Chapter 4

16.9K 178 23
                                    


Paglabas namin sa bahay ni lola Pacing, ay naabutan nga namin si kuya Tom. Nakasandal sa labas ng pintuan ng bago niyang kotse na napanalunan sa Thanksgiving Party nila sa trabaho.

"Tol, pogi natin ngayon diyan ah...." Pabiro ni kuya kay kuya Tom.

Kung sa bagay, pogi naman talaga si kuya Tom.

Hindi ko alam kung kailan ako nagsimulang humanga sa kapwa ko lalaki. Pero ang mas nakakapag-alala sa akin ay bakit maging kay kuya Hansel na sarili kong kapatid ay humahanga ako, kakaibang paghanga.

Si kuya Tom ay kababata ni kuya, di lang yon, kundi magkasama rin sila sa trabaho. Si kuya Tom din ang nagbigay ng alaga naming aso na si Jerry.

"Tol, pasensya ka na, medyo natagalan kami." Paghingi ni kuya ng paumanhin.

Nag-thumbs-up lamang si kuya Tom. At ginulo ang buhok ko.

"Happy Birthday, Dan." Bati ni kuya Tom.

Parang kapatid na rin ang turing sa akin ni kuya Tom. Parang kuya na rin ang turing ko sa kanya.

Kagaya ni kuya, si kuya Tom ay matangkad, at parang modelo rin ang tindig, lamang si kuya Hansel ay maputi, samatalang si kuya Tom ay moreno. At mukhang matapang ang mukha niya, mapapagkamalang bad boy, pero mabilis siyang ngumisi."

Agad kaming umalis at nagtungo kami sa mall na malapit lang sa lugar nina lola Pacing. Isinama ako ni kuya Tom sa Grocery Store, samantalang si kuya ay nag-iba ng direksiyon pero nagkasundo namang magkita-kita na lang sa parking area, after 1 hour.

Sa grocery store ay pinagtitinginan si kuya Tom ng mga babae. Parang ako ang naiinis. Parang nagseselos ako ng hindi naman dapat.

Mang makalabas na kami sa Grocery Store, ay pumila naman sa ATM Machine si kuya Tom nang halos 15 minutes.

Habang naghihintay ako ay may lumapit sa akin, nakaupo ako at nakayuko pero kilala ko ang mga boses nila.

"Daniel, ba't mag-isa ka?" Tanong ni kuya Franco.
"Asan si kuya Hansel?"? Tanong ni kuya Juancho.

"Kuya Franco, kuya Juancho, kayo po pala." Gulat kong tugon.

"Nasa taas po si kuya, di ko lang po alam kung saan siya pumunta, pero kasama ko naman po si kuya Tom." Dugtong ko at itinuro ko pa si kuya Tom na noo'y siya na ang nakatayo sa harap ng ATM Machine.

Di ako mapakali dahil sa nakaupo ako ay nakatapat ang ulo ko sa shorts nila, di ko maiwasang mapatingin sa harapan ng mga ito.

"Kanina pa po kayo dito?" Tanong ko na medyo naiilang. Hindi naman kasi ako close talaga sa kanilang dalawa.

May hitsura naman silang dalawa, identical twins, at parehong matangkad kagaya ni kuya Hansel, mas bata ng kaunti kay kuya Carlo. Pero sadyang si kuya Carlo ang pinakagwapo sa kanila.

Sina kuya Franco at kuya Juancho (Jan) ay kambal na apo ni lola Pacing at mga pinsan naman ni kuya Carlo.

Ilang sandali ay lumapit na sa amin si kuya Tom.

"Uy mga pare, sayang di kami makakasama mamaya sa laro." Bungad ni kuya Tom.

"Oo nga raw kuya e. De bale sa susunod na lang." Tugon ni kuya Juancho.

"O pano, mauuna na kami ni Dan, at baka naghihintay na sa amin si Hansel." Pagpapaalam ni kuya Tom.

"Sige ho. Ingat kayo." Sabay na turan ng dalawa.

"Dan, yong regalo namin sayo, pagbalik mo na lang sa bahay ha, di kasi nagsabi si kuya Hansel na darating kayo e." Pahabol ni kuya Franco.

Tumango lang ako at ngumiti, at kumaway para magpaalam.

Ang Sarap Mo, KuyaWhere stories live. Discover now