Chapter 27

233 3 0
                                    

Demus and I remained friends. In my second year in college before our second semester, I lost a friend, Daniella.

"Ngayon ka lang talaga nakaramdam ng hiya, Jury?"

"Ini-isip ko kasi paano kung nang gabi na iyon ay naturn-off sa akin si minion dahil sa lumayas ako sa amin." Napatakip ako ng aking mga palad sa aking pisngi.

"Kung bakit ba naman kasi nitong mga nakaraan na linggo ay para bang naisama ang buhay ko sa pelikula."

"Hindi ko talaga kaya tingnan si minion, pero ang totoo niyan may plano ako."

"Ano na naman plano iyan?"

"Next school year ay magre-rent na lang din ako ng apartment, same building kung saan din nangungupahan si minion."

"Seryoso ka?" natatawa na tanong niya.

"Oo, para kahit gabi na ay pwede ko pa rin siya masilayan. Sa ngayon, iiwas muna ako ng kaunti dahil sa kadramahan na nangyari, at doon ako babawi." Humalakhak siya at kumapit sa aking braso.

"Sama ako sa iyo, magpapaalam ako kay Mommy." Naging mapalapad ang aking pagngiti, pinagsalikop namin ang aming mga kamay at sabay humagikgik, ngunit natigil iyon ng tumama ang aming paningin sa kakapasok pa lamang sa classroom na si Daniella. Iniwas ko naman kaagad ang aking paningin, pagkatapos niyang umupo sa isang silya sa bandang dulo.

"Jury?" Kinalabit ako ni Collin at ang malungkot na ekspresyon ng kaniyang mukha ang aking nakita.

"Hindi mo ba nami-miss si Daniella?" Malalim akong napabuntong-hininga at sumandal sa aking silya.

"Iyong totoo? Hindi ko maiwasan syempre na mamiss iyong klase ng pagsasama natin tatlo dati, iyong mga kalokohan natin," mahinang pagsasalita ko.

Lumipas ang mga buwan, hindi bumalik sa dati ang pagkakaibigan namin ni Daniella, kahit na nanatili kaming magka-klase ay at saka lamang kami nakakapag-usap kapag naigru-grupo siya sa amin o kaya naman kapag gumagawa ng paraan si Collin para mapaglapit kami.

Nang dumating naman ang araw ng graduation ni Demus ay nagpahatid ako kay Daddy sa General Tinio NEUST campus para pumunta doon dahil iyon ang naipangako ko sa kaniya.

"Ma, siya si Jury." Ngumiti ako at nagmano sa kaniyang ina na halos kamukhang-kamukha niya.

"Masaya ako at nakita kita ng personal Jury. Ikaw ang madalas ikwento sa akin nitong anak ko, kaya naman pala nagtino na kasi isang katulad mo iyong nakasungkit sa puso ng pasaway na ito." Natawa si Demus, ako naman ay pinanliitan siya ng aking mga mata.

"Kaya lang, hindi itong anak ko ang tipo mo. Ayaw mo ba sa mga gwapo hija?" pabiro pa na tanong ng kaniyang ina.

"Ma, mamaya niyan bigla na lang akong hindi kausapin ni Jury."

"Ikaw naman biro lang anak. Hija, naiintindihan ko kung hindi mo type itong si Demus, kahit na gwapo ay maraming kalokohan." Natawa ako, habang napasimangot si Demus.

"Ang totoo po niyan ay napakabuti ng anak niyo. Isa po siya sa kaibigan na talagang maaasahan."

Naging mahaba pa ang naging pagu-usap namin, ngunit kalaunan ay nagpaalam na rin ang ina ni Demus at sinabi na hihintayin na lamang siya sa sasakyan.

"Ayos ba?" pagtutukoy niya sa graduation uniform na kaniyang suot, pati na rin ang hawak niyang diploma.

"Mas naging gwapo ba ako?" Humalakhak siya, ngunit natigilan din ng mapatitig sa akin.

"I'm so proud of you, Demus."

"Sana ako rin." Mahina akong tumawa at isinikop sa kabilang banda ang aking buhok.

Against The Boundaries (NEUST Series #4) (COMPLETED)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang