Chapter 24

196 4 0
                                    

Perhaps, love can poison someone's personality, but does wanting someone so much is enough for you to just let the friendships shattered like it didn't once become valuable?

I opened the window and walked towards the veranda of my room. Maaga pa masiyado, ngunit inaantok na ang aking isipan. Hanggang ngayon ay hindi maalis sa aking isipan ang mga nangyari kanina sa kaarawan ni Demus. I didn't expect that he'd kiss me on the side of my lips, still vocal to his true feelings after I basted him repeatedly, the frustrating part was, Daniella saw it.

Kahit na alam ko naman na wala akong ginawa na mali, at wala naman na siyang gusto kay Demus ay may parte pa rin sa aking damdamin na nagi-guilty, dahil kung uulitin ko sa aking isipan ang nakikita ng aking mga mata ay taliwas iyon sa aking pinaniniwalaan. Daniella still likes Demus, pero hindi ko pa rin maintindihan kung bakit nga ba?...

"Hindi ka na nahiya! Nandoon ka sa party at nakikipaghalikan. Paano kung may mga teacher doon na nagtuturo sa University niyo, o kaya ay kilala kami ng Daddy mo?"

"Mommy, I'm not the one who insists on that kiss. Itinulak ko po siya, at hindi ko naman inaasahan na gagawin iyon ni Demus, dahil magkaibigan lang talaga kami, marahil naka-inom na siya ng mga oras na iyon, kaya ganoon ang nagawa niya."

"Ano ka ba naman, Jury. Explanations? Sa tingin mo maaayos niyan iyong problema kapag may lumabas na issue? Babae ka, Jury, paano kung kumalat ang litrato na iyan? Ano ang sasabihin ng mga tao sa amin, na hindi ka namin tinuturuan ng magandang asal?" Nilingon ko si Daddy, na nanatili lamang na tahimik habang napapahilot sa kaniyang sintido.

"Dad…"

"You know that I'm not that kind of girl." Umasa ako, na ipagtanggol ako ni Daddy, ngunit nadismaya lamang ako sa mga sumunod niyang sinabi.

"Jury anak, sabi mo ay kaibigan mo lang iyong si Demus, then what's that picture?"

"Bakit ka nagsinungaling sa amin ng Mommy mo, akala ko ba ay hindi mo nobyo si Demus?"

"Yes, Dad. I didn't lie to you! Sino po ang nagsend ng picture na iyan, sino ang nagsabi na boyfriend ko si Demus at ganiyan na lang kayo kabilis maniwala?" Mabilis nag-init ang gilid ng aking mga mata.

"It's your friend, Daniella." Natigilan ako, para bang may biglang sumaksak sa akin. Napatakip ako sa aking bibig kasabay ng pagtulo ng aking luha.

"N-No…"

"Ayusin mo ang sarili mo Jury, ah. I didn't raise you to bring us frustrations and destroy our career."

"Hindi ka na nadala kay Rio. Huwag ko sana mababalitaan na nabuntis ka na ng hindi na nga kasal ay naga-aral pa lamang. Why don't you idolize your—"

"Who? Kuya Lionel?"

"Bakit ba palagi mo nalang ako ikino-kumpara kay Kuya? Hindi ba siya nagkamali kahit kailan, kahit makaisa? Or maybe it's because he's always perfect for you."

"Jury," mahina, ngunit may tono ng pagbabanta ang boses ni Daddy.

"Why Dad? Totoo naman…" Nanginig ang aking bibig, napahikbi ako.

"Sa academic siya ang magaling, siya iyong palaging mabuti na anak. Si Kuya iyong maraming achievements, malayo na iyong narating sa buhay, responsable. Siya iyong hindi nagkakamali hindi ba Mom, Dad? Kaya siya iyong paborito." Itinuro ko ang aking sarili.

"Eh a-ako? Ano ako para sa inyo? Iresponsable, tanga, taga-hatid ng problema?"

"Hindi iyan ang dahilan, Jury. Tumigil ka sa pag-iyak mo."

"Talaga ba, Mommy? You always told me how you hate lola for being so manipulative with your teenage life, yet you're also the one doing the same now."

"And yes, I am sorry, Daddy. I'm so sorry, Mommy, because I didn't become the perfect daughter you always wanted me to be ." Marahas ko pinunasan ang aking mga luha sa pisngi at tumakbo palabas ng bahay. Hindi ako huminto kahit na narinig ko ang kanilang pagtawag sa aking pangalan.

Against The Boundaries (NEUST Series #4) (COMPLETED)Where stories live. Discover now