ZBS2#7

246 26 0
                                    

Lucas

It's been a month since that incident happened between me and Addison. Kahit sinabi ni Addison na kalimutan na lang namin ang nangyari pero hindi ko pa rin magawa dahil siguro sa guilt na nararamdaman ko. I should be behind the bars right now to pay for my sin.

Kaya naman nandito ako ngayon sa labas ng school at inaabangan ang paglabas nito. Gusto ko lamang kamustahin ito at makausap sobra kasi yung guilt na nararamdaman ko sa nagawa ko kay Addison. Pansin ko naman ang ilang mga estudayante na napapahinto at napapatingin sa akin. 

Ilang sandali pa ay natanawan ko na nga ang paglabas ni Addison kaya naman wala na kong sinayang pang oras at agad ko na itong nilapitan.

"Addison," tawag ko sa pangalan nito.

Gulat naman itong napatingin sa akin nang makita ako. Hindi talaga nito inaasahan na susulpot pa rin ako sa buhay nito matapos ang nangyari sa pagitan namin.

"Addy, tinawag niya ang pangalan mo," ani ng kasama nitong babae.

"Addy, ikaw ba ang kinakausap niya?" ani rin ng kasama nitong lalaki.

"Obvious ba? tinawag nga yung pangalan niya," ani pa rin ng kasama nitong babae sa lalaki.

"Kuya Lucas! Ikaw pala!" awkward na tawa nito. "Ah, Carla, Oliver this is kuya Lucas boyfriend ng ate Freya ko. A-Andito siya para... para sunduin ako, kasi ano... nagpapatulong siya sa aking i-surprise si ate," katwiran nito.

"Akala ko ba magpapahinga ka," saad ng kasama nitong lalaki.

"A-Ano kasi secret ito kaya di puwede ipagsabi," saad ni Addison

"Ang sweet at yummy este ang gwapo naman nang boyfriend ng ate mo Addy, pakilala mo naman ako," ani ng kasama nitong babae.

"Ahm, kuya Lucas mga kaibigan ko nga pala si Carla at Oliver," pakilala nito sa akin sa kanyang mga kaibigan.

"Hello po, nice meeting you po," nakangiting saad naman ng kaibigan nitong si Carla.

"Nice meeting you too," nakangiting tugon ko rin naman.

Samantalang tanging tango lang ang naging pagbati ng kaibigan nitong si Oliver sa akin.

"C-Carla, Oliver, sige una na kami. Bukas na lang love you, Guys!" mabilis nitong hinalikan sa pisngi ang kaibigang babae saka ako nito hinila papunta sa kotse ko.

Ang totoo alam kong hindi magandang ideya ang pumunta sa school nito lalo na't hindi naman kami malapit sa isa't-isa.

"K-Kuya Lucas ano pong ginagawa mo dito," tanong nito.

"I just want to talk to you," ani ko.

"Kuya Lucas hindi ka na po dapat nagpunta dito wala naman po tayong dapat pag - usapan pa, tapos na 'yun" ani pa nito.

"But, hindi kasi ako matahimik, after of what happened to the both of us I just want to ask if your really okay," giit ko pa.

"Wala ka pong dapat ipag-alala kuya Lucas okay na okay po ako kinakalimutan ko na yung nangyari sana ganun ka din," tugon nito.

"Are you sure?" tanong ko pa.

"Opo, kuya Lucas, ang dapat mong binibigyan ng atensiyon ay yung sa inyo ni ate Freya" ani nito.

"Wala na kaming relasyon ng ate Freya mo," tugon ko.

"P-Pero bakit? wala akong alam sa pakikipagrelasyon pero alam kong mahal ka ni ate."

Hindi ko naman mapigilang pagak na matawa sa sinabi nito.

'Ako mahal ni Freya, hindi siya manlalaki kung mahal niya ko bakit ba hindi siya makontento sa akin.'

Napakunot-noo naman itong napatingin sa akin.

"I'm sorry about that but, hindi ako nagpunta dito para pag-usapan natin ang ate mo. Let's just set aside me and your sister Freya."

Napansin ko naman na bahagya itong napahawak sa sentido nito na tila matutumba saka ko lang napansin na tila ito namumutla. Agad ko namang ipinulupot ang braso ko sa bewang nito upang alalayan ito. 

"Shit! Are you okay?" pag-agapay ko rito upang hindi ito matumba.

"O-Oo, Med---."

Hindi na nito naituloy pa ang iba sasabihin nang tuluyan na itong mawalan ng malay sa mga bisig ko kaya naman hindi na ko nag-aksaya nang oras at isinakay ko na ito sa kotse ko papunta sa pinakamalapit na ospital.

**********

Hindi ako mapakali at nag-alala habang hinihintay ang resulta sa findings ng doctor sa kalagayan ni Addison. Tinawagan ko na rin ang parents nito at sinabing na isinugod ko sa ospital si Addison.

"Mr. Zaavedra, maaari na po kayong pumasok sa loob sabi ni Doc," ani ng nurse.

Agad naman akong pumasok sa loob ng opisina ng doctor.

"Are you the guardian of the patient?" tanong ng doctor.

"Yes, Doc," tugon ko. "Ano po ba ang nangyari kay Addison?"

"Mr. Zaavedra, the patient has a low blood pressure and loss consciousness but don't worry, nilapatan na natin siya ng paunang lunas. My advice is the patient should watch his health, lalo na't buntis rin ang pasyente," saad ng doctor na tumingin sa kalagayan ni Addison.

"A-Ano ulit yung sinabi mo doc buntis siya?" hindi makapaniwalang saad ko.

"Yes, he's actually three weeks pregnant. Alam kong mahirap paniwalaan ito pero may kakaibang kondisyon ang pasyente na kung tawagin ay hermaphroditism a condition having both male and female reproductive organs at dahil active ang ovary ng pasyente kaya naman may posibilidad ka talagang mabuntis siya," paliwanag pa nito.

Habang tinatanahak ko ang daan papunta sa room ni Addison ay hindi pa rin mag-sink in sa utak ko ang sinabi ng doctor na buntis si Addison at walang duda na ako ang ama ng bata. Mas lalo tuloy akong na-guilty dahil sa nagawa ko rito.

'Kung ganun nagbunga ang isang gabing 'yun.'

Pagpasok sa private room kung nasaan si Addison ay mayroon na itong malay-tao.

"K-Kuya Lucas," tawag nito sa pangalan ko.

"Maayos na ba ang pakiramdam mo?" malumanay na tanong ko.

"O-Oo, m-mukhang napagod ako kaya nawalan ako ng malay," saad nito.

"Hindi mo na kailangang magsinungaling alam ko na ang totoong kalagayan mo," saad ko.

"A-Ano bang sinabi mo k-kuya Lucas?" tanong nito.

Hindi ko rin naman masisi si Addison kung hindi nito sasabihin na nagbunga pala ang ginawa ko sa kanya.

"Tell me, Is it true that your pregnant?" tanong ko kay Addison

Zaavedra Brother's Series 2: The Lawyer's Baby (BxB)Where stories live. Discover now