1. Ray of Sunshine

884 44 103
                                    

Chapter 1

Sinadya kong magpalipas ng 15 minutes bago ako lumabas ng kotse para na rin pakalmahin ang sarili ko dahil sobrang emotional ako ngayon at para na rin maiwasan yung lalaking tumulong sa akin kanina na mag-park. For sure ay sa parehas na resort kami mag-i-stay. That was obvious dahil nakita kong may bitbit siyang luggage at backpack kanina.

Ngayon lang nag-sink in sa akin yung kahihiyang ginawa ko. How did I let a stranger park my car? At isa pa, nakita niya akong umiiyak kanina! I have never cried in public. Not infront of a stranger, even.

I paused for a second and hopped back inside my car. Ayoko na siyang ma-encounter ulit! Marami pa naman sigurong ibang resorts dito. Lilipat nalang ako. But just as I was about to start my car, na-realize ko na hindi rin pala ako marunong umalis sa pagkaka-parallel park!

"Phoebe, ang tanga mo talaga! Kaya ka siguro iniiwan, e!" napasigaw nalang ako sa kawalan at padabog na lumabas ng kotse dala-dala ang malaking back-pack at cross body bag ko. Nagsuot din ako ng sunglasses para naman maitago kahit papaano ang namumugto ko pang mga mata.

Pagpasok ko sa lobby ay may mga bumati na agad sa akin na staffs. Sinipat ko ng tingin ang paligid at in fairness, maganda ang ambiance dito. Scandinavian style ang interior kaya naman masarap sa mata–

Natigilan ako nang dumapo ang tingin ko sa lalaking nakaupo sa receiving area. Nang magkasalubong ang mga tingin namin ay matic na ngumiti siya. I don't know why he smiles a lot. I mean, yes, he looks like a nice guy naman. Para siyang may vibes na ray of sunshine type of person. Ganoon ang first impression ko sa kanya just by looking at him. Para bang nag-uumapaw yung positivity sa aura niya. Pero hindi na 'yan bago sa akin. Maraming lalaki ang nagpapanggap na nice guy just to get every woman's attention. Who wouldn't want a nice guy nga naman? Pwe. Gasgas na 'yan!

Iniwasan ko nalang siya ng tingin at nagdire-diretso na sa reception area. Nag-book ako ng 1 week stay at pinili ko ang kwarto na facing the beachfront. Mas okay na sigurong mag-stay muna ako dito ng 1 week tapos bahala na kung saan ako susunod na pupunta.

"Ms. Barrera, kindly wait nalang po sa maghahatid sa'yo sa kwarto mo," nakangiting sabi ng receptionist at pagkatapos ay iminuwestra ang direksyon ng receiving area kung saan nakaupo yung lalaki kanina.

"No. Thanks. I'll just wait here..."

I shifted my attention to my phone. As usual, sinilip ko na naman ang WhatsApp at Facebook messenger ko, specifically yung chats namin ni Stephen. Pero gaya kanina ay hindi pa rin siya nag-oonline. He never returned my messages and calls either. Napabuntong-hininga nalang ako. Ano na kayang ginagawa niya sa Japan? Hindi niya ba ako iniisip gaya ng pag-iisip ko sa kanya ngayon?

"Mr. Stephen?"

Napaangat ang tingin ko sa narinig. My heart stopped beating for a second and I froze to my feet upon hearing that very familiar name. Sinundan ko ng tingin yung staff na tumawag sa ng pangalan na 'yon. Tama ba ang pagkakarinig ko? Stephen?

"I'm right here..." ani pamilyar na boses na siyang nilingon ko. It was the same guy who helped me earlier. He walked toward the staff's direction with a smile at pagkatapos ay may kung anong binulong sa staff na siyang nagpakamot sa ulo nito.

Damn. His name is Stephen too?! Kailan ba ako tatantanan ng lecheng pangalan na 'yan?!

***

Wala akong ibang ginawa sa kwarto ko kundi ang magmukmok. Balde-balde na yata ang luhang iniyak ko simula nang dumating ako dito. I have been trying to convince myself na kumalma na muna and give Stephen the benefit of the doubt. Baka naman may problema lang siya na hindi siya kumportableng i-share sa akin kaya naman gusto muna niyang magbakasyon.

The Journey of a Broken Soul [Ongoing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon