26

52 38 0
                                    

Nagising ako ng maaga ngayon dahil may trip daw gawin sa buhay si Ali. Potangina di pa nga ako nakakatulog ng maayos tapos ginising na agad ako. Putek kung ano ano kase pinagtitripan!

Bumaba ako dahil nandoon ang kwarto nilang dalawa ni Kael pero tulog pa ang loko.

"Tulungan moko dali na. Ewan ko kung anong pumasok sa utak ko at napagtripan ko tong gawin" sabi nya kaya umiling iling nalang ako.

"Minsan hindi ko din maintindihan kung anong pumapasok sa utak mo eh." Naiiling na sabi ko at sinimulan syang tulungan.

Hinila ko sya papunta sa isa pang bakanteng kwarto dito sa baba at doon sya tinulungan.

Maya maya lang ay narinig kong nagsisisigaw si Kael at sa tingin ko ay galit na galit na sya.

"Ali! Lumabas ka! Isa! Hindi na ko natutuwa ah! Naiirita na ko! Lumabas ka kung ayaw mong hindi makalakad ng isang linggo!" Galit na galit na sigaw nya.

"ALI! ANO BA?!! NASAN KA NA?! LUMABAS KA SABI EH!! LALABAS KA O HINDI?! ISA PUTNAGINA! WAG MONG HAYAANG MAKAABOT YAN NANG TATLO KUNDI HINDI KA TALAGA MAKAKALAKAD!!" Patuloy na pag sigaw nya lang pero hindi namin sya pinansin.

"Yan tapos na" bulong ko sa kanya.

Lumabas ako sa kwartong ito na parang bagong gising at nagising lang dahil sa ingay.

Naghihikab akong lumabas at nakita nila ako kaya dali daling lumapit sakin si Kael.

"Nasan si Ali? Nakita mo ba sya?" nagaalalang tanong nya. Tamo siraulo talaga. Kanina galit na galit tas ngayon hayst.

"Mukha bang nakita ko? Kagigising ko lang diba? So malamang hindi ko pa nakikita" napairap ako sa kanya.

Kinuha ko ang cellphone ko at ikinonect sa speaker bago nagpatugtog.

Ibinaba ko ang cellphone ko sa may tv at hinayaan lang itong tumugtog. Nagpunta ako sa kusina para uminom at para doon ko sila panoorin.

At doon. Lumabas na si Ali ng kwarto at nagpakita sa bebe nya. Suot suot nya ang damit ko, may make up at may wig. Mukha talaga syang babae jan. Ewan ko kung makikilala nila si Ali.

Maya maya lang ay nakisabay sya sa pinapatugtog ko.

"nililinlang ka lang ng yong paningin, babae po ako ( so soft so sweet ) " pagkanta nya bago lumapit kay Kael. Ginamit nya ang pambabaeng boses nya. Kahit ako nagulat kanina nung narinig yon. Mas soft pa ung pambabaeng boses nya kesa saken.

Kumembot kembot pa sya at nagsayaw sayaw sa harapan ni Kael pero Hindi ito nasindak.

"Don't you like me" tanong ni Ali kay Kael.

"I don't like you woman. I still like my man. Get out of my way kung ayaw mong mabangasan. And don't you ever do that again. I have a boyfriend and I'm contented on him" walang emosyong sabi nya.

"Hoy wag ka namang ganyan. By the way I'm Seph nga pala miss. Pwede humabol tayo sa pasko?" nakalahad ang kamay nya sa harapan ni Ali.

Lumabas ako ng kusina at tumabi kay Marcus nang biglang bumulong sila Seph at Casper sakin.

"Kaibigan mo? Pakilala mo naman kami. Pahabol kamo kami sa pasko" sabay nilang bulong sakin.

Hindi ko na na kaya at napa tawa na ko ng malakas dahil sa mga to. Nitawa na din si Ali kaya nagtataka nila kaming tinignan.

"Gago ka pre! Anlandi mo! " sabi ni Ali kay Seph na nakaawang ang bibig.

Ngayon ginamit na nya ang panlalaki nyang boses.

Lahat sila ay napaawang ang bibig at maya maya lang ay nagsisisigaw si Kael.

"Ikaw yon?! Paano?!" Gulat na gulat na tanong nya kaya naman tinignan ako ni Ali kaya sinundan nya ito ng tingin.

Biglang bumaba si Lawrence pero habang pababa sya ay bigla syang nahulog sa hagdan.

Oh tanga!

Hindi kase tinitignan ung nilalakaran.

Napaawang din ang bibig nya ng makita si Ali. Dali dali syang pumunta sa kusina at naghilamos.

Pagkalabas nya ay lumapit sya kay Ali bago nagsalita.

"Hi miss. Ang ganda mo pwede bang maging akin ka?" nakangiting saad nya habang kami naman ay pinipigilan ang pag tawa dahil nakita namin kung paano kumunot ang noo ni Kael.

"Lumayo ka sa kanya. Akin yan, maghanap ka ng iyo!" Sigaw nya sabay hila kay Ali at niyakap ito.

"Isusumbong kita kay Ali. May babae ka ha. Malilintikan ka don" sabi nya at dali daling kinuha ang cellphone nya bago tinawagan ang number nya.

Nag ring naman ang cellphone ni Ali sa bulsa nya at agad nya itong kinuha bago sinagot.

"Hey Lawrence zupp! Musta na dre?"tanong nya gamit ang pambabaeng boses nya habang nakatingin kay Lawrence.

Napaawang naman ang mga labi nito bago tuluyang nagsalita.

"Ikaw? Ali? Paano- I mean bakit? Gago anong meron??" Sigaw nya at humarap samin pero nagkibit balikat nalang kaming lahat bago dumiretso sa kusina.

"Luh! Parang hindi tropa ah! Cge ganyanin nyo ko, maghahanap nalang ako ng ibang kaibigan" sigaw nya at akmang aalis na sya ng biglang sumigaw si Steve.

"Gago maigi kung may magtagal sayo. Siraulo ka na nga, tarantado pa, bipolar pa, tapos lagi pang gutom. Halika na nga dito! Di bagay sayo magtampo para kang tanga jan" sabi ni Steve sa kanya kaya naman umupo nalang ito sa tabi nya.

Kumain na kaming lahat at sila nalang daw ang maghuhugas nila Ethan kaya naman nagkibit balikat nalang ako bago umakyat ulit sa taas para natulog. Inaantok pako putangina. Wala pakong tulog.

Sumama din sakin si Marcus at naka yakap sya sakin habang paakyat kami ng biglang sumigaw si Casper.

"Yan buti yan. Magsitulog nalang kayo please! Wag na muna kayo mag bebe time. Pero kung gusto nyo dun nalang kayo sa kwarto nyo , wag nyo na ipakita samin" sigaw nya kahit nasa sala lang sila.

"Ang hilig nyong sumigaw noh. Pakihinaan naman, nakakabingi kaya! " sabi ko sabay hila kay Marcus paakyat at tuluyang natulog.

Nakayakap sya sakin kaya naman nakatulog ako ng mahimbing. Kailangan lang pala ng kayakap para mahimbing kang makatulog.

Taste of Hell ( Hell Series #1 ) COMPLETE✔️Where stories live. Discover now