After the laboratory session, uwian na. Nanginig ang cellphone ko sa loob ng bulsa, kinuha ko 'yon at tinignan ang mensaheng pumasok. It was Yandro.

Yandro:

Nasa labas ako ng campus, sa bandang gate.

Napangiti ako. Sobrang responsible talaga siya. Kahit sa ganitong tagpo, alam niya ang gagawin. Hindi niya ako iiwan na mag-isa. Talagang sasamahan niya ako kahit matagal ang labasan.

Mabilis akong naglakad palabas ng university. Bitbit ang ngiti habang hindi mawala ang sayang nararamdaman. Nang makalabas sa gate, agad ko siyang nakita ngunit nawala ang ngiti dahil sa nakikita ko. Masayang nag-uusap si Yandro at Merl, ang muse ng Education Department.

Napatigil ako at mabilis na naramdaman ang sakit sa puso. Goodness sake, Doreen! Wala naman kayo ah! Isiping mabuti na wala naman kaming label pa! Kaya hindi dapat makaramdam ng ganito. Pero mapipigilan ba? Mapipigilan ko bang hindi magselos? Na kahit walang label, masakit na makitang masaya siya habang kausap ang babaeng posibleng magustuhan niya.

Merl is beautiful and kind. Maraming lalaki ang nagkakagusto sa kanya. Kahit yung mga senior namin, gusto rin siya. Kaya paanong hindi ako magseselos at mangangamba gayong silang dalawa ay sikat sa university. Napalunok ako at maiging pinagmasdan ang masaya nilang kwentuhan. Nakikita ko ang saya sa mga mata ni Yandro gayundin sa babaeng kausap niya.

Umatras ako at bumuntonghininga. Pilit pinapakalma ang kirot na nararamdaman sa puso. Jusko, Doreen! I need to calm down! Siguro sasabihin ko sa kanya na mauuna nalang akong umuwi. Tutal mukhang hindi pa sila matatapos sa pag-uusap. Kinuha ko ang cellphone at nag-type ng reply sa kanya.

Ako:

Mauuna akong uuwi. Mukhang hindi pa kayo matatapos sa pag-uusap ni Merl.

God! Pati sa text ko, bitter! Hindi ko maitago ang tunay na nararamdaman dahil baguhan ako sa lahat ng ito. Hindi ko naman alam kung paano pipigilan ang pagseselos! Hindi ko alam kung paano itatago ang pait na nararamdaman. Agad na dumating ang reply ni Yandro.

Yandro:

No. Sabay tayong uuwi.

After I read it, tinignan ko sila. Kinabahan ako ng makita ang kaseryosohan sa mga mata niya habang nakatingin sa akin. Pero mas nagulat ako ng walang paalam siyang tumayo at iwan si Merl sa kinauupuan nila. He walk firm and serious. Huminto siya malapit sa akin, walang pagbabago ang mga mata.

"Kapag sinabi kong sabay tayo, sabay tayo. Hindi ka aalis at hindi ka mauuna." he said seriously.

Napalunok ako at yumuko. Hindi ko naman kasi alam ang gagawin e! Hindi ko alam kung paano itatago o pipigilan ang nararamdamang pait sa puso. Truthfully, when I saw them talking, my insecurities eating me again. Maraming tagpo ang pumasok sa isip ko. Paano kung magustuhan niya si Merl? Paano kung marealize niyang hindi naman pala ako worth it sa paghihintay ng sagot? Paano kung karapat-dapat pala silang dalawa? Anong gagawin ko? Paano ako magsisimula? Babalik ba ako sa dating buhay na walang iniisip kundi ang pag-aaral lang?

Iyon siguro ang gagawin ko. Babalikan ang dating sarili upang hindi na masaktan pa ng husto sa kanya. Kasi kung hindi ko aayusin ang nararamdaman, babagsak ako at baka mahulog pa sa kurso.

"H-hindi...pwede naman kayong mag-usap muna ni M-merl." nautal kong sabi, hindi mapigilan ang pait sa boses.

Hindi ko siya kayang tignan sa mga mata. Baka makapagsalita ako ng masasama laban sa kanya. Baka masabi ko ang nararamdaman ngayon. Baka mag-away lang kami.

"Bakit ayaw mong tumingin sa mga mata ko?" he said hoarsely.

I shook my head. Ayoko at hindi ko gagawin 'yon kasi alam kong lalambot ako kapag makita ang mga mata niya.

"S-sige na, uuwi na ako." sagot ko.

Sinubukan kong dumaan sa gilid upang maunang umalis ngunit marahan niyang hinawakan ang palapulsuhan ko. I even heard his sexy chuckle.

"Let's go in my car." he said very deep.

Napalunok ako at balak pa sanang magprotesta ngunit nahila niya na ako sa loob ng kanilang sasakyan. Nauna siyang umupo at nagulat ako ng ipa-upo niya ako sa kanyang kandungan. He closed the door. Tinignan niya ang driver bago nagsalita.

"Labas ka muna, Kuya Dex." aniya sa kanyang driver.

Agad naman na sumunod ang driver at iniwan kami. Ngayon kaming dalawa nalang sa loob, tinted ang bintana, hiyang-hiya ako, parang nadarang na bulaklak at kailangan lang ng dilig upang mabuhay muli. Yumuko ako at hindi tumingin sa kanyang mga mata. Naramdaman ko ang kanyang kamay sa baba ko, pinantay ang mga mata namin.

"Are you jealous?" sa paos niyang boses.

I bit my lower lips. Mabilis akong umiling, nilalabanan ang tunay na nararamdaman. Ngumiti siya at kitang-kita ang kasiyahan sa kanyang mga mata.

"H-hindi..." sa utal kong boses.

He protruded his lips.

"Bakit pakiramdam ko'y nagseselos ka?" he said.

Mariin akong umiling, pilit tinatanggi ang tumpak niyang hinala.

"H-hindi nga. Ba't naman ako magseselos?" nakanguso kong sabi.

"Kasi kausap ko si Merl. Don't deny it, Doreen. Bakas na bakas sa mga mata mo. You want to kill me right now." aniya sabay sa mahinang tawa.

I scourge his shoulder lightly. I shook my head repeatedly.

"Hindi nga!" labas sa ilong kong sabi.

Humalakhak siya sa leeg ko. Hindi ko napigilan ang pang-iinit ng katawan lalo pa't pinagtatawanan niya pa ako! Is he happy playing with me?

"Really, baby?" he said while laughing sexily.

Hinampas kong muli ang kanyang balikat dahil talagang nahihiya na ako at umiinit na ng husto ang ulo ko.

"Stop calling me that!" I spat.

He laughed again.

"Why? You think it would be better if I call Merl using our endearment hmm?" sa pang-aasar niya sa akin.

Kinurot ko ang dibdib niya at sumiksik na talaga ako sa leeg niya.

"Subukan mo lang, talagang mararanasan niyo ang galit ko." pagbabanta ko sa kanya.

He kiss my ears while laughing sexily.

"Damn, my baby is mad and jealous."





---
© Alexxtott

Costiño Series 13: Till the Last End (HANDSOMELY COMPLETED)Where stories live. Discover now