Nabalik siya sa sarili nang bumuhos ang malakas na ulan.

Bakit ngayon pa?

Ngayong wala siyang dalang payong?

Ngayong puti pa naman ang sapatos na suot niya?

Halos ma-slide pa siya sa sementong dinadaanan dulot nang pagmamadali para lamang makasilong sa malapit na waiting shed.

Pero gayo'n na lamang ang panlalaki ng mata niya nang makita kung sino ang taong nakatambay doon.

By Chance & By Any Chance? [COMPLETED]Where stories live. Discover now