Pumasok ako sa walk in closet at doon nagbihis, inayos ko rin ang buhok ko dahil magulo na.

Paglabas ko ay nasa kama si Zarden, nakahiga, ang mga kamay ay nasa tiyan at nakatingala sa kisame.

Tumikhim ako kaya napabangon siya, ilang segundo lang ay bigla siyang humiga ulit at gumulong sa kama.

Napalaki ang mata ko sa ginagawa niya.

Ang weird niya!

"Zarden okay ka lang?" I ask worriedly, tsaka ko siya nilapitan.

Tumingin siya sa akin at tinakpan bigla ang mukha ng unan.

Anyare?????

"Zarden??" I ask again.

"Bakit ba kasi ang ganda mo.. tangina, natutunaw ako.." he mumbled.

Napakagat labi ako sa sinabi niya, huminga ng malalim tsaka sinapak ang balikat niya.

"Halikana! Naghihintay na sila sa atin sa baba!" Pag-iiba ko ng usapan.

I was about to turned my back to him when he hold my wrist at nakatabon pa rin ang ulo niya sa unan.
Hindi ako makagalaw at bigla-bigla nalang lumakas ang tibok ng puso ko.

Hinay hinay siyang umupo at ngayo'y kaharap na ako pero hawak-hawak parin ang pulsuhan ko.

Nakatayo ako habang siya ay nakaupo't nakatingala sa akin.

Gamit ang isa niyang kamay, nilagay niya ito sa bewang ko at tsaka tumayo. Wala pang dalawang segundo ay magkadikit na ang mga katawan namin.. he's hugging me. I can smell the scents coming from him.

Heto ako't tulala.. naririnig ang malakas na kalabog ng puso niya.

"I never felt this before to someone.. only to you." Ani ng malalim niyang boses. Mas hinigpitan niya ang yakap ko at hindi ko pala akalain na nakayakap na rin ako sa kaniya.

Binaon niya ang ulo niya sa balikat ko.

"Kung hindi mo man kayang angatan ang nararamdaman sa akin hindi kita pipilitin pero 'wag ka sanang umalis sa buhay ko. Hindi ko kaya."

Nangatog ang tuhod ko't nanginig ang labi. Lahat ginawa ko para hindi maiyak. Wag dito.. wag sa harap ni Zarden.

Sabi ko na nga ba.. ang hirap na.

Paano na? Ayaw niya akong mawala sa buhay niya, at ayokong masaktan si Zarden pero alam kong hindi na ako magtatagal.

Bakit ba kasi ganoon? Ang tahimik na paglisan ay pinagkaitan din sa akin.

Masama ba'ko? Anong nagawa ko? Bakit pati iyon ay pinagkaitan ako?

Zarden sorry..

I sniff and let go from hugging him.

"Halikana.." kinalabit ko siya sa braso at sabay kaming lumabas.

I'm sorry Zarden, but it was too vague to happen.

3 days later..

Namimilipit sa sakit, hawak-hawak ang dibdib ko't pilit na kinukuha ang sakit pero walang epekto. Ubo ako nang ubo pero walang lumalabas, ang tigas ng ubo ko at sa bawat ubo ay napangiwi ako sa sakit. Nanginginig ang buong katawan ko't maginaw.

Halos matumba akong pumasok ng cr at doon dinama ang pait.

Nakasandal ako sa pader ng cr at naluluha ang mata, dahil sa sakit ng pag ubo at sa luha.

Taas-baba ang balikat ko dahil nahihirapan akong huminga.

"Lola.." humagulhol ako.
"Hindi ko na kaya.."

Taste of Friendshipحيث تعيش القصص. اكتشف الآن