Chapter 9

12.7K 169 16
                                    


"Ang sarap mo, Kuya..." Iyan ang nasa isip ko, pero di ko pwedeng sabihin.

"Sa Biyernes na nga pala ang alis ko papuntang Cebu, okay ka lang ba dito?" tanong ni kuya.

"Opo, kuya." Matipid kong tugon.

"Mula sa Biyernes ng gabi, dito matutulog tuwing gabi ang kuya Tom mo. Isang linggo din yon, after one week kasi susunod siya sa akin sa Cebu." Sabi ni kuya.

"E si kuya Carlo po?" tanong ko na umaasang sana ay gabi-gabi ko siyang makasama habang wala si kuya.

"Ah si tisoy naman, makakasama mo kapag paalis na ang kuya Tom mo."

Tumango lang ako at tahimik na uminom ng mainit na kape.

"Teka, tahimik na yata sa sala, baka umakyat na ang kuya Tom mo." Sabi ni kuya.

"Patapos na ako kuya." Sabi ko na medyo nagmamadali.

"Sige lang, huwag kang magmadali, baka mapaso ka." Sabi ni kuya.

Ilang sandali lang ay umakyat na kami ni kuya sa kwarto.

Nakaakbay sa akin si kuya habang naglalakad kami. Di ko maiwasang makadama ng saya, hindi naman sa kung ano pa, masaya ako dahil dama ko ang pagmamahal sa akin ni kuya.

Pagdating namin sa kwarto ay nakahiga na si kuya Tom, nakatihaya at nakaunan sa kanyang kanang kamay. Napakasarap pagmasdan ang kanyang kahubaran, bagaman may suot pa itong itim na boxer short. Parang napakasarap amuyin ng kanyang kilikili na may malalagong buhok. Syempre masaya ako, makakatabi ko nanaman siya sa ganoong hitsura. Di ko man siya amuyin, pero parang ang bangu-bango ng hitsura niya.

"Tol, nariyan na pala kayo." sabi ni kuya Tom  nang dumilat ito. Saka nag-ayos ng pagkakahiga, naghalukipkip ng mga kamay.

"Tol." Matipid na tugon ni kuya.

"Dan, halika na, may pasok ka pa bukas." pagyaya ni kuya Tom habang hinihimas ang kama sa bandang kanan niya, na nagpapahiwatig na doon ako mahihiga.

"Palitan ko na ang ilaw ha." sabi ni kuya.

Ako naman ay agad nang umakyat sa higaan at humiga na sa tabi ni kuya Tom. Si kuya naman ay pumasok pa sa CR.

"Kumusta ang araw mo Dan?" tanong ni kuya Tom, na amoy ko pa ang mabango niyang hininga.

"Ayos lang po kuya." maikling tugon ko.

"Parang di ka naman masaya sa sagot mo." pagbibiro ni kuya Tom na nakangisi, kita ko pa rin ang pagngisi niya dahil sa liwanang ng blue na dim light.

"Hindi po. Masaya po kuya. Medyo napagod lang siguro ako." sagot ko.

"Sige, matulog ka na." Sabi ni kuya Tom habang ipinipikit niya amg mga mata ko gamit ang malapad niyang palad.

Para akong nakuryente sa pagdampi ng palad ni kuya Tom sa mga mata ko.

"Kuya, baka tanghaliin ako ng gising, pakigising po ako ah." sabi ko nang tumagilid ako ng paghiga paharap sa kanya.

"Sige." maikli niyang tugon.

Ilang sandali ay lumabas na si kuya Hansel sa CR at tumabi na sa amin sa higaan.

Tumagilid si kuya paharap sa akin, at ipinasok niya ang kanyang kanang kamay sa loob ng damit ko at hinimas-himas ang likod ko. Masarap sa pakiramdam, parang lalo akong dinadalaw ng antok. Lagi niya iyong ginagawa tuwing magkatabi kami matulog kahit noon pang mas bata pa ako.

Ilang sandali din ay naramdaman kong tumagilid ng higa si kuya Tom paharap sa akin.

Pakiramdam ko ay mahaba na ang tulog ko nang magising ako, pero madilim pa rin sa labas nang lumingon ako sa bintana.

Ang Sarap Mo, KuyaWhere stories live. Discover now