7

69 11 1
                                    

Nakamukmok sa gilid ng pader si Naja, habang patuloy na bumubulong sa sarili kung bakit ito nangyari sa kaniya, sa tingin niya kasi ay kinarma siya sa ginawa niya, pero mas masahol ang sa kaniya dahil literal na na-lock ng key holder sa building na iyon ang pinto dahil alas sais na ng gabi. 

"Are you praying?" Sa hindi kalayuan ay nakaupo sa sahig na nakasandal si Zarden, nakabaling ang tingin kay Naja dahil napansin niyang patuloy ito sa pagbubulong. 

"A-Ah, wala." Binaling ni Naja ang katawan niya sa kabilang direksyon kung saan hindi niya matatagpo ang tingin ni Zarden. 

"Bakit ba sa dinami-raming tao na pwede kong makasama sa loob ng kwarto ay siya pa.." mangiyak-ngiyak na inangat ni Naja ang lowbat niyang phone, naka-power off na ito.

"Sana hinintay kong magfull charge ito kaninang umaga.." Walang lakas na saad ni Naja at muling nilagay sa bulsa ang phone. 

"Do you think we can get through there?" 

Napaatras sa gulat si Naja pero pader na ang likod niya kaya tumama ang ulo niya sa pader. "Aray.." napahawak siya sa ulo dahil sa sakit. 

"Wait, I didn't do anything." Taas kamay na sabi ni Zarden. 

"Anong wala! Ginulat mo 'ko!" Sabay himas ni Naja sa ulo niya.

"You didn't heard my footsteps earlier?" Tumayo sa pagkakaluhod si Zarden. 

"Sa tingin mo magugulat ako kung narinig ko?" Sarkastikong sagot ni Naja, tumayo na rin siya at pinagpag ang suot na saya. 

"Anong sabi mo kanina?" Pag-iiba ni Naja sa usapan. 

"Maybe we can escape through the window." Tinuro ni Zarden ang bintana na maaabot lamang. 

Binuksan nila iyon at pagtingin nila sa ilalim ay napagtanto nila na may kataasan pala iyon. 

"Or maybe, we will spend the night here." 

"HINDI!" sigaw ni Naja. "Hindi pwedeng manatili ako rito hanggang mag-umaga." 

Pinagkrus ni Zarden ang mga braso niya at sumandal sa may bintana, "Are you scared to spend the night with me?" sarkastikong tanong ni Zarden. 

Umasta si Naja na naluluwal, "Tss, tumigil ka sa mga hula-hula mong wala namang katotohanan."

Naglakad ito palayo sa bintana at nilibot ang buong tingin sa stock room. "Tulungan mo nalang ako maghanap ng tela, o kahit na ano basta pwedeng itali at gawin nitong tila lubid para makababa." 

"You mean, this?" 

Tumingin si Naja kay Zarden na may hawak na tela, hindi lamang ito basta tela, ito ay ang philippine flag. "'Wag 'yan hoy!" 

"Yeah, I was just kidding." Natatawang binalik ni Zarden watawat.

"Huli ka!" Galak na inangat ni Naja ang isang kahon na tela, inaalikabok na ito dahil sa tagal ng pagkatago. 

Tinali-tali ito ni Zarden hanggang sa makabuo sila ng mataas at matibay na tela, tinali ito ni Zarden sa bintana at hinulog ito, saktong-sakto ay naaabot nito ang lupa. 

"Ako na mauuna." Suhestiyon ni Zarden. 

"Mag-ingat ka." 

Ngumiti si Zarden kay Naja, "So, you cared for me, hm?" 

"Pinagsasabi mo? Ang sa akin lang ay kapag nabalian ka riyan ng buto, sino ang tatawagan natin ng tulong? Lowbat ako at tsaka malayo pa ang entrance kung saan naka-standby ang guard so bubuhatin kita? Asa ka!" 

Taste of Friendship [ON GOING]Where stories live. Discover now