Chapter 1

26.8K 285 16
                                    


Ako si Daniel Moratalla.

.
.
.

Habang lumilipas ang mga araw, pakiramdam ko ay nakakabingi na ang katahimikan sa loob ng bahay.

Halos tatlong buwan na kasi buhat nang pumanaw ang inay. Alam ko ring di biro ang hirap niya, palibhasa ay isa siyang single parent, at kasabay niyon ay may inililihim din palang karamdaman.

Oo nga pala, may kuya ako.

Si Augustus Caesar Moratalla. "Ace" ang tawag sa kaniya.

Si kuya Ace ay lalong naging abala sa kanyang trabaho. Pero hindi ko alam kung ano ang trabahong pinasukan niya. Palagi siyang umaalis tuwing madaling araw at umuuwi tuwing gabi, may pagkakataon ding lumilipas pa ang isa o dalawang araw bago umuwi.

Hindi na kami nakakapag-usap ni kuya. Mula nang mamatay ang inay ay halos wala na akong makausap.

Si kuya Ace ay 29 anyos na, samantang ako naman ay magdodose (12) anyos na.

Kasalukuyan akong nag-aaral sa Grade 6 sa Elementarya sa aming barangay.
.
.
.
Isang araw, nang umuwi ako galing sa paaralan, punit ang damit ko, at putikan ang ulo ko at iba pang parte ng katawan ko, nang mapagkatuwaan ako ng mga bully kong kaklase. Wala akong nagawa, palibhasa'y sadyang mas malalaki sila kaysa sa akin.

"Walang nanay!" "Kawawa naman!" "Walang nanay", sigaw ng mga bully kong kaklase.

Di ko maiwasang umiyak nang mga sandaling iyon.

Nangungulila ako ng mga panahong iyon. Ang totoo araw-araw akong nangungulila. Wala akong mayakap na magpapagaan ng kalooban ko. Nagkataon ding hindi umuwi si kuya ng araw na iyon.

Paggising ko kinaumagahan, nagtatalo pa ang isipan ko kung papasok pa ba ako o hindi na.

Hindi ako pumasok ng paaralan ng halos isang linggo, pero hindi ko ipinaalam kay kuya.

Araw ng Sabado noon, kakatapos lang namin maghapunan, nasa bahay si kuya, naririnig ko na may kausap siya sa may pintuan. Medyo mahina lamang ang boses nila, pero malakas ang pakiramdam ko na kilala ko ang boses ng kausap niya, si teacher Gio, ang homeroom teacher namin.

Ta'kot. Yan ang naramdaman ko ng sandaling iyon. Takot ako na mapagalitan ni kuya, samantalang binibigyan niya ako ng allowance pang isang Linggo para sa pagpasok sa paaralan at para sa pagkain ko sa bahay.

Di nga ako nagkamali. Galit si kuya. Parang sa buong buhay ko ay noon ko lamang nakita ang ekspresyon ng kaniyang mukha na nagpapahiwatig ng galit sa akin. Nararamdaman kong nagpipigil lamang siya na saktan ako ng mga kamao niyang nakakuyom sa galit.

"Daniel!!!", mariin na pagtawag sa akin ni kuya Ace.

Inaamin ko naman na natatakot ako nang pagkakataon na iyon. Pero di ko maikakaila na masaya ako. Alam ko kasing concern siya sa kin ngayon. Hindi bale nang galit siya ngayon, kaysa araw-araw na matabang na pakikitungo.

"Kuya..." tanging nasabi ko na umiiyak.

Di ko na inantay si kuya na dugtungan pa ang pagtawag niya sa akin, agad na akong yumakap sa kanya at nag-sorry ako.

"Bakit di mo sinabi sa akin!?" Naghalo ang mariin at malumanay na tanong ni kuya habang nakayakap pa ako sa kanya.

Di ako nagsasalita dahil mas gusto kong tumahimik sandali sa ganong pagkakayakap kay kuya.

Namayani ang katahimikan sa pagitan naming dalawa, at saka ko naramdaman ang paghaplos ng kanyang kamay sa likod ko, na lalong nagpagaan sa damdamin ko.

Pagkatapos niyon ay nagpaalam si kuya na lalabas muna siya.

"Dan, may pupuntahan lang ako ha." pagpapaalam ni kuya.

Bago pa man niya buksan ang pintuan ay nagbilin pa siya.

"Doon ka na pala matulog sa kwarto ko mamaya." Pahabol ni kuya.

Tumango lang ako, pero sa loob ko ay halos magtatalon ako sa tuwa. Sa loob ng halos 3 buwan mula nang mamatay ang inay ay ngayon lang ulit kami nagkausap ni kuya ng maayos.

Nang mga sandaling iyon ay bigla kong naalala na bukas  na pala ang Birthday ko.

Nagising ako ng pasado alas 9:00 ng gabi dahil naiihi ako, wala pa si kuya. Lumabas ako ng kwarto ni kuya at dahan-dahang naglakad pababa ng hagdan patungong CR, pero naalala ko na may CR din pala sa kwarto ni kuya kaya bumalik ako at doon na lang ako gagamit.

Pagbukas ko ng pintuan ng CR, nagulat ako!!!

.
.
.

..........

Please Vote po. 💙
Please Leave Your Comments and Suggestions.

Ang Sarap Mo, KuyaМесто, где живут истории. Откройте их для себя