Niyakap ko ang lola ko.

Ang dali ng panahon, noon ang liit ko pa pero ngayon ako na ang mas mataas kay lola.

"Mamimiss kita la.." I mumbled.

"Ako rin.. sobra.."

Tumitig ako sa kaniya at hinawi ang luha sa mata, sinamahan niya pa akong lumabas ng bahay at saka sumakay na ako sa maliit na tricycle.

Ayoko sanang paandarin iyon pero huli na.

Nilabas ko ang ulo ko't tumingin kay lola. Isa-isang pumapatak ang luha sa mata ko habang tinataas ang kamay.

"Bye la! Mahal kita!"

Nanlumo ako nang lumiko ang tricycle at hindi ko na siya mamataan. Umupo akong muli at suminghap.

--

Lakad takbo ang ginawa ko para mapunta lang sa bahay namin, maputik pero wala akong pake.

Nang matanaw ko na ang bahay namin at may mga tao roon, biglang nangatog ang mga tuhod ko't halos mabulag dahil sa mga luha.

Tumawag si Tita Niña sa school number ng brawny, at doon ko nalaman.

Agad akong lumabas ng paaralan at pinayagan naman ako. Bumalik ako sa apartment at kumuha ng kaunting gamit. Pumunta agad ako sa airport at nagcheck in agad, mas malaki ang babayarin pero wala na sa akin 'yon.

Gabi na nang narating ko ang probinsya namin.

Binungad ako ni Tita Niña na nasa pinto, hindi ako gumagalaw at humagulhol lang.

Tumakbo siya't niyakap ako, pati rin siya ay umiiyak.

Gusto kong makita si lola pero ngayo'y nandito na ako ay nanghihina.. parang ayoko siyang makita.

Hindi ako makapaniwala.. bakit ganoon? Hindi man lang niya ako hinintay? Ang sabi niya ipagbebake niya pa ako ng pande crema kapag nakagraduate ako sa junior highschool, pero bakit hindi niya nagawa?

Nakatayo at tulala ako sa harap ng kabaong ni lola.

Hinawi ko ang luha ko't umatras ng kaunti.

Ang sakit sa dibdib, ang sakit..

Umupo ako at mga barahang nilalapag sa mesa, mahinang pag-uusap ang naririnig ko sa likuran.

Pumikit ako at walang emosyon ang mukha.

Sa pagkakataong ito, hindi ko hinawi ng luha sa mata ko, hinayaan na isa-isang mahulog.

Nagbabakasakaling mabawasan ang sakit.

Pero wala eh, mas dumagdag lang ang sakit.

--

AVABELLA'S POINT OF VIEW

Tahimik lang kaming naglalakad, papunta sa apartment ni Naja. Bigla nalang naming nalaman na umalis siya. Tinanong namin sa office kung saan siya papunta pero walang nakakaalam, ang sinabi lang ay may tumawag na emergency at si Naja ang kailangan.

We also asked Archer kasi classmate sila, pero wala siyang alam. Pinatawag lang daw si Naja sa office emergency, at hindi na niya alam ang sunod na nangyari.

Narating na rin namin ang apartment niya, tumingala kami sa hindi masyadong kataasang apartment.

Nakabukas ang mga ilaw except  sa isang bintana.

Pumasok kami roon at tinanong ang nakastandby sa ground ng apartment.

"Nakita ko siya kaninang 12 a.m may dala-dalang bag ta's nagmamadaling lumabas.. umiiyak din siya."

Taste of FriendshipWhere stories live. Discover now