Chapter 23

225 3 0
                                    

Mabilis na tiningay ng panahon ang bawat araw, linggo at buwan. During my second year in college, he still didn't become my Professor again. Simula rin ang nangyari nang nakaraan na Valentine's Day ay hindi na ako nagkaroon pa ng lakas ng loob na umamin muli.

Ganoon pa man, laman siya ng aking bawat tula na ipino-post sa aking Facebook Page, palagi pa rin akong reactor sa mga achievements niya na posted din sa kaniyang Facebook timeline.

Wala akong napapalampas sa kaniyang my day, ginawa ko pa nga iyon na libangan dahil gustong-gusto ko na nakapagbabasa ng mga motivational quotations and God verses na nilalaman no'n.

"Siraulo rin talaga si Demus. Masiyado naman siyang pahalata na puro ikaw iyong tinatawag niya sa recitation," bulong sa akin ni Collin.

Demus, becomes our practice teacher during our finals first semester. Kahit na tumigil na rin naman siya sa kaniyang panliligaw sa akin nitong bakasyon dahil sa seryoso na banta ko sa kaniya na lalayuan ko na talaga siya at hindi na kakausapin kahit kailan ay madalas pa rin ang pagkakataon na may laman ang mga salita na sinasabi niya sa akin.

Kung tutuusin ay na aasar ako sa kaniya dahil tila ginagawa niyang paraan ang pagiging practice teacher niya para sa mga kalokohan niya.

"Kapag nakita ko iyon at tayo lang, sasapakin ko talaga siya." Kapwa kami napalingon kay Daniella na nanatiling tahimik.

"Hey! Ayos ka lang?"

"H-Ha? Oo naman. Nako, kung ako sa iyo ay itutuloy ko talaga iyang sinasabi mo para matigil na iyong pangtri-trip sa iyo ni Sir.— ni Demus." Mahina siyang tumawa, napangiti naman ako at ikinawit ko ang aking kamay sa kaniyang braso.

"Masaya talaga ako kasi natauhan ka na Daniella! At saka, marami naman ibang lalaki riyan na tiyak na magugustuhan ka, hindi mo na kailangan pa ipagsiksikan iyong sarili mo kay Chairman." Nagtama ang aming paningin.

"Hep! Iyong sinabi ko, hindi ibig sabihin na hindi ako suportado sa iyo dati ah?" Tipid siyang ngumiti at pinisil ang aking kamay.

"Alam ko, Jury. Huwag ka mag-alala, tanggap ko naman na. At saka, crush lang naman iyong naramdaman ko para kay Demus dati."

"Aba! Mabuti na lang talaga. Kung alam mo lang Daniella, dati ay panay ang pagchat sa akin niyang si Jury. Hindi matigil sa pag-alala na baka raw tuluyan ka ng magalit sa kaniya dahil sa selos."

"Kasi naman, madalas na kayong magkatampuhan noon. Dapat talaga sundin iyong bawal magselos kapag wala naman kayo." Pabiro kong siniko si Collin.

"Mahalaga naman iyong friendship natin, kaya Jury sorry talaga." Napangiti ako at tumango sa kaniya.

We're in second semester when we realized that colllege life isn't really easy. Unti-unti, mas nararamdaman namin iyong hassle, 'yung halos hindi ka na makakapagreview sa quiz dahil sa mga tinatapos mo na tambak na gawain.

Alas-dos na ng madaling araw, halos nakaubos na ako ng tatlong baso ng kape, gusto ko na sana matulog ngunit kailangan ko pa tapusin ang PowerPoint ko para sa demo-teaching namin sa isang subject. May dalawang assignment pa ako na hindi ko nagagawa at isa pang-script para sa groupings namin na bukas na rin kailangan.

"Inaantok na ako, nakakatamad naman mag-aral." Napanguso ako at napadukdok sa ibabaw ng lamesa. Mayroon naman akong pangarap talaga na makapagtapos ngunit nasasabi ko talaga ang mga salita na ito kapag sobra na akong pagod.

Kinabukasan ay nagising lang ako ng marinig ko ang boses ni Daddy. Nang dahan-dahan kong imulat ang aking mga mata ay nabigla pa ako dahil nasa loob na pala kami ng Sumacab Campus.

"Anong oras ka ba kasi nakatulog kagabi?" natatawang tanong ni Daddy.

"Maga-alas-kwatro na Dad."

"Huwag mo masiyado pinapagod ang sarili mo anak. Mauuna na ako, ayusin mo muna ang sarili mo, tingnan mo iyang buhok mo, tila hindi ka pa tuloy naligo." Napangiwi ako, habang siya ay kinuha na ang kaniyang mga gamit at pinalapit ako sa kaniya para mahalikan niya ako sa aking pisngi.

Against The Boundaries (NEUST Series #4) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon