"Oh come on don't make me emotional right now.." pinaypayan niya ang mata niya gamit ang dalawang kamay.

Nagpaalam siya na mauuna muna dahil may pipirmahan pa siya. Sumama na ako ni Lorei. Sa gown area niya ako dinala.

"Feel free to pick Miss Naja.."

Hahakbang sana ako pero nilingon ko siya.

"Naja nalang po, miss."

Nagsimula na akong mamili ng mga gown na nakakatunaw ang presyo.

Magiging makapal ang peys mo for today Naja! Hindi ka talaga makakapili kung hindi mo kakapalan 'yan!

Namilog ang mata ko nang makita ang ideal gown na gustong gusto ko, at nasa harap ko na.. I didn't know that the dress I've been dreaming of, the dress I just saw in the internet is now infront of me!

A brocade light blue dress. I caressed my hand on this gown. Ang ganda..

Tumingin ako ni Lorei na nakangiti akong tiningnan.

Dinala naman ako ni Lorei sa sandal area at pinili ko ang simple lang na white sandal, may takong na hindi kataasan. Sa accesories na kami, yung simple na necklace ang pinili ko pero kahit ganoon, nakakabagsak ng panga ang presyo.

Panghuli, dinala ako ni Lorei sa isang room kung saan naroon ang gown na napili ko at lahat nang napili ko.

Tinulungan niya akong suotin ang gown and thanks heaven kasyang kasya.. naks!

Ang saya saya ko0o0o! Pero nakakahiya parin -_-

Akala ko tapos na, 'yon pala may make up pa. Hindi ako mahilig sa make up pero wala akong magagawa, nakaupo na ako ngayon and Lorei started to make over me.

Namilog ang mata ko sa ginawa niya sa buhok ko, bagsak na medyo curly sa ilalim ito at napakalinis, wala kang makikitang nakatayo na buhok. Grabe gusto ko ganito 'yung buhok ko everytime pumapasok ako sa school.

Slight make up lang din ang ginawa niya kaya madali lang natapos, pero ang hindi ko akalain, gabi na pala.

"And.. we're done." Minulat ko ang mata ko na kanina'y nakapikit dahil nilagyan niya ng panghuling powder ang mukha ko kaya napapikit ako.

Pagmulat ko ay halos ilang segundo kong tinitinggan ang aking sarili sa salamin.

Is this really me?

"They are waiting at you outside Naja, they are all done too." napatingin ako ni Lorei.

Waiting? Done?

Ay! Anak ng tinapa! Oo nga pala, hindi lang ako ang sasali sa prom, sila rin 'no! Nagpapafeeling vip ako eh, ikaw talaga Naja!

"Thank you Lorei!" I thanked her before skedaddling the room.

Tama nga, nasa labas na sila.

Nakatalikod sila at nag-uusap pero napansin ako ni Gael kaya ngumiti kaya lumingon naman sila.

Nakakahiya pero napalitan iyon ng pagkamangha nang makita ko ang mga suot nila.

Avabella was wearing a knit light brown gown! Her hair is fluffy that makes her more gorgeous.. is that really Avabella??

Nagyakapan kami nang mahigpit kahit hindi lang naman kami nagkita ng ilang oras.

Kumawala ako at tumingin sa apat na lalake.

Nakangiti si Gael at nagthumbs up. Natawa ako sa reaksyon niya. Si Flynn at Archer ay namangha rin. Napunta ang tingin ko sa panghuling lalake na namumula ang tenga at seryoso ang mukha. Hindi rin siya nakatingin sa amin.

Taste of FriendshipWhere stories live. Discover now