Kabanata 1: Ang Bola

191 12 1
                                    

Ang Bola



Naglalaro kaming mag-kapatid ng bola sa aming mumunting hardin na napaliligiran ng makukulay at iba't-ibang uri ng bulaklak. Nasa loob ng aming tahanan na yari sa kawayan na may bubong na pinagtagpi-tagping pawid ang aming ama't ina. Batid ko'y nagluluto sila ng aming pananghalian dahil sa masarap na amoy na aking nalalanghap galing sa loob ng bahay.


"Ate, bola! Ilag!" sigaw ni Juan— ang nakababata kong kapatid na lalaki.


Walang anu-ano'y umiwas kaagad ako upang hindi ako matamaan ng bola.


Tumakbo naman papalapit sa akin ang aking kapatid. "Ate, ayos lang ikaw?" tanong niya sa'kin na may nag-aalalang mukha.


Natawa na lang ako sa kanyang pananalita. Kung sabagay, limang taon pa lamang naman siya kaya naiintindihan ko naman kahit papaano kung mali-mali at kulang-kulang minsan ang kanyang pangungusap.


"Oo, ayos lang si Ate," sabi ko na naka-ngiti sabay gulo ng kanyang buhok. "Ang lakas ng pagkaka-sipa mo ah! Mahusay!" natatawa kong dugtong.


Nagpalinga-linga siya na ipinagtaka ko naman. "Ate, bola nawawala," sabi niya habang patuloy sa pagtingin-tingin sa kabuuan ng aming hardin.


"Gano'n ba? O sige, hanapin natin," paanyaya ko sa kanya habang naka-ngiti. Tumango naman siya kaya sinimulan na namin ang aming paghahanap.


Lumipas ang sampung minuto ngunit hindi pa rin namin mahanap ang bola. Hindi naman iyon gaanong malaki at hindi rin naman ito maliit. Kumbaga, tama lang ang laki nito. Makulay din ang bolang iyon kaya madali lang mahanap. At saka, hindi naman gaanong malakas ang pagkaka-sipa ni Juan sa bola kaya siguradong hindi iyon mapupunta sa labas ng aming hindi masyadong mataas na bakod. Naikot na nga namin ang kabuuan ng hardin, maski ang likod ng aming bahay.


Naupo ako saglit sa isang maliit na bangko. Napansin ko na may tinatanaw si Juan sa kabilang bakod kung saan makikita ang mahabang daan patungong gubat. Nilapitan ko siya at tinanaw ko rin ang kanyang tinitignan.


"Ate," tawag niya sa'kin. Hinawakan niya nang mahigpit ang aking damit at saka may itinuro sa may banda sa gubat. "Bola," pagpapatuloy niya.


Noong una'y hindi ko nakita ang bola ngunit parang isang bulang sumulpot ito malapit sa pasukan ng gubat. Nakaka-mangha ngunit nakaka-kilabot. Para bang bigla akong may naramdamang kakaiba na hindi ko mawari.


Paano iyon napunta doon?


"Ate, kunin natin bola."


"Naku, hindi pupwede. Baka tayo'y mapagalitan nila Mama't Papa,"sabi ko.


"Pero, Ate, sige na..." pakiusap niya sa'kin.


Napa-buntong-hininga na lamang ako sanhi ng pagsuko ko dahil wala rin naman akong magagawa kung hahayaan kong kulitin niya ako nang kulitin. "Sige na nga," hinawakan ko ang kamay niya. "Pero, bilisan natin ha? Para hindi tayo maabutan ng hapon o ng dilim at para hindi rin mag-alala sila Mama't Papa."


Tumango naman siya kaya lumusot kami sa 'di-kalakihang butas sa aming bakod at sinimulan naming tahakin ang daan papuntang gubat.


Sana, walang masamang mangyari.




Ipagpapatuloy...



ShioPau's Note:

Hello! This is my first time to write this kind of story so I hope it went well and will go well. :) This was supposed to be a short story with just one chapter but I changed my mind. It's still a short story though, but with 3 or more chapters— I guess? HAHAHA. It depends, it depends. cx

So, that's all! :D Thank you and I hope you guys enjoyed and will enjoy.

Si Snow White (ON HOLD)Where stories live. Discover now