CHAPTER 2

129 12 0
                                    

NAJA'S POINT OF VIEW

Kasama ko lang naman si Avabella, sabi ko sa kaniya maglakad nalang kami papuntang university, kasi hindi naman kalayuan. 

"Tapos nahulog siya sa kanal, nakabukas pa talaga ang bibig niya dahil sumisigaw, kaya ayun nainom niya iyong sa kanal!" tawang -tawa ako sa mga kwento niya. Siya na rin nauutal kakakwento kasi natatawa rin.

May bumusina na sasakyan sa likuran namin kaya agad akong napalingon at nahinto ang kwentuhan namin.

Huminto kami at huminto rin ito sa harap namin.

Bumukas ang bintana. Uy si Gael!

"Good morning, Naj. Sakay ka na!" 

"Good morning din, Gael!"

Hinawakan ko ang kamay ni Avabella.

"Halika---" pero pinutulan niya ako ng sasabihin.

"Hindi ako kasama, ikaw lang sinabihan." 

"Huh? Kasama ka kaya! Diba Gael?" Sabay lingon ko ni Gael na nailang.

"A-Ah oo.." sagot niya.

"Kita mo? Sabi ko sayo! Sakay na!" Pinauna ko siyang makasakay tapos ako.

"Oo nga pala.. asan si Flynn?" Tanong ko ni Gael.

"May lakad daw sila ng parents niya."

Nag 'ahh' nalang ako.

Narating narin namin ang university. Hinintay kong lumabas si Avabella at Gael. Nauna kasi akong lumabas. Paglabas ni Avabella ay bigla siyang naglakad paalis.

"Wuy teka! Sabay na tayo!" Pigil ko.

"Ah mauuna na ako, Naja."

"Ah gano'n ba?"

"Avabella ang panyo mo, naiwan sa loob." Sabay abot ni Gael ng panyo.

Kinuha ito ni Avabella at tumango tsaka umalis. Hindi ko na siya napigilan dahil nakalayo na.

Binalik ko ang tingin ni Gael at umiwas siya ng tingin.

Paano niya nalaman ang pangalang Avabella?  Baka magkakilala sila?  Pero bakit nag-ilangan?

Napakurap ako nang magsalita si Gael.

"Oh damn, I forgot.." he mumbled.

"Ang alin?" I asked, hoping I can help.

"We have project making today. I forgot to buy the materials." 

"Anong gagawin natin?"

"No. Ako lang."

"Paano ka?"

"Don't worry. Uhm.." he roamed his eyes. "Bibili nalang ako sa malapit na store rito."

Tumango-tango ako. Gusto ko sana siyang samahan pero sabi niya nakakaabala raw, pero kung ako ang tatanungin, hindi naman. Pero namilit siyang 'wag na akong sumama. Kaya mag-isa akong pumasok sa University.

I was about to take the stairs when somebody shouted my name. My whole name, in a threatening voice.

Matulis ang tingin namin sa isa't isa nitong William.

I gulped before I faced him.

Mag-isa lang siya, hindi niya kasama ang mga malabodyguards niya.

"Oh! Nagkita tayo ulit!" Aniya sa mapang asar na boses.

"Oo, nice meeting you again!" Sagot ko sa enerhiyang binigay niya rin.

He slowly shook his head and bend down his head a little.

Taste of Friendshipजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें