Chapter 8

12.2K 159 12
                                    


"Nasaan tayo kuya?" Tanong ko kay kuya  habang nakaparada kami sa gilid ng magandang bahay.

"Nandito tayo sa bahay namin." Sagot ni kuya Tom.

Medyo matagal ko nang kakilala si kuya Tom, pero ngayon lang ako nakarating sa bahay nila. Masasabi kong maykaya ang pamilya nila. Bukod sa kotse ni kuya Tom ay may nakaparada pang dalawang sasakyan na mas malaki kaysa kotse ni kuya Tom.

"Anong oras nga pala ang pasok mo bukas, Dan?" tanong ni kuya.

"Alas 9:00 pa naman kuya." tugon ko.

"Ano Dan, ayos ka lang ba? Maghahapunan lang tayo at ihahatid ko rin kayo mamaya." Sabi ni kuya Tom.

"Kung wala lang sana tayong mga pasok bukas... " dugtong niya.

Sabay-sabay kaming pumasok sa loob ng bahay nina kuya Tom. Dumiretso kami sa hapag-kainan, at naabutan naming nakaupo na ang isang medyo may edad na lalaki na kung di ako nagkakamali ay ang tatay ni kuya Tom.

"O anak, halina kayo." sabi ng lalaking nakaupo.

"Opo, Pa." Maikling tugon ni kuya Tom, at saka kami sunod-sunod na nagmano pagkatapos ay umupo na kami. Napapagitnaan ako nina kuya at kuya Tom.

"Mukhang pagod na pagod kayo ha." Sabi ng babaeng halos kaedaran ni inay, na noo'y inihahain sa mesa ang mainit at mabangong ulam.

Bigla akong natakam, pero bigla ko ring naalala si inay.

"Ang bango naman po niyan niluto ninyo tita Lorie." pagbati ni kuya.

"Naku hijo, ako ang nagluto niyan." natatawang sabi ng tatay ni kuya Tom.

Nagtawanan sila, at ako naman ay tahimik lamang.

"Tito, Tita,... Si Daniel po pala." pagpapakilala ni kuya Hansel sa akin sa mga magulang ni kuya Tom.

"Aba, mukhang mas magandang lalaki sayo ha." pabiro ng tatay ni kuya Tom. Samantalang ako naman ay parang sinukluban ng hiya. Pero hindi naman talaga ako mahiyain. Nagkataon lang siguro na unang beses ko pa lang silang nakita. Syempre umaasa ako na maraming ulit pa na makakapunta ako rito sa bahay nina kuya Tom.

"Oh Daniel, kain ka ng marami at masarap magluto ang tito Jerry mo." Sabi ni tita Lorie.

"Opo." maikling tugon ko.

"Kapag wala kang pasok hijo, punta-punta ka rin dito sa amin. Malapit lang naman kayo dito sa amin." sabi ni tita Lorie.

"Anak, isasama mo siya dito lagi ha." bilin ni tita Lorie kay kuya.

"Opo, tita." maikling tugon ni kuya.

"Oo nga Dan, tutal malapit naman na ang Graduation ninyo. Kailan nga 'yon? Tanong ni kuya Tom.

"Sa May 2 po." maikling tugon ko.

"E kumusta ba pag-aaral mo?" tanong ni tito Jerry.

"Mabuti naman po." Maikling tugon ko. At bigla kong naaalala na halos isang linggo pala akong di pumasok.

"E teka, kayong dalawa ba, kailan niyo ba balak mag-girlfriend?" tanong ni tita Lorie, samantalang si tito Jerry naman ay nakaabang din ng sagot.

"Oo nga po kuya." biglang dugtong ko.

Nagtawanan sina kuya at kuya Tom.

"Naku, tita saka na po ako, konteng panahon pa, busy pa ako sa trabaho ngayon." tugon ni kuya.

"Ewan ko riyan kay Tom."dugtong ni kuya.

"Ano nga ba trabaho nina kuya?" sa isip ko lang.

"Naku lalagpas na kayo sa kalendaryo. Isa pa nakakainip na, gusto ko nang magkaapo." Sabi ni tita Lorie.

Ang Sarap Mo, KuyaWhere stories live. Discover now