6

78 11 0
                                    

Sa harap ng salamin ay bumuntong hininga si Naja Blair bago lumabas ng comfort room at sisimulan na ang plano niya. 

Katatapos lamang ng klase at uwian na, maghihintay na lamang siya sa lugar kung saan magtatagpo ang dalawa. 

Ilang minuto na paghihintay doon ni Naja ay nakarinig siya ng pagbukas ng pinto sa kabilang kwarto, maya-maya lang din ay may isa na namang dumating. Lumabas doon si Naja at pasikretong ni-lock ang pinto gamit ang hinanda niyang upuan at muli siyang bumalik sa tinataguan niya.

Tinapat niya ang kaniyang telepono sa tainga, gamit ang hindi na ginagamit na keypad ni Naja na iniwan niya sa kabilang kwarto ay naka-connect ito sa touch screen niya, tinawagan niya ito kanina lang at hinayaang naka-on. 

Sa kabilang banda, naghahanap ng GenMath Book si Avabella dahil inutusan daw siya ng sub teacher niya na kumuha ng three copies ng libro. 

"Saan na ba 'yun..?" Maingat na hinahalughog ni Avabella ang mga lalagyan ng libro. Napahinto siya sa paghahanap nang bumukas ang pinto, higit sa lahat ay kilala niya kung sino iyon. 

Ang kapapasok lamang na si Gael ay nagulat din nang makita si Avabella.

Saglit na nagkatitigan ang dalawa pero kaagad na nag-iwas ng tingin si Avabella.

Lumapit doon si Gael dahil pati rin siya ay inutusan na kumuha ng isang copy ng libro sa pananaliksik. 

Naiilang na naghanap ang dalawa sa iisang bookshelf. Sabay din silangna napabuntong hininga nang halos halughugin na nila ang bookshelf pero walang ni isang copy sa hinahanap nilang libro.

Natatakot man si Gael sa magiging reaksyon ni Avabella sa itatanong niya ay naglakas loob pa rin siya. 

"A-Ano nga palang libro ang pinapahanap sa 'yo?" 

Hindi makatingin si Avabella kay Gael at umaastang naghahanap pa rin ito. "GenMath." she briefly answered.

"GenMath..?" Napaisip si Gael at may naalala, "Ang alam ko.. nasa 3rd floor ang copies ng mga GenMath Books." 

Natigilan si Avabella at muling chineck ang papel na binigay sa kaniya ng isang kaklase niya, "P-Pero.. 2nd floor ang nakalagay dito. Ikaw, anong libro hinahanap mo?" 

"Pananaliksik, wala rito eh." 

Kunot noong tumingin si Avabella kay Gael, "Hindi mo ba alam? Last month tinapon na lahat ng libro sa pananaliksik dahil may ipapalit na bago." Ani Avabella.

Natigilan si Gael at napagtanto niyang tama si Avabella pero base sa papel na hawak din niya ay pananaliksik na libro ang pinapahanap.

"Hay nako.." bulong na reklamo ni Avabella at siyang naglakad papunta sa pintuan para lumabas na pero pagpihit niya sa doorknob ay hindi ito mabuksan, muli niya itong pinihit pero ayaw talaga. 

"Anong nangyari?" Nag-aalalang lumapit si Gael na si Avabella namang umatras at hinayaang si Gael naman ang magbukas pero ganoon din, hindi ito mabuksan. 

Lumapit si Avabella sa mga bintana at nagbabakasakaling mabuksan din ito pero hindi talaga dahil intensyon talaga itong hindi buksan dahil ang room na iyon ay isang stockroom sa mga libro. 

"Kainis!" Padabog na sumandal si Avabella sa pader at pinagkrus ang mga kamay habang si Gael ay buntong hininga na tumigil sa pagpihit sa pinto. 

"We're trap." 


Habang si Naja sa kabila ay magkadikit ang mga kamay, pasikretong nanghihingi ng tawad sa kanilang dalawa dahil sa ginawa niya, siya rin ang nagplano na inutusan daw sila ng guro na kumuha ng libro, at kaya rin pinili niya ang room na iyon ay dahil hindi nabubuksan ang bintana at higit sa lahat, wala masyadong dumadaan na mga estudyante at sira rin ang CCTV. 

Taste of Friendship [ON GOING]Where stories live. Discover now