4

92 12 0
                                    

Kasamang kumakain sa cafeteria sina Naja at Flynn pero hindi pa rin naglalaho si isipan ni Naja ang nangyari nina Avabella at Gael, hindi niya alam ang kaganapan pero sa tingin niya ay may hindi ito pagkakaintindihan noon.

Napatanong si Naja kay Flynn dahil magkaklase naman sila ni Gael, "Flynn, close kayo ni Gael?"

Napahinto sa pagkain si Flynn at umiling habang ngumunguya ng sandwich sa bibig, napangiti naman si Naja sa chubby cheeks ng kaharap niya.

"Bakit mo natanong?"

Kumain na rin si Naja sa inorder niyang pagkain, "Wala naman."

Sumapit ang hapon ay hindi niya nahagilap ang presensiya nina Avabella at Gael, higit sa lahat ayaw niyang patagalin ang awayan ng dalawa, hindi niya man alam ang dahilan ay ayaw niya pa ring nakikitang ganoon ang dalawa lalo pa at.. kaibigan na ang turing ni Naja sa kanila.

Mag-isang naglalakad pauwi si Naja, hindi gaya kahapon na kasama pa niya si Avabella. Sasakay na sana si Naja sa bus nang maalala niyang may project pala sila at kailangan niyang bumili ng materials kaya't kaagad siyang tumakbo papunta sa pinakamalapit na mall.

Dahil sa kakaisip kina Avabella at Gael ay muntikan na niyang makalimutan ang pangangailangan sa paaralan. Nang makabili na si siya ay lumabas na rin siya at medyo makulimlim na ang kalangitan dahil mag-a-alas sais na. Dumaan si Naja sa alam niyang shortcut para mapadali ang pagdating niya sa bus stop.

Habang naglalakad sa tahimik at masikip na daan ay hindi niya inaasahang makarinig ng mga tunog na parang.. may binubugbog. Babalewalain sana ni Naja kung ano iyon pero siya iyong tipong gustong makiusisa at alamin ang kuryosidad niya.

Pasikreto siyang sumilip sa maliit na butas at hinanap ang naririnig niyang pagsuntok.

"Ugh.."

Napalaki ang mata ni Naja nang tama nga siya, isang lalake ang nakahandusay, duguan ang mukha dahil sa pagsuntok, sunod na tiningnan ni Naja ay ang sumusuntok. Hindi niya ito mamukhaan dahil maliit lamang ang butas pero nang tumigil ang pagsuntok at tumayo na ang nanununtok ay doon, kitang-kita na ni Naja kung sino iyon.

Napatakip siya ng bibig at nagtaasan ang mga balahibo niya nang mamukhaan kung sino iyon, hindi siya nagkakamali. Kilalang-kilala niya kung sino iyon.

"M-Mr. Damwell..?" Hindi makapaniwalang bulong niya sa kaniyang sarili.

Ang nakita niya ay walang iba kun'di si Zarden. Duguan ang kamay at may sugat pa ito sa mukha. Kaagad na napaatras si Naja nang lumingon sa direksyon niya si Zarden, bago pa man may makakita sa kaniya ay kaagad siyang tumakbo palayo sa lugar na iyon.

Panibagong araw ang sumapit ay hindi pa rin nawala sa isip ni Naja ang mga nakita niya. Hindi siya makapaniwalang magagawa iyon ni Zarden.

Habang naglalakad papasok sa campus ay nahagilap ni Naja si Avabella na naglalakad mag-isa, may bitbit itong isang kahon at tila nahihirapan. Walang pagdadalawang-isip na lumapit si Naja para tulungan si Avabella.

Saglit na nagulat si Avabella nang makita si Naja.

"Tulungan na kita, Avabella," akmang kukunin sana ni Naja ang kahon nang umatras si Avabella.

"A-Ah, no.. thank you. Kaya ko naman." Nauutal na sagot ni Avabella bago maglakad muli.

Nakangiting tumango-tango si Naja, imbes, sinabayan niya ito sa paglalakad. "Samahan nalang kita kung saan mo 'yan dadalhin."

"'Wag na, baka ma-late ka sa klase." Pagrarason ni Avabella.

Tumingin sa relo si Naja at may thirty minutes pa naman bago magsimula ang klase. "Matagal pa naman, samahan na kita!"

Taste of Friendship [ON GOING]Where stories live. Discover now