Kabanata 5 - 2/10

3 0 0
                                    

"Dalawang taon na ang nakalipas. Labing-walong gulang na ako. Planado ko na ang lahat, handa na ako."

Nilakad ni Ana ang pinakamalapit na police station.

"Ehem..excuse me po magandang umaga ho sir."

"Magandang umaga po ma'am, ano po ang maitutulong ko sa inyo?"

"Sino po ang pwede kong makausap?"

"Makakausap? Hmm..Sige po sandali lang ma'am" tumalikod ang police at may tinawag. "Mr. Reyes" Agad na lumapit si Mr. Reyes at pinapunta si Ana papuntang pribadong silid.

"Ano po ang maitutulong ko sa inyo? Ma'am?"

"Mayroon po akong nagawang mali. 2 taon na po ang nakalipas, pumunta po ako sa inyo upang aminin ang krimeng aking nagawa. Pinaslang ko po ang nanay ko gamit ang unan. Kayo na po ang bahala sa akin. Ako rin po ang naglibing sa aking ina sa ilalim ng punong Narra."

Matapos ang pag-amin ni Ana'y hinatulan siya ng 10 taon sa kulungan.
———————————————————————————

—KULUNGAN—

POV ni Ana

Oups ! Cette image n'est pas conforme à nos directives de contenu. Afin de continuer la publication, veuillez la retirer ou télécharger une autre image.

POV ni Ana

Ganito pala ang itsura sa loob. Laman ri'y mga babaeng tulad ko na nagkasala. Ano-ano kaya ang kanilang nagawang krimen? Siguro mayroon ring katulad ko at mga mas malala.

ROOM 132
Silid na itinuro sa akin ng in charge na tauhan. Dalawang higaan, medyo may kasikipan ang silid kung para sa dalawang tao at iisa ang bintana. Sobrang taas pa nito.

...

Eto na siya, ang aking kasilid. Ang taray ng mukha niya pero nararamdaman kong mabait siya..hmm...wag nalang baka kung ano pa ang mangyari sa akin.

...

Lumabas ako ng silid may mga babaeng nagaaway, mayroong magtotropa, naninigarilyo, nanonood ng telebisyon, nakikinig ng radyo, nagsusulat, iba-iba sila ng ginagawa.

...

Sa oras naman ng pagkain, dikit-dikit ang mga mesa't isang deretso ang upuan. Kung usapang pagkain? Nako wag na nating pag-usapan yan dahil hindi ko natitipuhan ang lasa.

———————————————————————————

>>fast forward>>

Isa..

Dalawa..

Tatlo..

Apat..

Lima..

Anim..

Pito..

Walo..

Siyam..

SAMPU..

Huling taon ko na dito. Parehas lang naman araw-araw. Gigising ka, ehersisyo, kakain, free time at oras ng pagtulog. Ganiyan ang buhay sa loob ng kulungan. Pare-parehas, ang umiba lang ay ang edad ko..matanda na. 28 na ako ngayon. Marami namang natutunan sa loob ng bilanggo at napakinggang storya ng ibang tao.

*tumunog yung speaker*
"ANA MAE P., JOSALYN R., CRISSY O. MALAYA NA KAYO."

Ganyan nga pala sila mag-anunsiyo ng mga tapos na ang oras sa loob ng bilanggo. Nagpapalak-pakan ang lahat pagkatapos nito.

-Wakas ng POV ni Ana-

Ngayong malaya na si Ana. Agad siya pumunta sa flower shop at bumili ng dalawang rosas na puti gamit ang tira niyang pera na itinago niya sa loob ng 10 taon.

Dumeretso agad siya sa punong Narra kung saan nakalibing ang kaniyang ina. Inialay at umupo sa tabi at sinabi "Nagbabalik ako ina. Sana ay mapatawad mo ako. Mahal na mahal kita ina"

Inilapag niya ang isang rosas sa puntod ng ina at yung isa naman ay sa pwesto kung saan nakaupo si Lester noong kinuha ang litrato noong 5/19/25.




"Lumaya man ako sa kulungan, hinding-hindi ako malaya sa mga nagawa kong mga kasalanan."

-Ana


——————————WAKAS———————————

Sugat Ng NakaraanOù les histoires vivent. Découvrez maintenant